Chapter 05

39 8 18
                                    

Yung taong sinabihan ko ng manyak at tinangkaan ko na kakasuhan ay naging boss ko. Ang nakakatawang part ay nagawa ko pang ngumiti sa kanya habang kinakamay n'ya ko. Walanghiya talaga, kailan ba matatapos 'tong araw na ito?

"Uy Shai, Wag mo iuntog yung ulo mo sa table mo baka masira, matatanggal ka na nga magbabayad ka pa." Sinamaan ko ng tingin si Jun. Bwiset na baklang 'to.

"Ikaw kaya iuntog ko dito?" pananakot ko sa kanya.

"Ay uma-attitude ka girl ah." natatawang sabi n'ya habang nag-aayos ng bagong gupit n'yang buhok.

"Oy Jun, nasan ka ba kanina? Bakit wala ka, di mo nameet yung bagong boss natin." tanong ni Chel na may kasamang hampas sa balikat ng bakla.

"Don't touch me Chell, alam mong may allergy ako sa'yo eh."umirap pa ang bakla. Napailing nalang ako sa dalawa.

"Uy grabe ka mahal ah, makataboy ka naman sa kin." sabay nguso n'ya.

"Ew Yuck, Mahal? Sabunutan kaya kita?" arte talaga ng bakla.

"Manahimik nga kayong dalawa para kahit papaano makatulong kayo?" pagsita sa kanila ni Isa, "Huy Shai, ano nang balak mo? Uunahan mo na ba? Magpapasa ka na ng resignation?" niliitan ko s'ya ng mata, isa pa to eh. Di rin nakakatulong eh.

"Di ko alam," padabog akong yumuko sa table ko. "Di pa ko ready,"

"Di ka pa ready na matanggal or magresign?" Sinamaan ko ng tingin ulit ang salot na baklang 'to.

"Di ba parehas lang 'yon?" tumingin pa si Chell kay Jun at lumipat kay Isa bago mapunta sa kin, "pero mas maganda kung magresign ka na lang."

"Konti na lang talaga hahambalusin ko na kayong lahat eh." I sighed. "Di na kayo nakakatulong."

"Maghahanap ako ng hiring sa internet bes, penge lang ako ng updated na resume mo," isa pa 'tong bestfriend ko. "Oh ayan ah, makakatulong ako."

"Gawan kita ng Resume Shai." Dagdag ni Chel, "Sa kabilang building ata hiring."

"May pogi ba dun? Magresign na lang ako para di na kita makita Chell."

"Grabe ka sakin Jun ah, Kahit anong gawin mo naman susundan kita dun eh."

"Malandi ka talaga, mas malandi ka pa sa akin! Eww."

Langya talaga, lahat nalang ng taong nakapaligid sa kin sakit sa ulo. Kailan ba titigil 'tong mga to, Di ako makapag-isip ng maayos. Wala akong maisip na sulusyon, puro nakikita ko ay yung future ko after ko mawalan ng trabaho!

Ayoko pang magresign o matanggal utang na loob, papatayin ako ng mama ko. Wala pa kong ipon, tapos nare-renta lang din ako. Baka palayasin ako ng mama ko kung umuwi ako ng Bagiuo. Ang gagawin ko?

"Shai," napalingon kami lahat kay buntis. Si Mae.

"Y-Yes ate Mae?" Lahat kami napalingon sa kanya. Bakit nandito ang assistant ng Boss? Parang may iba na akong nararamdaman ah.

"Our Boss wants to talk to you. To his office, now."

"Agad agad?" bulong ko. Naramdaman ko ang tingin ng mga tao sa paligid ko. I'm not ready, huhuhu pero wala naman akong choice.

"Best of luck girl." pilit akong ngumiti kay Isa, "Fighting."

"Praying kami ghorl."

"YOU'RE FIRED. KUNIN MO NA LAHAT NG GAMIT MO AND LEAVE THIS COMPANY IMMEDIATELY."

"Shai," halos mapatalon ako sa tawag ni ate Mae, "Okay ka lang? Namumutla ka."

"Ha?" napahawak pa ko sa mukha ko, naramdaman ko ang malamig na palad ko medyo namamawis pa, badtrip talaga. "Okay lang ako ate." kunware.

Late Night In The Office With My Petty BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon