Chapter 07

48 4 17
                                    

Saan kaya ako balak dalhin nitong si Sir?

I mean, 4 pm na malapit na mag-uwian. Gusto ko nang umuwi, di naman sa walang bayad 'tong overtime kung mag o-overtime man ako, pero ayoko lang talaga s'yang makasama ng mas mahaba pang oras. Hindi pa ba sapat ang 8 hrs na pangtri-trip at pagpapahirap n'ya sakin?

Tyaka naba-badtrip ako sa kanya, as in ah. Ang pagkakaalam ko, assistant n'ya ko so dapat at least alam ko mga lakad n'ya or meetings n'ya. Wala man lang ako kaalam-alam sa nangyayari ngayon ah!

Pero kung iisipin natin baka naman manlilibre si Boss, malay mo nainggit sa ginawa ni sir Rome kanina hehehe. Baka inuntog s'ya sa mesa ni sir Rome.

Na'ko naman, asa ka. 

Sighed.

"Sir Clyde, next time po sabihan nyo po ako na may mga ganitong lakad po kayo para po maayos ko po yung schedule n'yo." At schedule ko.

Tumingin s'ya sa kin at men pinagsisihan ko yung sinabi ko. Sana medyo nilambingan ko. Shet kasi, yung tingin n'ya sa kin parang anytime ibabangga n'ya yung sasakyan.

Agad akong nag-iwas ng tingin at tumuon sa daan, "Gusto ko lang po na maayos yung time management natin-"

"I'm sorry for this sudden meeting." Sabi n'ya. "Actually nasa schedule ko 'to, without you."

Without me? So di ko 'to trabaho?

"So-"

"Sinama kita kasi kailangan ko ng tulong mo," tumingin s'ya sa kin. At yung tingin n'ya bes, ang lambing. Pwede pala 'yon? Pwede palang maging soft ang mukha n'ya? Sana naman gawin n'ya yan more often!

Ang sarap magtrabaho ng ganyang ang mukha ng kasama mo araw araw! Teka nga bakit gumaganyan yan? Malamang may kailangan!

"Tulong po?" napalunok ako. Anong klaseng tulong kaya 'to?

"I'll tell you the details later, but for now." Pumarada kami sa isang building. Ano 'to, bakit nasa mall kami? Nasa harap kami ng mamahaling mga mall!

OMG. So gusto n'ya talaga akong i-treat. Aww!

"Get a dress, mas maganda kung red para attractive." Napatingin ako sa kanya, hanu daw?

"Here," inabot n'ya ang credit card na galing sa wallet n'ya. "It doesn't matter how much it is, just buy it as long it's good and comfortable."

"Eh sir?" naguguluhan pa ko eh. Bakit ako bibili ng dress? Bakit red? Bakit kailangan attractive?

"I will send you the location. The party starts at 8pm, and you know me I don't accept any reasons for being late." Tuloy tuloy n'yang paglilitanya. Hanu to? Ganun ganun na lang? Walang explanation?

"And also," tumingin s'ya sa 'kin mula ulo hanggang paa sa tingin n'ya pa lang halatang jina-judge nya na ko, "try to visit a salon. Is that clear?" Clear your face. Wala akong naiintindihan sa sinasabi mo!

"Sir bakit nga po-"

"I will explain later." Putol n'ya sa kin. Hobby n'ya talagang sumabat eh, di pa nga ko tapos magtanong!

"Eh bakit-" di ko na naituloy dahil biglang bumukas ang pinto sa gilid ko. Pinapalayas na ko ng isang 'to.

"Miss Bautista, I said later. Now go." Pagtataboy n'ya sakin, "see you at 8."

And with that iniwan n'ya na ko sa gitna ng malalaki at mamahaling mall. Napangiti ako sa sarili ko, ngayon lang ako makakabili sa gantong lugar, puro SM at divi lang ako eh so pagkakataon ko na para ubusin ang pera n'ya. Bwahahah!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 02, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Late Night In The Office With My Petty BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon