BUS
NAKAKAHIYA!
Kanina pa ako pinagtitinginan ng mga kasama ko sa bus. Ang iba ay nakakunot ang noo, ang iba naman ay tila naiinis lalo na't nagambala ng malakas kong sigaw ang ginagawa nila.
Samantalang ang katabi ko naman ay wala pa ring reaksyon. Sa halip ay inirapan lamang ako nito at nagsuot ng earphones. Parang kanina lang sa park ay parang alalang alala ito, ngayon naman ay tila parang wala itong pakealam. Sabagay, nakakasama din naman ng loob yung sinabi ko kanina sa kanya. Felicity kasi eh.
Ibinalik ko na lamang ang tingin ko sa labas ng bintana. Makalipas ang limang taon ay aapak na naman ako sa lugar kung saan ako lumaki. Ang tagal na din pala nung huli akong umuwi. 'Panu, mas inuna mong bantayan yung jowa mo kaysa umuwi sa pamilya mo' sabat naman ng konsensya ko.
Ang dami ko palang nasayang na oras at panahon sakanya. Pati pamilya ko ay halos makalimutan ko na dahil lang sa pagmamahal ko sakanya. At sa huli hindi rin naman pala kami magkakatuluyan. Pisti ito na naman yung mga luha ko, nagbabadyang tumulo.
Sa buong byahe ay wala akong ginawa kundi ang tumingin sa labas ng bintana. Napagpasyahan ko na lamang umidlip nung unti unti ng nilamon ng dilim ang kapaligiran. Bago ko pa mamalayan ay nakaidlip na pala ako.
NAGISING ako sa mahinang paggalaw ng sinasandalan ko. Hindi ko ito pinansin at sa halip ay mas lalo ko pang isiniksik ang ulo ko sa kanyang leeg --- teka leeg? Napamulat ako kaagad sa reyalisasyon, jusko sinandalan ko yung katabi ko. Nakakahiya!
"Buti naman at naisipan mong bumangon, kanina pa ako naiihi" pagsabat nito at dali dali ng tumayo. Iihi ata.
Kaya pala, nagstop-over pala ang bus at halos lahat ng kasakayan ko ay nasa labas, kumakain. Ilang oras kaya ako nakatulog sa balikat niya? Paniguradong masakit iyon. Dibale na nga, magso-sorry na lamang ako rito mamaya.
Itinali ko muna ang aking buhok bago lumabas ng bus. Kakain muna ako lalo na't nagwawala na yung alaga ko sa tiyan. Nalipasan nga pala ako ng gutom kaninang tanghali kung kaya't ganito na lang ako kagutom. 'Puro ka kasi iyak!' Kunti na lang talaga at iisipin ko na talagang may sariling pag-iisip itong konsensya ko. Lintik talaga oh
Nagiikot ako sa maliit na pamilihan ng mga pagkain sa bus stop ng mamataan ko si Mister na katabi ko, nakapila sa isang bilihan ng Shawarma. Agad akong nagtungo roon at inunahan siya sa pagbabayad. 50 pesos lang naman, kaya ng budget.
"Kuya ito po yung bayad nung kanya, padagdag na din po ng isa pa." Ibinalik ko ang tingin ko kay Mister at imbis na magpasalamat ito ay inirapan lang ako nito at dumiretso na sa bakanteng upuan. Bakla ba yun?
Pagkakuha ko ng order ko ay agad akong nagtungo sa mesang pinagkakainan nito at umupo sa harapan. Imbis na tignan ako nito ay pinagpatuloy lamang nito ang pagkain at hindi man lang nag-angat ng tingin.
"You're rude" Bago ko pa mapigilan ang bunganga ko ay nasabi ko na iyon
"Says by the one who slept on my shoulder awhile ago." Namula ako sa tinuran niyang iyon. Paano ba kasi nangyari iyon? Ang alam ko ay nakasandal ang ulo ko sa bintana bago ako makaidlip. Ano yun, lumipad yung ulo ko papuntang balikat niya?
Imbis na sagutin siya ay sumubo na lamang. Wala kaming imikan habang kumakain. Nang matapos ito ay uminom muna ito ng tubig bago tumayo. Pupunta na ata sa loob ng bus. Lalakad na sana ito ng tawagin kong muli ang pansin nito.
"Uhmm Mister" huminto ito bagama't hindi tumugon kaya pinagpatuloy ko na ang sasabihin ko
"Sorry nga pala. Yung kanina sa park at sa pag-idlip ko sa balikat mo" pikit matang sabi ko rito habang nakayuko
"Bilisan mo, after 5 minutes aalis na yung bus"
Napaangat na lamang ako ng tingin at napangiti. Feeling ko talaga concern siya sakin eh. 'Akala ko ba broken-hearted ka pero lumalandi ka na naman.' Yawa ka talaga konsensya.
TINAKBO ko ang daan papunta sa bus na sinasakyan ko. Mabuti na lamang at bago pa magsara ang pinto ay nakahabol ako. Nadatnan ko sa upuan namin si Mister masungit, oo masungit kasi palagi niya akong iniirapan, na nakapikit ngunit hindi katulad kanina ay wala itong suot na earphones.
Muli ay napatitig na naman ako sa mukha niya. Hindi siya masyadong maputi, hindi rin naman ganun kaitim, ngunit kahit ganun ay hindi mapagkakaila ang pagkakaroon niya ng hitsura. Nakakainggit talaga yung labi niya, mapapa-sana ol ka na lang talaga.
Tapos yung kilay niya medyo makapal din, hindi nung katulad kay Robert, manipis at parang kalbo. Ano ba Felicity?! Bat mo sila pinagkukumpara eh magkaiba sila. Halatado naman na lamang ng paligo itong si Mister masungit kaysa kay Robert. Napahagikhik na lang ako sa naisip ko.
Hindi ko namalayan na tinitignan na pala ako ng katabi ko kasi hanggang ngayon eh nakatayo pa ako sa harapan niya. Buti na lamang at hindi ako sinita ng kundoktor.
"Excuse me, padaan lang saglit" hindi ito umimik pero nagbigay naman ng distansya para makaupo ako.
Hindi ako mapakali, feeling ko nakita niya na tinititigan ko siya kanina. 'Yan, landi pa kasi Felicity' yawa ka talaga konsensya. Oo na pogi kasi siya. Mas pogi kay Robert.
Nagpatuloy ang byahe papuntang Quezon at kahit tuksong tukso akong lingunin siya ay hindi ko na ginawa. Mamaya ay mahuli niya na naman ako at sabihin niya pinagnanasahan ko siya. Mabuti na ang maging maingat.
Tahimik akong nakamasid sa labas ng bintana, tinitignan ang mga ilaw na nadadaanan namin ng biglang mag-'vibrate' ang cellphone ko. Hindi ko pa man nakikita ay alam kong siya ito. Siguro ay nasa hotel na sila ng asawa niya ngayong oras na ito kung kaya't nakahanap siya ng tiyempo para i-text ako.
From: Love
Kumain ka na ba? Sinabi sakin ni Justin kanina nakita ka daw niya sa simbahan. Sorry.
Wala pang ilang minuto ay nag-'vibrate' na naman ito, at sa pangalawang mensahe, hindi ko na napigilan ang sarili ko, tumulo na naman ang mga luha ko. Nakakainis! Bakit ba ang babaw babaw ko.
From: Love
Ikaw lang ang mahal ko. Tandaan mo yan.
Ako lang? Pero pinakasalan mo siya, at ngayon ay aanakan mo na siya. Gusto ko sanang sabihin yan sakanya ngayon kahit sa text lamang pero hindi ko talaga kaya. Mahal na mahal ko pa din kasi siya.
Napangiti na lamang ako ng mapait at napagpasyahang patayin ang cellphone ko para kahit sandali lang ay makalimot ako. Sana naman habang andito ako sa probinsya namin ay mabawasan ang pag-iisip-isip ko sakanya.
Napag-isip-isip ko rin na nararapat na kalimutan ko na rin siya pati ang nararamdaman ko sakanya, hindi na pwede ang relasyon namin lalo na't ngayon ay kasal na siya. Siguro ay magpapalipas muna ako ng ilang buwan sa probinsya bago ako bumalik sa syudad at harapin siya. 'Yan tama, dapat may plano ka'
Napatingin ako sa relo ako at nakitang magaalas-otso na pala. Ilang oras pa ang byahe at may pangalawa pang stop over ngunit dahil busog ako at inaantok na. Sa tingin ko ay hindi na ako bababa sa pangalawang stop over at matutulog na lang buong byahe.
Bago pa pumikit ang aking mga mata ay sinigurado ko na maayos ang aking posisyon at hindi na lilipad yung ulo ko sa balikat ng katabi ko. Ayaw ko ng magkaroon ng utang na loob kay Mister sa pangalawang pagkakataon, mahirap na.
BINABASA MO ANG
INEFFABLE (ON-GOING)
General Fiction"Loving you is Ineffable baby" -Albia Balton Catachan Felicity Elettra Ambrosia's heart was broken when her long time boyfriend Robert, chose to get married with other woman for the sake of money. Worst is that her father died on the next day. On...