I wish I was Her

13 1 0
                                    

"Dein, nasaan kambal mo?" tanong sa akin ni Cedric.

"Ah, wala dito sa bahay e, umalis." Sagot ko.

"Ah, ganun ba? sige babalik nalang ako mamaya pag nandito na siya." tugon nito at akmang aalis na sana siya nang bigla kong hinawakan ang kaniyang kanang braso.

"Wait, nandito naman ako ah, mag kamukha naman kami ni Denny, pwede mo namang i-imagine na ako siya na ako ang girlfriend mo," Malanding sabi ko kay Cedric at sabay lip bite ko habang pababa kong tiningnan ang kaniyang adams apple na noo'y taas-baba dahil sa paglunok nito ng laway kaya't napangisi ako.

"Uhm---hindi-hindi. Sige aalis na ako, may pupuntahan pa kasi ako." palusot niyang sabi habang tinatanggal ang kamay kong noo'y nakahawak sa kaniyang braso at dali-daling umalis.

Nairita ako sa inasta niya, hindi man lang siya kumagat sa pang-aakit ko, ano bang meron si Denny na wala ako.

"Panalo ka na naman Denny." naiinis na bulong ko sa sarili.

-


Mga ilang oras ang nakalipas ay napaupo na lang ako sa pagod na aking naramdaman matapos kong linisan ang buong bahay.

Tiningnan ko ang aking kakambal na nag se-seselpon lamang buong mag-hapon at walang naitulong na kahit isa sa'kin kaya't napabuntong hininga na lamang ako at humiga sa sofa para umidlip.

"Dein! Bakit hindi mo tinutulungan ang ka-kambal mo?!" naalimpungatan ako sa ingay na narinig.

"Hoy bata ka! Napaka tamad mo! Tingnan mo oh si Denny siya nag linis sa buong bahay tapos ikaw, natutulog lang dyan?!" Bulyaw sa akin ni papa.

"Ma, pa, napagod kasi ako kakalinis ng bahay kaya po ako nakatulog, tsaka ako po ang nag linis sa buong bahay at hindi si Denny, si Denny panay selpon maghapon hindi niya nga ako tinulongan." Paliwanag ko.

"At ngayon binabaliktad mo ang sitwasyon?! Hindi kami bulag Dein! Kita-kita namin kung paano ka matulog diyan at paano mag linis ang kakambal mo!" Singhal lalo sa akin ni papa.

Kitang-kita ko ang galit sa mata ni papa at hindi ko alam kung paano magpapaliwanag gayo'y nabaliktad na naman ako ng kakambal ko, ako na naman ang masamang anak sa paningin nila kaya't nanahimik na lamang ako.

--

"Ano ba 'yan Dein, magkakambal ba talaga kayo ni Denny? Eh mas matalino siya sayo eh." Nakabungisngis na pang-aasar sa akin ng mga ka-klase ko.

"Hindi naman lahat ng mag kakambal eh pareho ang laman ng utak." Litanya ko at sinubsob ang mukha ko sa arm chair at binalewala lahat ng mga pinagsasabi nila.


-


"Owemge! Denny girl ang ganda mo ngayon ah!" Pag-bati ng kaibigan namin sa aking kakambal kaya naman umayos ako ng tindig ng tingnan rin ako ng mga kaibigan namin.

"And you naman girl, anyare sayo? Ba't ganyan buhok mo? Tsaka ba't ganyan suot mo? Basurera lang ang peg?" pang-iinsulto niyang sabi kaya napakuyom ko ang aking kamao at napayuko nalang dahil sa kahihiyan.

'I wished I was her.'

Sana ako nalang, sana ako nalang ang maganda at hindi manang mag suot, sana ako nalang ang mahal ni Cedric, sana ako nalang ang may madaming kaibigan, sana ako na lang ang matalino. Sana ako nalang siya.

Isang plano ang biglang nabuo sa aking isipan at ang planong 'yon ay ang sumakop sa'king isipan buong araw.


-


Nang makauwi kami ni Denny ay tahimik pa ang buong bahay halatang wala pa sila mama at papa kaya't biglang tumulis ang paningin ko habang tinititigan ang kapatid ko na noo'y nakaupo sa upuan.

'Kakampi ko ngayon si kamatayan.' sabi ko sa'king isipan sabay ngisi.

"Kambal, pakikuha naman ng juice sa ref oh." Pag utos niya sa akin kaya naman mas lalong lumawak ang aking ngisi.

Pagpunta ko sa kusina ay kumuha na ako ng baso na may lamang malamig na tubig at kumuha ng juice para magtimpla. Kinuha ko sa aking bulsa ang binili ko kanina at binudbod iyon sa juice at hinalo-halo na.

Nakangisi akong lumalapit sa aking ka-kambal na ngayon ay nag se-selpon na naman.

"Ito na kambal oh," inilapag ko sa katabing lamesa ang juice at kaagad naman niya itong kinuha.

"Thanks." At ininom na ang juice, ilang sandali pa ay nagiging succesful ang aking plano, unti-unti siyang namilipit sa sakit ng tiyan at nagsimula nang bumula ang kaniyang bibig

"Masarap ba kambal?" Demonyong tanong ko sa kanya habang ngumingising nakatingin sa kaniya

"Die bitch!" sigaw ko sa kaniyang tenga at nagsimulang tumawa ng nakakaloko at sinumulan kong hilahin ang kaniyang malamig na bangkay papuntang kusina.


-


"Denny, anak, nandito na kami!" Rinig kong tawag ni mama. Kaagad naman akong lumabas ng kusina dala ang mga niluto kong pagkain.

"Hi Ma, Pa, nag luto po ako ngayon ng bagong putahe." Nakangiting wika ko sa kanila.

"Sige nga, patikim nga niyan." At umupo na sila at kaagad ko naman sila pinagsilbihan. Kinuhaan ng plato at inilapag sa harap nila sabay nilagyan ng kanin at ng bago kong lutong ulam.

"Go, na Ma, Pa, kain na po tayo." Masayang wika ko at nagsimula na silang kumain habang ako ay naghihintay sa magiging reaction nila.

"Ang sarap ah!" Puri sa akin ni papa kaya naman lumawak ang ngiti ko.

'Ohh, pinuri ako sa wakas ng magulang ko. Ganito pala ang pakiramdam Denny but sadly baby girl you are already dead.' Napabungisngis kong sabi sa isipan.

"Ang galing mo na mag luto Dein, nasaan na ba ang ka-kambal mo? I'm sure masasarapan siya sa luto mo." puri ni papa sa 'kin.

"Oh, Dein, asan na ba kambal mo?" biglang tanong ni mama.

"Say hi to your favorite daughter na nakahain sa harapan niyo ma, pa, masarap ba si Denny?" demonyong sabi ko kasabay nang paglipad ng dalawang kutsilyo patarak sa kanilang mga noo.

"Bulls eye." nakangisi na sabi ko at agad na nagtungo sa kwarto namin ni hailey upang maligo at mag-ayos ng sarili.

Plinantsa ko ang aking buhok na katulad ng bagsak na buhok ni hailey, naglagay ng lipstick at kaunting blush on sabay tingin sa salamin at smirk.

"Hey Denny, I am now you." natatawa kong sabi sa sarili habang nakaharap sa salamin.


-


"I wished I was her and I became 'her' but worse. I became evil just like her."

I wish I as Her [one shot story]Where stories live. Discover now