Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko ng maalala muli ang kaganapan kanina.Halos mabingi ako sa sobrang lakas ng mga tili na nangagaling sa mga classmates kong babae habang ang mga lalaki naman ay natatawa lang. Nakapalibot sila sa room namin habang nakamasid sa dalawang taong nasa gitna na parehos nakangiti. Samantalang ako ay nandito lang sa gilid at halos di na makagalaw dahil sa pagkagulat habang may mga butil ng luha sa gilid ng mga mata na gustong-gusto ng makawala.
Hindi ko alam kung ano ang pwede kong gawin para lang hindi matuloy sila sa kanilang kasiyahan.
There are red balloons with a heart shape scattered in the floor kung saan naroroon sina Mica at Rexter na parehos malaki ang pagkakangiti.
Rexter has a bouquet of red rose in his hand and it's for Mica for sure. Hindi nga ako nagkamali dahil ibinigay nga ito at tinanggap naman ng dalaga ng may ngiti sa labi at mumunting luha sa mga mata dahil sa sobrang kagalakan na natupad na ang isa sa mga pinapangarap niyang mangyari, ang mapansin ng lalaking mahal niya at sobra pa ang ipinagkaloob sa kanya dahil nagustuhan pa siya nito na di inaasahan ng kaibigan niya.
Sa gilid nila ay isang magandang banner na halatang pinaglaanan ng oras sa paggawa dahil sa sobrang ganda nito. "Will you be my girlfriend?"ang nakalagay doon gamit ang malalaking letra.
"Yes. I'm your girlfriend now Rex." "Oh my god", mangiyak-ngiyak na tugon niya sa tanong ni Rexter sa kanya. Bago pa magsalita si Rexter ay umalis na kaagad ako kasabay ng pagtulo ng mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
I felt betrayed dahil sinagot agad ni Mica si Rexter gayong ilang buwan palang magkakilala sila. I am her bestfriend pero hindi niya manlang sinabi sa akin na may balak pala siyang sagutin iyon. Kung sana mayroon lang akong pagkakataon na umamin baka may pag-asa sana na hindi maging sila. Baka mas piliin niya ako dahil matagal na kaming magkasama.
Tangina para na akong tanga dito sa likod ng gym habang umiiyak samantalang nagsasaya naman ang ibang mga estudyante dahil sa Valentine's Day ngayon. Pero wala silang pakialam lalo na at brokenhearted ako ngayon. Wala silang pakialam. Galit ako kay Rexter dahil alam naman niyang may gusto ako sa kanya kahit pa sabihing hindi naman totoo pero pinagpatuloy parin niya ang manligaw kay Mica kahit alam niyang may masasaktan.
Linunok ko ang pride at kahihiyan para lang umamin kay Rexter na may gusto ako sa kanya kahit wala dahil ang akala ko ay kahit papaano ay mag-aalinlangan itong ipagpatuloy ang panliligaw sa kaibigan ko. Sabihin man nating may pagtingin siya kay Mica ay hindi tamang baliwalain nalang niya ang feelings ng ibang tao ng ganoon kadali.
Oo alam kong wala akong pag-asa kay Mica dahil ang tingin niya lang sa akin ay hamak na kaibigan lang pero kahit papaano ay umaasa parin ako. Alam kong hindi niya ako kayang tingnan ng higit pa sa pagiging kaibigan dahil ang kailangan niya ay isang lalaking tulad ni Rexter kaysa sa akin na may pusong lalaki lang pero kahit anong gawin ay mananatiling babae parin. Walang may alam na ganito ako, na tomboy ako dahil kahit sa pananamit ay normal na pambabae ang sinusuot ko maliban lang sa mga kikay na damit.
Walang nagtataka sa amin ni Mica kung bakit palagi niya akong kasama at higit sa lahat ay walang malisya ang tingin nila sa amin sa kadahilanang matalik kaming magkaibigan. Kami ang palaging magkasama kahit palakaibigan siya sa iba kaya malaki ang pagtataka ko ng nitong nagdaang buwan ay minsan nalang kaming magkasabay kumain dahil parating may lakad siya. Hindi nagtagal ay may mga bulong- bulungan na may nanliligaw sa kanya at iyon na nga si Rexter Tuazon. Hindi ko 'yon pinansin dahil kung may una mang makakaalam 'yon ay hindi sila kundi ako.
Mas naging matunog ang pangalan nilang dalawa lalo na at marami na ang nagsasabi na madalas daw sila makitang magkasabay na kumakain sa labas. Mayroon ring nagtatanong na sa akin kung may alam daw ako.
Kaya nang sinabi niya sakin na hindi siya makakasabay saakin pagkain ng lunch ay tumango nalang ako pero ang totoo ay may balak akong sundan siya. Mabilis siyang naglakad palabas ng room habang may katawagan sa cellphone. Nang medyo malayo na siya ng kunti sa akin ay tumayo na ako. Papunta siyang parking lot at ang buong akala ko ay sa kotse niya siya didiritso ay nagkamali ako dahil sa kotseng kulay itim siya pumaroon. Pagkapasok niya ay agad naman silang umalis kaya dali-dali naman akong lumabas nang gate ng hindi hinaharangan ng guard dahil lunch break na at mabilis naman akong nakasakay nang taxi. Hindi nagtagal ang biyahe dahil huminto ang kanilang kotse sa isang mamahaling restaurant na hindi kalayuan sa pinapasukan namin. Unang lumabas ang isang lalaki na halos kaedad lang namin na halatang mayaman dahil sa kanyang porma pero wala akong makitang kakaiba sa kanya para magustuhan siya ni Mica maliban sa may maipagmamalaki bga pagdating sa mukha.
Pinagbuksan niya si Mica at nakangiti naman itong lumabas ng sasakyan. Sabay silang naglakad papasok ng restaurant habang magkahawak ang kamay.
"So totoo nga na may namamagitan sa kanilang dalawa", wala sa sarili kong sambit na ikinagulat ng driver.
" Ano po ma'am?", nagtataka siguro sa biglaan kong pagsaaalita kaya di na naiwasan ang pagtatanong.
"Wala po, balik nalang tayo sa paaralan", walang gana kong sambit sabay sulyap sandali sa dalawang nandoon sa loob na masayang kumakain.
Mula ng araw na iyon ay naghintay ako ng paliwanag sa kanya pero kapag magkasama kami ay wala naman siyang ipinagtatapat sa akin at wala namang nagbago sa kanya maliban lang na naging mas masayin pa siya.Palaging ganoon ang eksena pero hindi ko na tinanong si Mica dahil gusto ko siya na mismo ang magsabi sa akin kung totoo nga ang sabi-sabi pero hindi naman nagyari kaya binalewala ko lang at naisip na baka kaibigan lang at binibigyan lang ng kahulugan ng ibang tao.
Nabalik naman ako sa wisyo ng biglang tumunog ang cellphone ko. Napabuntong hininga nalang ako ng makita kung sino ang tumatawag. " Lorenzo" ang naka appear sa screen kaya tamad ko itong sinagot. Hindi pa ako nakakapagsalita ay inunahan na niya ako.
"Umuwi kana nandito si Mica gusto kang makausap", hindi pa siya natatapos sa pagsasalita ay binabaan ko na at dali- daling naglakad palabas ng school.
Hindi ko maiwaasang magtaka habang naglalakad kung bakit nasa bahay si Mica gayong galit ito sa akin. Nagalit ito ng malamang nagtapat ako kay Rexter kahit hindi 'yon totoo at ginawa lang para pigilan ang lalaki sa panliligaw sa kanya. Hindi na niya ako pinapansin at kung hindi ko pa siya sinusundan ay hindi ko pa malalaman na si Tuazon ang kasama niya imbes na ako.
Ngayon lang ulit nagparamdam si Mica sa akin at kahit may kaunting tuwa sa kadahilanang magkakausap muli kami ay lamang parin ang pangamba sa maaaring pag-usapan namin dahil alam kong walang iba kundi ang lalaking pinaka ayaw ko. Rexter Tuazon!
BINABASA MO ANG
Lesbi Inlove
Teen FictionKrisanta Pascual is a lesbian who's secretly inlove with her one and only friend, Mica Caldoza but sad to say Mica is into someone and that someone is no other than Rexter Tuazon. He is known for being friendly especially with girls in a slutty way...