Chapter 1: Bestfriend

4 0 0
                                    

"Kris POV"

"Hahahahahhah," malakas na tawa ni Mika ang sumalubong sa kaklase namin ng pumasok kaming room.

Hindi ko naman maiwasang mapasimangot nang makitang hawak-hawak pa niya ang kanyang tiyan na animo ay kinikiliti dahil sa kakatawa. Kung hindi ko lang alam ang dahilan niya ay tumanga na ako sa harapan niya dahil sa pagkamangha sa ganda niya pero ang maalala ang dahilan niya ay napabuntong-hininga nalang ako.

Pinasa kasi ng magaling kong kapatid ang picture ko kay Mica na natutulog habang nakanganga at gulo-gulo ang buhok. Aminado naman ako na sobrang pangit nga ng kuha d'on pero tulog kaya ako at isa pa di ko naman inaasahan na gagawin ni Lorenzo 'yon kapalit ng 100 na load. Binenta niya ang kahiya-hiya kong litrato kay Mica kapalit lang ng load.

Sobrang nakakahiya kasi kahit ako ay napapangitan sa picture kaya natural lang na pagtawanan ako ni Mica.

"Hahahahaha cute mo dito Kris," nakatawa niyang saad habang pinapakita sakin ang litrato ko sa kanyang cellphone.

Napasimangot nalang ako dahil pagdating sa asaran ay aminado akong walang palag sa kanya pero hindi sa iba.

Hindi ako palakaibigan tulad niya at kapag may hindi ako nagugustuhan sa pag-uugali ng isang tao ay hindi ko na ito pinag-aaksayan ng oras. Kilala ako bilang man hater dahil sa mainitin ang ulo ko pagdating sa mga lalaki pero ang hindi nila alam ay hindi lang talaga ako interesado dahil babae ang gusto ko, literal na gusto ko ang mga babae dahil nagagandahan ako sa kanila lalong-lalo na dito kay Mica.

Kinuha ko nalang ang cellphone ko sa bag para may pagkakaabalahan ako habang hindi pa dumarating ang adviser namin na teacher rin namin sa Math na unang subject namin sa umaga.

Hindi ko pa na-o-open ito ng agawin ni Mica at tinago sa likod niya. Ang kulit talaga.

"Akin na," sabay lahad ng palad ko sa harapan niya pero tanging iling lang ang iginanti niya.

"Micaella." Alam ko na pagtinawag ko siya sa buong pangalan niya ay titigil na ito sa pang-aasar dahil ibig sabihin nito ay hindi na ako nakikipagbiro sa kanya. Gusto kong matawa pero pinigilan ko lang ng makita siyang nakalabi.

"Sorry na parang binibiro kalang eh tsaka totoo naman kasing cute ka dito sa picture"

"Delete mo na please," pakiusap ko habang pinanatili ang kaseryosohan sa mukha.

Napangiti naman ako ng makita siyang napasimangot pero kalaunan ay kinalikot na ang cellphone pero diin na diin ang pindot niya dito para i-delete ang picture ko, panigurado.

"Cute naman talaga eh. Oh ayan wala na bati na tayo ah." Pinakita niya pa sa akin ang gallery niya at wala na nga ang picture doon.

"Oo na," natatawa kong saad dahil sa pagmamaktol niya.

"Libre mo ako mamaya kasi sayang yung load na pinasa ko sa kuya mo para lang  sa picture mo tapos pinadelete mo lang sakin".

" Pwede naman kasing ibang picture huwag lang 'yon."

"Kaya nga gusto ko kasi doon ka na ngalang pangit nawala pa, porket ang ganda mo."

"Ikaw kaya ang maganda, kaya nga crush kita," diniinan ko naman ang pagkagat sa labi ko dahil sa nasabi ko.

"Ano? Crush mo 'ko?"  gulat niyang tanong na nanlalaki pa ang mata habang nakatingin sa akin. Magsasalita na sana ako upang magpaliwang ng bigla siyang ngumiti at inusog pa ang upuan para mas mapalapit pa sa akin sabay sundot sa tagiliran ko.

"Crush rin kita ang ganda mo kasi bestfriend,yieeeehh," kung kanina ay siya ang nagulat ngayon naman ay nagkapalit na kami ng reaksiyon, gulat akong nakatingin sa kanya at magsasalita na sana ng dinugtungan niya ito.

Lesbi InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon