Dorm
6:07 PM"Yassy, itigil mo 'yang ginagawa mo! Naman eh!", pinipilit akong pigilan ni Nea.
"Sure na ko dito, Nea. Wala ring mangyayari kung ipagpapatuloy ko pa ang pag-train dito."
"Sis... tatlong taon."
Tinigil ko ang pagkuha ng mga damit at napatitig kay Nea.
"Tatlong taon. Sasayangin mo lang ba 'yun?"
Lumapit ako kay Nea at hinawakan siya sa balikat. Para maintindihan niya ko.
"Nea, ayoko nang madagdagan pa ang mga taong sinasayang ko dito. Sira na ang pangalan ko, at kahit sabihin na nating inayos na 'yun ni Jay, 'di na magbabago tingin sa akin ng mga tao"
Napatalikod ako kay Nea.
"Sorry talaga pero.. aalis talaga ako."
"Sis naman eh", naririnig ko na ang paghagulgol niya.
"Goodluck sa journey mo, Nea! Naniniwala ako sa'yo. Mas matagal kang nag-train sakin at alam ko na magde-debut ka!"
Lumapit uli ako sa kaniya at hinawakan ang kamay.
"Magde-debut ka. Ipangako mo."
"Magde-debut tayong dalawa!"
"Nea... hindi!", pinunasan ko ang mga luha sa pisngi niya.
"Wag mong idepende sakin ang pangarap mo. Kaya mo 'to! May tiwala ako sa'yo."
"Sis naman eh!", niyakap ako ng napakahigpit ni Nea.
Masakit din ito para sakin pero kailangan kong gawin ito.
Tahimik ang paligid. Tunog lamang ng aircon at mahinang hagulgol ang maririnig mo.
Tinutulungan ako ni Nea ngayong mag-impake. Nakatingin lang siya sa mga damit ko habang nagtutupi.
Nang matapos na ay zinipper ko na ang maleta ko at nagbihis pambyahe.
"Sissy, mag-iingat ka ha"
"Mag-iingat ako. Salamat, Nea!", niyakap ko siya ng mahigpit.
"Babye!"Dahan-dahan ko sinara ang pinto para walang makarinig. Gabi ngayon kaya sigurado akong walang makakakita sakin.
Nagmamasid ako kaliwa't kanan sa paglalakad ko. Ayokong pumalpak ako sa pagtakas ko. Mas lalong magkakaproblema.
Nasa 3rd floor ang room namin ni Nea at nasa 2nd floor na ko. Patay ang mga ilaw. Sobrang tahimik.
Pababa na ako sa ground floor. Medyo mahirap na dito kasi baka makita ako ng guard. Paano?
Tumatago ako sa counter at likod ng sofa. Malapit-lapit na akong makalabas.
*ping*
Punyeta.
Nag-ringtone ang cellphone ko. Nakalimutan kong i-silent.
Nakita ko si kuya guard na napansin ang tunog. Tumayo siya bigla sa upuan niya.
"Sinong andyan?"
Papunta na siya sakin ngayon ::>_<::
Naghanap ako ng sunod na pagtataguan pero wala na akong makita!
"Anong ginagawa mo dya—"
"meow.."
"Pusa lang pala, hays", pabalik na si kuya guard pero..
"Kelan pa naging ping ang tunog ng pusa? Teka"Bumalik sa kuya guard sa kinalalagyan ko. Pano na to?
"Kala mo maloloko mo ko ha! Hindi— huh? nawala"
Buti nalang kakulay ng halaman ang hoodie ko ngayon. Nasa halaman ako ngayon tabi ng entrance. Kunti nalang Yassy! Kunti nalang!
Naglibot-libot si kuya guard para maghanap pa. Palapit nanaman siya sa kinalalagyan ko. Kuya, bat ka ganyan?
Finlashlightan niya ang halaman kung san ako nagtatago."Wala akong makita ah. Teka yung salamin ko."
Bumalik si kuya guard para kunin ang salamin niya. Dahan-dahan akong lumabas sa halaman at umalis. Nasa labas na ko!
Bye HIVE Entertainment! Salamat sa tatlong taon.
Naglalakad na ko papunta sa bus stop. Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko, alas nuwebe na pala. Tiningnan ko rin kung ano ba yung text sakin kanina. Si Nea.
"Sissy, mag-iingat ka sa byahe mo ha! Pangako, magde-debut ako. Tutuparin ko ang pangarap mo sakin. Kakayanin ko 'to! Salamat, Yassy. I love you!"
Pumatak ang mga luha ko sa screen.
Oo, Nea. Mag-iingat ako.
Lalong dumadami ang patak sa screen ng cellphone ko. Umaambon na. Malayo-layo pa ang bus stop, kailangan ko nang tumakbo.
Mabilis na bumuhos ang ulan. Wala akong nagawa kundi huminto muna sa waiting shed sa malapit. Ang baho. Amoy laway at alak.
Nahihikab-hikab na ako. Malakas parin ang ulan. Medyo nahihilo na ako sa antok.
BINABASA MO ANG
Yes! | The Journey of a PPOP Trainee
Novela JuvenilSa panahon ngayon, marami ang nangangarap na maging isang idol. Gustong maging parte ng isang grupo at makilala sa buong mundo. Nakakatuwa pero napakaraming pagsubok bago mo makamit ito. Pero, sa loob ng taunang pag-eensayo para sa pangarap, pipilii...