Chapter 1

117 8 0
                                    

~~~

Maven's POV

Blanko lamang akong nakatingin sa bintana ng sinasakyan naming bus.

"Mave, sa tingin mo? Ano kayang naiisip ngayon ni tita? Malamang nag-aalala na yun sayo," napatingin ako sa nagsalita--si Venice ngunit ibinalik ko na lamang ang tingin sa bintana at hindi na siya sinagot.

"May nangyari ba sayo kagabi? Bakit hindi ka nagsasalita?" muling pagtatanong nito dahilan para lingunin ko siya at muling maalala ko ang nangyari kagabi.

~Flashback~

Madilim na ang paligid at tanging buwan lamang ang nagbibigay liwanag, ang malamig na hangin at ang ingay na nagmumula sa iba't ibang lugar ang aking naririnig habang naglalakad pauwi saaming tinutuluyan.

Bakit ba kasi nasira ang bike ko?

Patuloy pa akong naglalakad hanggang sa may humigit saakin dahilan para mabigla ako. Alam kong lalaki ito dahil sa kaniyang katawan at amoy.

Sisikuhin ko na sana siya ng bigla niya akong paharapin sakaniya dahilan para makita ko ang mukha niya na nasinagan ng buwan. Ang kaniyang itim na magulong buhok, ang kaniyang makinis na mukha, ang mapupulang labi at ang pares ng abo na mata na malamig kung makatingin. Napakagwapo ng kaniyang mukha dahilan para matigilan ako at hindi makagalaw.

"Damn! Nasaan na kaya yun?"

"Baka nandyan pa yun!"

"Maghanap pa tayo!"

Nakarinig ako ng mga boses sa di kalayuan at yabag na mukhang papunta saamin.

"Damn," narinig kong mura ng lalaking ito saaking harapan atsaka ako hinigit papalapit sakaniya hanggang sa marinig ko ang pagtigil ng mga yabag malapit saamin at ang paglapat ng kaniyang labi saakin at ang paggalaw ng kanyang kamay saaking likuran.

"Alis na tayo."

1!

"May porn dito."

2!

"Baka makaistorbo tayo."

3!

"Halika na."

4!

"Tara."

5!

Limang segundo ang nakalipas bago matanggal ang pagkakalapat ng aming mga labi ngunit parang nararamdaman ko pa rin ang pagdampi ng kanyang labi at hawak saakin.

Kaagad ko siyang sinipa sa tiyan dahilan para mapaatras siya atsaka nagsalita. Ang aking labi naman ay pinunasan ko ng pinunasan dahil sa pandidiri!

"What the fuck?!" malalim at nangigigil ang tinig na sabi nito.

"Bakit ka ba nanghahalik?" mahinahon na tanong ko sakaniya pero mahihimigan rin ang inis ko.

I-I just lost my first kiss! At sa isang tao pa na hindi ko kilala!

"Just thank me, Ms. Kicker," malamig na sabi nito saakin.

"Didn't you know the word respect, Mr. Stealer?" mahinahon at may diin na sabi ko. Ganyan ba kadesperado ang mga lalaki ngayon at basta-basta nalang nanghahalik? At masama pa ang kanyang paglaro ng kamay saaking likuran, nakakadiri!

"Stealer? And what did I stole to you? Just thank me dahil baka na rape ka na ng mga iyon," malamig na sabi nito saakin.

"You just stole my first kiss! And at the same time your touch! Can't you respect a woman? Rape? At sino ka ba? Sino sila?" hindi ko na naitago pa ang galit sa boses ko.

The Gangster Who Stole My First KissWhere stories live. Discover now