Anthony P.O.V
Sa patuloy na pagkalat ng Zombie Epidemic na ito. Heto kami nasa hospital, patuloy na humahanap ng sagot sa tanong kung paano mapipigilan ang pagkalat ng virus na ito.
"Mama, kamusta kayo sa bahay? Safe paba kayo" tanong ko sa mama ko sa pamamagitan ng telepono
"Oo anak, mag-iingat ka palagi diyan ha? Wag mo kami intindihin dito" saad niya
Naluha ako sa sinabi ni Mama. Kahit pilitin ko mag-alala ay ayaw ni Mama, ayaw nila maging destruction sa trabaho ko.
"Ma naman! Wag kang magsalita ng ganyan, anak mo parin ako at dapat lang mag-alala ako sa inyo" sagot ko
"Oh siya! Sige na anak may naririnig akong kaluskos eh kaya tatahimik muna ako" may takot na saad nito
"S-sige mama ingat kayo diyan nila Papa at mga kapatid ko" sabi ko bago niya binaba ang telepono
May lumapit sakin at tinapik ang likod ko. Si Dr. Marky ang aking supervisor, at agad itong nagtanong sakin.
"Anthony, kaya mo bang ibuwis ang buhay mo para sa bansa?" Malungkot na saad nito.
"Oo naman, para din sa bansa natin toh" sagot ko
Bumalik na uli si Dr. Marky sa laboratory. Kami naman ay patuloy na nagdarasal, para sa kaligtasan ng buong Pilipinas.
"WE CAN SURVIVE THIS VIRUS!" Sigaw naming mga doctor
Eto na ang simula ng pagkakaisa. Buong pusong inaalay ang buhay, para sa kaligtasan ng karamihan at para sa aming bansa.
BINABASA MO ANG
UNDEAD WALKERS
Horror"Ready To Face Your Death" Peach and Yohan and the rest of the peole who remain alive. Finding the cure and sacrifices their lives, just to stop the spread of the Zombie Epidemic all over the country. Dedicated To: All Frontliners who is risking the...