Chapter 5

3 0 0
                                    


Summer's POV

Bukas na ang opening ng party, and geuss what? Nakalipat na kami ng bahay ni Storm. Okay naman kay tita yun e at mejo malapit lang din kami sa bahay nila.

*kinabukasan*

I prepare all things na gagamitin para sa booth kase saken naka assign yung mga mga curtains na gagamitin.
Nasan na kaya yung dalawang shunga? Sabagay baka malate yung dalawa kase sila pinapabitbit ko ng mga graham balls na ginawa namin kagabi.
For sure madaming tao ngayong pupunta, like mga alumni's and mga outsiders, kase open yung school for visitors.

It's exactly 10:15 am ng makumpleto lahat ng mga kakailanganin at pati yung mga classmates ko nagsi datingan na din. 

-

"Oy bili na kayo ng salad in a cup! Mura na, masarap pa!" Sigaw ni Wenna sa mga dumadaan na students

"Fresh buko!!! Malamig na malamig, parang convo niyo" sigaw naman ni Abby. Sira ulo talaga tong babaeng to

Tinitingnan ko yung ibat ibang booth, napaka dami. Parang school fair na tuloy ang nangyare. Napakaraming booth and stations na pwedeng puntahan.

"Hi guys, meron ba kayong banana cake dito?" Tanong ng isang student from business management. Alam niyo kung bakit alam ko? Because of her I.D.
"Mukha bang cake shop yung booth namin?" Tanong ni Abby. Jusko. Tiningnan ko siya ng masama and bumaling sa babae
"Meron. Wait kukuha lang ako"

Pagbalik ko inabot ko sa kaniya yung cake and pagkatapos niyang bayaran ay umalis na sila ng kaibigan niya.

"Abby! Bat mo naman ginanon?" Tanong ko
"E kase sis, alam mo bang napakaarte nyan? Tapos hindi ba siya marunong tumingin ng mga paninda?" Tss
"Yeah Sisy, sabi ni Kuya saken, yun daw yung ex nung sinasabing mong pwet, and yung kasama niya naman is nililigawan ni kuya" Sabi naman ni Serina

Tiningnan ko yung mga kaklase namin na busy sa pag titinda kase andaming bumibili and umupo muna kaming tatlo kase kanina pa kami nandon.
"Sisters I have a problem"malungkot na sabi ni Serina
"Ano yun?"tanong ko habang nagpapaypay, tss I'm so hot kase
"Si Vaughn daw magiging partner ko sa ball at wala akong choice kase sabi yun ni kuya" Tss
"Vaughn? As in yung kasama nila Lander?" Tanong ni Abby
"Yes" sagot ni Serina habang naka busangot

"Lander?diba member yun ng 7deadly sins?" Singit ng kaklase namin na si Dayan nung marinig ang pangalan ni Lander, fangirl ata to ng 7D e
"Yeah"
"And whats with Lander? Close ba kayo sa kanila?" tanong niya pa
"Hindi no!" Tanggi ko, e hindi naman talaga e
Hay salamat umalis na siya. Nag ikot ikot kami sa campus. Grabe ang ganda ng setting ng event, hindi maaraw at hindi din maulan. Sakto lang.

"Serina!" Tawag ni kuya Steven kay Seri
"Kuya!" Sabi na nga e andito na naman ang 7 dwarfs.
"Hi Abby" bati kay Abby ng isang lalake na kasama nila
"I'm Rylie" pagpapatuloy niya
"Tinatanong ko?" Sagot naman ni Abby, hahaha lakas ng amats ng isang to
"Wooah! Bars ka pre" asar sa kanya ng isa
"Kung ako nyan, iiyak na ko" sabi pa ng isa
"Tss. Ano pa ba kaseng ginagawa natin dito?" Singit ng pwet. Sus kala mo naman. Tumingin ako sa likod and nakita ko si Lander. Sheet kapeng mainit. My hearts beats lalala lala.
"Summer" sabi niya sabay ngiti.

Summer, can you be my partner in ball?" Is this truelalo? 0.0 but I know I can handle my self
"Yes, ofcourse" sagot ko naman
"Amm, Abby pwede din ba kitang maging partner?" Tanong nung Rylie ba yun "Okay, wala din naman akong choice e" 
Mataray na sagot ni Abby
"Kuya naman e, pano na ako nyan?" Pangmamaktol naman ni Serina
"Diba sabi ko sayo na si Vaughn muna magiging partner mo" sabi ni kuya Steven "Mejo may pagka manyak nga yan, kaso wala naman akong choice" pagpapatuloy pa ni kuya. Hahahaha
"Hoy Surmaja! Grabe ka naman saken. Wag ka mag alala Miss Serina, ligtas ka saken" sabi ng Vaughn kay Serina sabay kindat. Pfft. Hahaha.

Nagpakilala silang lahat samen, and yun. Wala naman yatang masama e. Nag yayaan silang kumain muna and nagkasundo naman lahat.

"Infairness mabait naman pala kayong 7 dwarfs" sabi ko
"Ikaw talaga Summer, ansama mo samen" Sabi ni Ryan sabay pout
"At kelan naman naging mabait yang chanak na yan?!" Sinngit nun pwet. Kahit kailang talaga napakasama nito saken "Hay nako pwet! Pinapatawad na nga kita e!" Hehe aasarin ko nalang to kesa magpa stress ako.
"Hoy chanak, tigil tigilan mo nga ako sa pagtawag tawag ng pwet ha!" Wehehe uusok na ilong nyan
"Maging mabait ka nga saken pwet!" Sabi ko at chaka sinusundot sundot yung gilid niya
"Uy ha! Jan nag umpisa lolo at lola ko" Asar ni Ryan
"Hoy yung pinsan ko ha!" Sabi ni kuya Steven
"Pfft. Basta kami ni babay Abby, mag uumpisa na kami ng future namin" sabi ni Vaughn
"Asa asa ka naman jan balvaughn!" Asar na sagot ni Abby
"Ho-hoy! Anong balbon?! Baby naman e" sabi ni Vaughn. I am looking forward for their future, hahaha
"Mga sis halika na nga!" Sabi ni Abby
"Hahaha, sige una na kami guys. Babalik na kami sa booth namin." Paalam ko sa kanila
"Bye Summer, partner ha!"sabi ni Lander
"Yah, Byebye!" Bat ganon parang di na ko nahihiya kay Lander?
"Ate Summer!" Tawag saken ni Clever, sabi niya kase mas matanda ako sa kanya ng months and gusto niya daw akong maging ate
"Yes Clever?" 
"Wala lang ate, see you around guys!" Sabi niya sa aming tatlo

Jusko ang kukulit pala ng mga to! Andami na naming napagchikahan and okay lang yun atleast we make new friends.

-

Nakauwi na ako sa bahay't lahat lahat pero di ko pa din makalimutan yung sinabi ni Lander saken. But what's wrong with my heart? Hindi manlang nagwala yung heart ko. Mejo nagulat lang ako kanina kase hindi ko inaasahan na ako yung tatanungin niya na maging partner, and sino ba naman ako para tanggihan ang offer ng isang Lander Morza. 8 years na akong nag aaral dito sa Jumaji and ngayon lang talaga ako naka experience na ayain ni Lander.

*Knock knock*

"Wow naman kapatid! Lumelevel up ka na ha" Sabi ko with sarcastic tone
"Bakit ate?" Inosenteng tanong niya
"Marunong ka na kaseng kumatok e"
"Ate kase! Sorry na"
"HAHAHA charot lang, ano palang kailangan mo?" Tanong ko
"Ate susunduin ko pala si Mikayla, since alas kwatro pa lang naman"
"O sige bunso, dito mo nalang din siya ipag dinner" excited kong sabi sa kanya
"Sige ate, alis na ko ah" paalam niya chaka nag hug saken
"Okay bunso, ingat ha!" Sabi ko tapos nagsalute siya at umalis

Hays, iniisip ko kung anong susuutin ko sa ball, sabi kase ni maam, halloween gown costume and make up daw yung susuutin namin. Kung mag dracula na lang kaya ako, or killer bride. Kailangan kase naka gown pa tas with thrill

-

Ala sais na and tapos ko ng lutuin yung special recipe ko na adobo with patatas, sana magustuhan to ni Mikayla, nagprepare na din ako ng tatlong plate sa lamesa and...

"CHANAAAAAN!" ready for the dinner

"Ate! We're here!" Sigaw ng kapatid ko na kahit kailan ay hindi marunong kumatok. Sakto lang pala, tumakbo ako papuntang sala and naabutan kong nag uusap silang dalawa. Pag titripan ko muna sila. Hihi
"Hi po ate Summer" nakangiting sabi ni Mikayla
"Sige upo muna kayo" mataray na sabi ko. hahahaha. Tiningnan naman ako ni Storm ng nagtataka
"Ah Mikayla upo ka muna" sabi ng kapatid ko sa kanya. HAHAHAHAHAHAHA yung mukha ni Mikayla, parang natatakot na ewan e.
"Mikayla, sigurado ka na ba sa kapatid ko?" Mataray na tanong ko
"Ate! Ano ba naman ya-
"Manahimik ka kulog! Hindi ikaw ang kausap ko"
"Opo ate" nakangiting sagot niya, in fairness sa batang to. Mabait siya and I already like her na agad, simula ng makita ko siya kanina
"Marunong ka bang maghugas ng plato?"
"Opo a-
"Gawaing bahay?"
"Opo-
"Mahal mo ba ang kapatid ko?"
"Opo ate maha-
"Yieee sana ol. Edi kayo na! Hahaha Mikayla don't worry kase di ako nanganain" sabi ko
"Ate pinakaba niyo po ako" sabi niya naman
"Ate kase e! Nababaliw ka na naman!" Sabi ni Storm
"Hay nako, sorry guys ha! Naisip ko lang kase munang pagtripan kayo. In fact I like you Mikayla. O sya sige kain na muna tayo" pagyayaya ko sa kanila

-

Natapos din ang araw na super saya, parang ayaw ko na nga siyang pauwiin e. Ang ganda talaga ng batang yun, napakabait din. Isasama ko nga pala yun minsan pag mamamasyal para naman maranasan kong magkaroon ng kapatid na babae.

If You FallWhere stories live. Discover now