Chapter 6

3 0 0
                                    

Lander's POV

Ambilis ng araw and bukas na ang Halloween Ball, I'm so excited kase makakapartner ko si Summer bukas.

-

I'm here at mall kasama si Mico dahil naghahanap kami ng pwedeng isuot.

"E sino ng kapartner mo bukas?" Tanong ko kay Mico
"Ewan ko, bahala na"

*Mom's Calling..

"Wait lang bro, tumatawag si mommy"
"Sige hintayin kita sa Jollibbee"
-
"Yes Mom?"

[Anak! Your dad is on emergency room right now!]

"What?!! Asang hospital kayo?"

[Here at St. Luke's] sabi ni mommy habang umiiyak

"Sige po, I'm on my way na" sabi ko at inend call ko na

-

"Mico, I need to go. Dad is on the hospital and hindi ko alam kung ano ng mangyayari kaya ikaw na muna bahala kay Summer bukas"
"Wait-What?! Pero Lander-
"Ayokong ko namang iwan si mommy sa ospital and at the same time, ayoko ko ding maiwan sa ere si Summer. Please bro I need your help"
"Pero pre, alam-
"Sige na bro, si Summer ha!"  Hindi ko na siya pinatapos at umalis na ako.

Summer's POV

Andito yung dalawang shunga sa bahay, dito daw sila mag o over night para hindi hassle bukas and para sabay sabay na din kami pumuntang campus.

"Sis, ang swerte mo pa rin no? Mabibili mo pa rin lahat ng gusto mo kahit wala na sila tito" sabi ni Serina saken habang iniikot ang mata sa loob ng bahay
"Oo nga sis, minsan pautang naman ah" sabi naman ni Abyy. Hay nako mejo naayos ko na din kase tong bahay, malinis na siya and organize.
"Hay nako! Akala nyo naman ang hihirap niyo kung makapagsalita" sabi ko sa kanila habang umiinom ng my ultimate favorite na Chuckie
"Oh sya! Ano na palang susuotin natin bukas?" Tanong ni Seri
"Mag babampira looks ako. Wahahaha" sabi ko
"Killer bride kaya ang peg ko? Para mapatay ko yung Rylie na yun" sabi ni Abby
"E pano ako? White lady? Or mananangal?" Sabi naman ni Seri
"White lady ka na lang girl!"
"Oo nga para mas madaling hanapan ng masusuot" suggest ko naman

-

*kinabukasan*

8:30 na kaming tatlo nagising and alas tres daw mag umpisa ng ball.

Bumaba na ako para maghanda ng umagahan, dahil yung dalawa ay nasa taas pa at nag aayos ng sarili nila.
Nag prito lang ako ng itlog, ham, and nagsangag and then tapos na.

"Sis, I love your room talaga kahit kailan" sabi ni Abby habang papunta sakin
"Oo sis! Super linis, minsan nga i ha hire kitang house keeper namin" pabirong sabi ni Serina habang gumagawa ng oat meal niya
"Alam niyo naman kase na gusto ko na laging organize" e kase naman tong dalawang to ang dudugyot, yung kwarto ba naman nila ay puno ng designs na kung ano ano, like yung kwarto ni Serina is puno ng Doraemon, tapos yung kay Abby naman is Pikachu. E ako gusto ko lang naman ng mga Disney Princess hihi.

"Summer! Hindi ka ba nagtatae sa pinagkakain mo? Bukod sa mga stock mong pagkain, walang ibang laman yung ref mo kundi chocolates, tapos puro chuckie"
"Hay nako Abigail, hindi ko nga pinapakealaman yung ref mong puno ng ice cream e" sagot ko sa kanya
"Kayo talaga! Kain na muna tayo and nood muna tayo ng movies, para naman makapag relax tayo" singit ni Seri

*After 762819173171 years*

(A/N: HINDI MO BINASA YUNG NUMBERS NO?)

Hays! 2:40 pm na and nandito kami sa kwarto ko at naka ayos na kaming tatlo.

If You FallWhere stories live. Discover now