6

908 29 8
                                    

FAYE

Pagkatapos ko magpalit, humiga ako sa higaan at nag-youtube. Nanood ako ng "To Do: Tomorrow x Together", bias ko si Taehyun at Beomgyu. Ang kyut nila ihh!!

Habang nasa kalagitnaan na 'ko ng panonood, nag-message si Audrey at nasa gate na daw sila. Ahh!! Excited na koooo!!

Nagmamadali akong pumunta sa baba at tinawag si mama "Ma! Nandyan na daw po sila sa gate!" Sabi ko habang sinuot ko yung tsinelas ko at lumabas sa bahay para buksan yung gate.

"Uwaahh!!" Di ako makapaniwala na mags-sleepover siya dito samin!! First time kong magkaroon ng kaibigan na mags-sleepover sa bahay namin!!

"Sabi sayo babawi ako eh!" Sabi niya sabay turo sakin at niyakap ako.

Nakita kong kasama ang parents niya at nakangiti pa sila, nagmano ako sa kanila.

"Enjoyin nyo ha?" Sabi ng mama ni Audrey, "huwag kayo magpupuyat!" Pagbiro sa amin ng tatay ni Audrey.

"Bye mom! Bye dad!" Kumaway ng paalam si Audrey sa kanila at pumasok na kami sa loob.

Nagmano si Audrey sa nanay ko, "Catalina! Jusko ang gandang bata!" Anak ba talaga ako ni mama?

"Ma anak niyo ba talaga ko!?" Ngumuso ako at napatawa silang dalawa sa mukha ko, "ikaw din anak syempre maganda ka, eh saan nga naman nagmana? Edi sa akin!" Halos mapa-face palm ako pero nakitawa rin naman ako sa kanila.

"Oh sya anak, pumunta muna kayo sa taas at gagawa ako ng cookies para sainyo. Dadalhan ko nalang rin kayo ng gatas." Tumango kami parehas ni Audrey at pumunta sa taas.

"Ang ganda ng kwarto mo Faye! I didn't know you're a fan of Tomorrow x Together!" Sabi niya habang tumitingin sa bawat designs ng room ko.

"Yeah, sayang nga kasi hindi pa sila nakakarating dito sa pilipinas para magconcert. Pero may sinabi si Yeonjun na kung may chance daw pupunta sila."
Tumango siya at inilapag yung gamit sa kwarto.

"You're so awesome Faye." I take that as a compliment!

"Thanks, Audrey! Ikaw rin kaya! Di ko inakala na pupunta ka pala dito, akala ko hindi totoo!" Niyakap niya ko.

Nagsayaw-sayaw muna kami, may kumatok sa pinto namin. "Bukas po 'yan!" Sumigaw ako para marinig yung boses ko sa labas, bumukas yung pinto at nandoon si mama.

"Eto na yung cookies niyo, huwag magpupuyat ha! Ilapag niyo nalang yan sa lababo kapag tapos na kayo kumain." Pagbibiro ni mama, tumawa kami ni Audrey.

"Opo ma! Sleep well po! Goodnight!" Namaalam kami sa isa't isa, maagang natutulog si mama eh.

Nagkatinginan kami ni Audrey, nag-squeal kaming dalawa dahil excited kami.

bet | ken x oc ( complete! )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon