Hi, alam kong di mo ko kilala..
Alam ko na nagkakatyempo lang tayong dalawa..
Pero para bang may kakaiba,
Kase noong una palang kitang nakita..
Nabigha mo na.. Naakit sayong ganda..
Nabighani sayo, di ko akalain na magiging ganito.Kaya naman sana bigyan mo ako..
Bigyan mo ako ng kahit isang tyansa
Tyansang ipakita sayo kung gaano kita ka gusto..
Alam kong masyandong mabilis itong tagpong to..Na di naaangkop sa nangyayare sa panahon ngayon.
Pero ang gusto ko lang naman ay mabigyan mo,
Nang kahit isang TYANSA ang isang tulad ko..
Isang tulad ko na bigla na lang nahulog sayo.Sayo na ilang beses palang tayong pinagtagpo..
Unang beses noong masilayan kita sa kapilya.
Napangiti na lang ako sana magkaroon ulit ako ng pagkakataon..
Pagkakataon na hindi ko akalain na mangyayare ngayon..Umaga papasok na ng eskwela,
Hindi ko inaasahan na makikita kita..
Napasabi na lang ako sa sarili ko na..
Pinagtatagpo yata tayong dalawa..Kaya sana bigyan mo ko ng TYANSA
Na makilala pa natin ang isa't-isa..