Page 01 - Are you sad?

141 6 0
                                    

Dedicated to LinardssS

Dedicated to LinardssS

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Dear Self,

22 years

Sa loob ng 6 na taon na dumaan hindi nawala doon ang kalungkutan na meron ako. Dati nag iisip pa ko bat nangyayari sakin lahat ng ito.

May nagawa ba kong mali?

Malas ba ko?

Bakit kailangan sabay sabay na mawala sa akin?

Nandito ako ngayon sa isang isla sa Quezon Province at nasa loob ako nang isang coffee shop na napapalibutan ng mga bulaklak.

Ibang klase ngayon ko lang napuntahan ito.  May ganto pa pala?

Yung mga taong gusto lang mag unwind ang mapapansin mo dito.

Sabagay, kaya nga ko nandito.

Gusto ko mapag isa.

Nawala ang magulang ko noong 16 ako. Mag isa kong binuhay ang sarili ko, nag working student ako para marating ang kinatatayuan ko. Mahirap ang mag aral habang nagtatrabaho.

Di kagaya ng iba na may naabutan. Ako?

Kailangan ko pang pumunta nang 7/11 para bumili ng instant noodles or ulam in a box na meron sila.

Pero kung mamalasin ka gawa ng mga plates ko kailangan ko sa bahay na kape at chocolate ang katumbas.

Huwag kang mag alala naggogrocery ako pag di hectic ang schedule ng isang HRM student.

Sadyang nakakaloko lang ang tadhana diba?

Sukat ba naman nawala na magulang ko pati yung lalaking AKALA ko maiaayos ako.

Lolokohin lang pala.

Wala e, tanga ako.

Nakakagago kung makikita at mararamdaman niyo pero di ko sasayangin ang pag alis ko sa syudad para lang maging malungkot dahil sa nangyari.

Nakuha ko na diploma ko Mama at Papa kaya pagpasensyahan ninyo ako kung sarili ko muna ang iaayos ko.

Nakastable na naman ako Ma, huwag kang mag alala. At Pa, Manager na ko pero alam ko na may kulang pa sa sarili ko.

Maraming Salamat sa inyo. Gabayan niyo ko palagi dito pati na rin sa lalaki na magmamahal sakin. Joke lang Pa.

Love yourself first.

Yes, I’m sad no,

M

Dear Self, ( Epistolary Novel )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon