38 : Recaforté Battle (1)

767 57 39
                                    

Kabanata 38 // Part I

Blue's Point of View.

"X?" tawag ni Kuya Kyle sa akin kaya naman lumingon ako. "Po?" nagulat ako sa hawak nito.

"K-Kuya Kyle?! Don't tell me?!" tumango lamang siya at ngumiti. "Aha, you're going to wear this." sabi niya sabay lapit sakin ng damit na hawak niya.

Isang tight black leather pants with matching leather jacket at sa loob naman ay may yellow turtleneck shirt. Inabot rin niya ang pair of black leather shoes.

"Bakit kailangan ko pang magsuot ng ganyan?"

"Eh kasi sabi ni--" naputol ang sasabihin ni Kuya Kyle. "Because I said so, Blue." sabi ni Ate Qylie na nakatayo sa pintuan at dirediretsong naglakad papunta saakin.

Inabot muna niya ang damit at sapatos na hawak ni Kuya Kyle sabay lapit saakin.

"You need to wear this, it will protect you." sabi niya't inabot na sakin ang damit at sapatos.

"Protect?" tanong ko pero hindi niya ako sinagot at ngumiti lang. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at itinulak ako sa banyo.

"I'll wait you so wear that, okay?" sabi niya at isinara na ang pinto. Pagtapos ko suotin ay lumabas na ako ng banyo at napansin kong may nakaupo sa silya ng study table ko at nang lumingon ito ay si Kuya Kyle lang pala.

"Woah, hot naman X!! For sure matutuwa boyfriend mo niyan!" sabi niya saakin sabay thumbs up kaya naman nilapitan ko siya at binatukan.
Nagulat naman ako nang niyakap niya ako. "K-Kuya Kyle?" sabi ko rito.

"Are you scared?" nagulat ako sa tanong niya, takot nga ba ako?

"I-I don't know." nauutal na sagot ko. Naramdaman ko ang mga mabibigat na luha ko, ayokong umiyak.

"Is it your magic?" sa sinabi niya ay biglang bumuhos ang luhang nagpupumilit na lumabas kanina.

"A-Anong gagawin ko Kuya Kyle?" umiiyak na sabi ko sakanya kaya hinigpitan niya ang yakap niya saakin.

"Just remember that you always need to calm down. Kapag sobra kang natatakot at nacoconfuse, mas lalong hindi mo macocontrol ang magic mo." hinahaplos niya ang aking buhok habang nagsasalita.

"The only advice I could give to you is, your magic is your heart."

Ha?

"C'mon! Stop crying! Papangit ka lalo." sabi niya at pinunasan ang luhang tumutulo saking mata. Tumango ako at nginitian siya kaya naman ginulo niya ang aking buhok at hinatak na ako pababa ng hagdan.

Pababa na kami at naghihintay na si Ate Qylie.

"What took you so long?" naiinip na sabi niya kaya naman nginitian lang namin siya ni Kuya Kyle.

Nauna naman na si Kuya Kyle lumabas dahil may pinapagawa pa sakanya si Ate Qylie. Kaya naman dalawa nalang kami ni Ate Qylie.

"You look very gorgeous with that outfit, lil sis." nakangiting sabi ni Ate Qylie at hinawi pa ang aking buhok.

"T-Thank you, Ate." nakangiting sabi ko kaya ngumiti rin ito.

---

"Hey." napalingon ako at nakita ang walang emosyong mukha na si Axle.

"Bakit?"

"Here."

Napatingin ako sa hawak niya kaya napasigaw ako. "Ice creaaam!" sigaw ko at kinuha ang isang basong ice cream na hawak niya pero bigla niyang nilayo.

"Eh? Akala ko ibibigay mo sakin?" sigaw ko sakanya. Sarap na sarap at takam na takam na ako sa vanilla cream at yung buo buong cookies eh, tapos ilalayo niya lang?!

Who I AmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon