MOMMY'S SIDE

151 12 0
                                    

Di kami makapaniwala na wala na si Ayah, wala na ang anak namin..

Pagkatapos kaming sigawan ni Lyza ay pumasok kami sa kwarto kung san nakalagay ang bankay na katawan ni Ayah.

'Ayah anak'sabi ko sabay haplos sa buhok nya 'Patawarin mo kami ng Daddy mo sa lahat ng ginawa namin sayo. Alam kung malaki ang naging pagkukulang at kasalanan sayo, Nadala lang kami ng galit nung nawala ang kapatid mo, pinagsisisihan ko lahat ng ginawa ko sayo. Im really sorry anak' dagdag ko at humagolgol ako sa pag'iyak.

Umuwi muna kami ng asawa ko sa bahay para magpalit ng damit..

'Ma'am si Ma'am Ayah po kamusta?' tanong ng katulong namin, naiiyak nanaman ako.

'Wa-wala na ang anak kooo'sabi ko at humagulgol ako. Kung dati ay parati kong sinasabi na sana ay mamatay na sya, at ngayong nangyari na, ang sakit pala. Kinocomfort ako ng asawa ko para tumigil ako sa pag'iyak..

'Ma'am nakita ko po ito kanina nung nilinis ko yung dugo ni Ma'am Ayah sa labas'yaya. Napatigil ako at tiningnan yung hawak nya, isang diary. Diary siguro ito ni Ayah. Kinuha ko ito at binasa.

Dear Mommy at Daddy,

Mom bakit nyo pinalayas si yaya Rose? Alam nyo po bang sya lang po ang nakakaintindi sa akin? Sa twing kasi sinasaktan nyo ako ni Daddy ay sya ang takbuhan ko pagwala na kayo ni Daddy sa bahay. Wala na tuloy akong mapaglalabasan ng hinanaing ko. Pero kahit ganun mommy daddy mahal na mahal ko pa din kayo..

~AYAH

¤Mom,Dad may kapatid po pala ako? Ako ba ang dahilan ng pagkawala nya mom dad? Pasensya na po ha? Kung nangyari yun, di ko man maalala kung paano nangyari yun sana balang araw mapatawad mo ako.

~AYAH

¤Bakit mo po pinalalayo si Lyza sa akin mom? Sya lang nakakaintindi sa sitwasyon ko,sya lang nagpapangiti sa akin pero bakit pati sya pinalalayo mo sa akin? Super laki po ba talaga ng kasalanan ko sa inyo? Hanggang kelan ko po ba pagbabayaran yang kasalan ko sa inyo?

~AYAH

¤Mommy wag naman po kayong magsabi na sana mawala na ako... Kakayanin ko lahat ng ginagawa nyong pananakit sa akin basta wag nyo lang hilingin na mawala na ako.

~AYAH

halos mabasa na ng luha ko ang diary ni Ayah para sa amin ng Daddy nya. Pati nga ang asawa ko ay umiiyak din.

¤Mommy,Daddy magiging iiyak ba kayo pagmawala ako? Hindi siguro ano? Kasi di ba matagal nyo ng gusto akong mawala? Siguro magiging masaya kayo pagnawala na ako. Gustong-gusto ko naman kayong makitang masaya.

~AYAH

¤Mommy Daddy malapit na ang birthday ko alam nyo po ba kung anu hiling ko? Ang mapatawad ako sa kasalanang nagawa ko sa inyo. Mahal na mahal ko kayo, at kahit kelan hindi ako nakaramdam kahit ni isang galit sa inyo. Im still hoping na mapatawad nyo na ako.

~AYAH

Ito na ang huling sulat na sinulat nya para sa amin.

¤Mom,Dad kinakabahan ako ngayong araw na to para kasing may mangyayaring di maganda e...

Sana palagi nyong tatandaan na...,

I Love You so much Mom and Dad. Sana balang araw mapatawad nyo ako. At pag nangyari yun? Magiging masaya na ako, yan lang ang tangi ko hiling sa birthday ko kundi yun lang wala ng iba. Thank you da

yan ang huli nyang sulat na di nya natapos dahil wala na sya.

Ayah Sanchez

R.I.P

Born:November 17,1996

Died:November 17,2014

A/n:naiyak ba kayo? Kasi ako habang tinatype ko yan naiiyak ako e. T^T

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 08, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Letter For my Mom and DadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon