A Letter For my Mom and Dad

238 14 0
                                    

A Letter For my Mom and Dad

Dear Mommy and Daddy,

I Love You so much Mom and Dad. Sana balang araw mapatawad nyo ako. At pag nangyari yun? Magiging masaya na ako, yan lang ang tangi ko hiling sa birthday ko.

=====

Simula 7 years old ako ay naging malamig na ang pakikitungo sa akin ng mga magulang ko. Halos hindi na nila ako kinikibo,kung minsan pa ay sinasaktan nila ako ng walang dahilan. Pero kahit ganun sila mahal na mahal ko pa din sila.

Nung grumaduate ako ng Elementarya ay di pumunta sina Mommy at Daddy sa gradution day namin. Akala ko pag naging Valedictorian ako babalik na sa pakikitungo sa akin ang magulang ko,pero mali ako,ganun parin sila.

Hanggang sa nagHigh School ako ganun parin ang pakikitungo nila. Minsan nga ayaw kung pumasok sa school dahil nahihiya akong makita ng mga kaklase ko ang mga pasa ko sa katawan. Minsan kasi pag may kinaiinisan si Mommy or si Daddy ay ako ang pinagbubuntungan nila. Hindi ko alam kung bakit? Dahil sa simula palang wala naman akong ginawa sa kanila na kinamumuhi nila sa akin.

Ang yaya ko ang parati kung takbuhan sa twing wala sina Mommy at Daddy. Kay yaya ko lahat sinasabi ang mga hinanaing ko sa mga magulang ko.

Nung nalaman nina mom at dad na dun ako ko kay yaya sinasabi lahat ay pinalayas nila ito agad.

Kaya ngayon sa diary ko nalang lahat nilalabas lahat ng sama ng loob ko sa kanila.

Pati nga bestfriend ko pinalalayo sa akin.

'Lyza pwede mo bang layuan si Ayah?'rinig kong sabi ni mommy sa telepono 'Basta layuan mo si Ayah kung ayaw mong madamay ka sa gulo namin'diretsong sabi ni mommy,napatakip ako sa bibig ko para iwasang wag gumawa ng ingay o hikbi. Baka kasi pag narinig nyang umiiyak ako sasaktan na naman nya ako.

Kinabukasan, pagpasok ko sa school ay lumapit ako sa bestfriend kung si Lyza. Expected na,na iiwasan nya ako at yun nga ang nangyari.

Lahat ginagawa ng magulang ko para lang wag akong maging masaya.

Pag'uwi ko ng bahay ay diretso ako sa kwarto ko para magsulat sa diary ko. Pagkatapos kung magsulat ay tinago ko na ang diary ko sa ilalim ng unan.

'AYAH! Puny!tang bata ka labas!'sigaw ni mommy galing sa labas kaya lumabas na ako ng kwarto.

Paglabas ko ng kwarto ay sampal agad ang nakuha ko galing kay mommy.

'Ang malas malas mo talagang bata ka! Dahil sayo namatay ang kapatid mo! Sana ikaw nalang ang namatay para wala ng malas dito sa bahay! L!tche!'yan ang paulit-ulit na sinasabi ng mommy ko sa akin minsan si daddy. Dapat nga di na ako nasasaktan at manhid na ako dahil sa mga masasakit na sinasabi ng mga magulang ko. Sasaya na siguro sila pag nawala ako. Yan kasi ang parati nilang pinamumukha sa akin ang malas ako,na sana mamatay na ako.

Malapit na ang birthday ko. My 18th birthday. Kung sa iba pagnage'18 na ay masaya ang birthday nila,kabaliktaran naman ang akin malungkot...

Today is my Birthday pero hanggang ngayon di parin ako pinapansin ng bestfriend ko, naiintindihan ko naman sy kahit na di nya sabihin lahat ng pinag'usapan nila ni mommy, alam ko ding ayaw nya lang madamay. Hindi ako galit sa bestfriend ko, lalo sa sa mommy at daddy ko ni minsan hindi nangyari na nagalit ako sa kanila.

Habang nagsusulat ako sa diary ko ay narinig kung may nag'aaway galing sa labas ng bahay namin kaya,kahit di ko pa natapos magsulat sa diary ko ay lumabas ako ng bahay dala ang diary ko.

Paglabas ko nakita ko ang mommy at daddy ko na may kaaway kapartner ata nila ito sa business nila. Wala akong maintindihan sa away nila, ang tangi ko lang naintindihan ay nung bumunot ng baril ang kausap nila mom at dad at tinutok ito sa kanila. Dali-dali ako lumapit sa kanila at pumagitna dahil napansin kong babarilin nila sina mommy at daddy.

*bang*

Mabilis ang pangyayari ako nga e di ko alam kung paano nangyari basta ang alam ko natamaan ako ng baril sa dibdib.

Para akong nabingi wala akong marinig, ang nakikita ko lang ang bestfriend ko na patakbo papunta sa kinaroroonan ko umiiyak.

LYZA SIDE

Birthday ngayon ni Ayah,bestfriend ko. Lahat ng pinagdadaanan nya alam ko dahil sinabi nya ito lahat sa akin. Naaawa ako sa bestfriend ko gusto ko syang tulungan pero hindi ko alam kung paano.

Pumunta ako sa bahay nila para humingi ng tawad,wala akong pake kung magalit sina tito at tita.

Malapit na ako sa gate ng bahay nila ng makarinig ako ng putok ng baril kaya dali-dali akong tumakbo papunta sa gate nila, mabuti nalang at di nakasara ang gate. Papasok na sana ako ng may mga lumabas na tatlong lalaki dali-dali silang pumasok sa kotse nila. Pagpasok ko sa loob ng gate ay nakita ko si Ayah nakahiga sa sahig at duguan kaya tumakbo ako at lumapit sa kanya

'Ayah!'yugyog ko sa kanya 'Ayah Im sorry'umiiyak na sabi ko 'Ayah wag kang bibitiw wag mo akong iwan!' sabi ko ngumiti sya at pinikit nya ang kanya mga mata 'AYAH!AYAH!'yugyog ko sa kanya 'TITA TITO ANU BA KAYO?! Di nyo ba nakita na nabaril ang anak nyo?'sigaw ko sa kanila nakatulala kasi sila at hindi kumikilos sa kinatatayuan 'tumawag kayo ng ambulansya!' sigaw ko at tumawag naman yung katulong nila.

'Sino po ang kamag'anak ng pasyente?'tanong doktor paglabas nya ng ER napatayo kami nila tito at tita

'Kami po'tita

'Ka ano-anu ka nyo ang pasyente?'tanong doctor

'Anak po namin sya'sabi ni tita kaya napahinto ako sandali pero nakarecover din agad

'D-doc kamusta po sya?'ako

'Im sorry pero di nakasurvive ang anak nyo'diretsong sabi ng doctor kaya napaupo ako 'Ginawa na namin ang lahat pero di nya kinaya kaya Im Sorry mr. and mrs. Condolence and Excuse me'nung umalis na ang doctor ay narinig kung umiyak si tita

'Ngayong nangyari na ang gusto nyo mangyari kay Ayah masaya na ba kayo? Patay na si Ayah oh! Diba dapat magcecelebrate kayo dahil yun naman ang gusto nyo diba? Ang mawala sya!'sigaw ko kina tita 'Atleast ngayon di na sya maghihirap sa kamay ninyo, Atleast ngayon makakapagpahinga na sxa ng tuloy tuloy di katulad dati'sabi ko sa kanila 'Happy Condolence sa inyo dahil para sa inyo wala ng malas sa buhay nyo. Wag nga kayong umiyak na para tanga!'sabi sabay alis.

A Letter For my Mom and DadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon