Adelaid at Akira

397 2 0
                                    

Ang hirap ng malayo sa taong mahalaga sayo.

Si Akira. Di namin natatandaan kung kelan nagsimula an gaming pagkakaibigan. Nagkakilala kami sa Tumblr. Noong panahon na yon, ang site na yun ang pinaglalabasan ko ng sama ng loob. Adik ako haha. Tsaka lahat naman ata tayo nagdaan sa emo phase.

Ilang oras ang ginagamit ko sa pagrereblog at pagsusulat ng aking damdamin. Minsan may bumabasa, minsan wala. Ilang estranghero na rin ang aking nakilala at naging kaibigan. Pero siya ang naiba.

Uso pa ang MSN noon. Isang linggo ang nakalipas at nagsimula kaming mag-usap sa chat. Simple lang naman ang usapan namin. Tungkol sa paborito naming musika at mga celebrities. Sa pagsusulat din dahil isa rin siyang magaling na manunulat. Matalino at kasama sa honor roll ang best friend ko.

Ingles ang lengwaheng ginamit namin dahil mas komportable kami makipag-usap gamit ito. Mas malawak ang bokabularyo namin kaya mas maigi naming nasabi sa isa’t isa ang gusto naming sabihin. Inglishera kasi ako simula ng bata pa ako eh at noong bata ako inenroll ako ni mama sa sosyal na eskwelahan.

Isa siyang pilipina katulad ko na lumipat naman sa US. Ako tsaka ang pamilya ko lumipat sa New Zealand. Mga dalawang taon na ako sa New Zealand at siya magiisang taon pa lang sa California. Eto ang isa sa mga bagay na nakarelate kami sa isa’t isa. Parehas kaming nagmigrate sa ibang bansa at feeling outsider kami.

Lumipas ang ilang linggo at naging mas malalim ang aming pagkakaibigan. Madali kong nasasabi sa kanya ang isinasaloob ko. Hindi kasi ako yung taong nagshashare ng nararamdaman ko. Kahit meron naman akong mga kaibigan sa eskwelahan at may dalawa akong kapatid, sa kanya lang ako komportable magsabi ng mga hinnanakit ko. Kumbaga kahit hindi pa kami nagkikita sobra na ang tiwala ko sa kanya. At siya rin tiwala sa akin.

Hindi rin siya ang taong madaling nakakapagshare ng tungkol sa kanya katulad ko. Hindi siya madaling mag tiwala. At halos lahat ng nakakakilala sa kanya, takot sa kanya kahit ang liit at cute niya. Kayang kaya niyang magpacute at hindi ka mandidiri, manggigigil ka na lang! Tuwing nalulungkot ako o nasa mood siya, parati siyang nagpapacute. Sa kin lang niya napapakita yung side niya na yun.

Para kaming best friends na noong panahon na yun. Pero natatakot akong magassume. Sakit rin kasi mareject. Tsaka ang awkward. Baka mamaya one-side lang ang best friendship namin at feelingera lang ako. Hay.

Pinalipas ko rin ang panahon na hindi ako sure kung ano ang halaga ko sa kanya bilang kaibigan. Hangga’t sa natanong ko na lang sa kanya dulot ng pagiging insecure at unsure ko. Doon ko nalaman na tanga pala talaga ako at siya ang matalino sa aming dalawa.

"What am I to you?" Madrama kong tanong ko sa kanya habang kinakain ko ang breakfast ko. Siya naman ginagawa ang Chemistry homework niya. 

Hindi niya hiniwalay ang tingin niya sa ginagawa niya. "Do you really need to ask?"

Kinabahan ako sa tono niya. Palaisip kasi ako at sobrang paranoid. "But..."

Bago ko pa matapos ang sinasabi ko, tumingala siya at tinignan ako. "We're best friends, stupid. I thought I didn't need to tell you things like that." Binalik niya ang atensyon niya sa homework niya at di na ako inimik.

Napangisi na lang ako at daliang inubos ang pagkain ko.Nagpaalam naman siya dahil may dinner sila ng pamilya niya sa labas. Maaga ako nagigising papunta sa school. Ang layo kasi ng nilalakad ko papuntang bus stop. Dadaan pa ako sa isang poultry farm. Ritual na namin na mag-Skype habang naghahanda ako papunta sa school. Kapag umaga kasi sa amin, hapon o gabi sa kanila.

Hindi ako magaling sa pagiging kaibigan kaya di ko maiwasang manigurado. Marami na rin akong naging best friend pero walang nagtagal. May nahanap sila na mas kasundo nila tsaka madalas rin kaming lumipat ng pamilya ko kahit nandun pa kami sa Pinas. Tinamad na rin kaming magtext at magkamustahan. Wala eh. Tinatakbuhan namin si Papa noon.

Giant Shit (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon