Stressful talaga ang week na ito.
Kahit anong gawin ng dalaga -- este, binata pala -- ay di niya magawang kumalma. Sa lalim ng eyebags niya ay mukha siya natulog ng may eyeliner at nakalimutan maghilamos. Parang isang hawak mo lang sa balikat nito ay babagsak na siya sa lamesa.
"Di ka na naman natulog no?" Tanong sa kanya ng kaibigang si Peach.
Tumango siya at hinawi ang buhok sabay pikit ng mata. Isang linggo na ganito ang sitwasjon niya. Finals kasi at ang daming plates na kailangan tapusin. Parang walang sawa silang tinotorture ng mga prof nila. Sabog na sabog na ang utak niya.
Nakaupo sila ngayon sa usual table nila sa library. Siya at si Peach lang ngayon at wala si Jinx. Usually kasama rin nila si Rin pero busy ito sa pagtatapos ng commissions. Si Jinx at Rin, multimedia students. Si Peach journalism ang kinukuha at si Lee naman engineering.
First year pa lang ng college magkakaibigan na sila. Siya at si Peach magkaklase noong high school pero hindi masyadong nag-uusap. Iba kasi ang crowd ni Lee noon. Pero ng tumungtong sila sa kolehiyo ay nagbago ito.
Naging parang nanay na niya si Peach. Sobrang bait kasi nito at maalaga. Parating siyang may dalang "extra" para in case may makalimutan ni Lee. Maski pannyo, paboritong candy ng kaibigan, extra baon o payong. Scout girl ang peg haha. Hindi lang siya ganito kay Lee kungdi sa kung sino man na kaibigan niya. Kaya naman di niya masisi kung maraming nanliligaw o nagkakacrush dito.
"Bakit kasi yan pa ang course na pinili mo!" Naasar na saad ni Peach habang binubuksan niya ang lunch box niya.
"Pwede ba," sagot ni Lee. "Third year na tayo. Wala ng atrasan 'to."
Nabuntong hininga lang si Peach. Alam niya kung gaano kahirap ang course na ito dahil muntikan ng di makatapos ng engineering ang kuya niya. Kaya kapag may problema si Lee, tinatanong niya agad sa Kuya Marc niya. Madalas rin makitulog sa kanila si Lee kapag kelangan niya ng tulong.
"Alam ko. Pero winarningan na kita diyan eh. Para ka na ring si Jinx at Rin. Pwede ng mahulog sa lalim ng eyebags niyo!"
Natawa na lang si Lee sa pagaalala ng kaibigan. Nakanguso ito habang kinakain ang baon niya. Magaling magluto si Peach at minsan sinasadya niyang maraming lutuin para makakain ang mga kaibigan.
Hindi pa nga nagtatanong kay Peach ay kinamay na ni Lee ang isang pirasong hotdog na nakashape na octopus at kinain. Medyo kikay siya kaya naman pati sa pagluluto ay makikita ang creative side niya. Mahilig siya sa Japanese culture kaya naman "bento" style parati ang baon niya. Kaya naman humihingi lang si Reese ay dahil nag-iipon siya para mabili ang newest release ng comics na kinokolekta niya.
"Hindi ba pwede mahulog dahil sa kagwapuhan ko?" Pilyang tanong ni Lee sabay taas kilay. Sarkastikong tumawa ang isa at sinubuan siya ng kanin.
Aminado si Lee na may kakaunting crush siya sa kaibigan niya. Hinahangaan niya ang pagkamaalahin nito at pagaasikaso sa kahit sino mang tao na makilala nito. Madali siyang mapatawa at down-to-earth. Maganda rin ang smile neto.
In other words, type niya si Peach. Pero dalawang taon na rin na magkasintahan si Peach at si Jinx. Kaya matagal ng tinanggap ni Lee na straight ang kaibigan niya. Alam niya rin na delikado na kapag na in-love siya sa kaibigan niya.
"Magriring na yung bell. Alis na ako," saad ni Peach sabay pasok ng mga gamit niya sa bag at sinuot ito. "Wag kang matutulog dito, ha? Baka di ka na magising at magkasingko ka!" Umalis na siya pagkatapos niyang balaan ang kaibigan.
Pero matagal ng nasa komportableng posisyon si Lee sa sahig at malamang makakatulog rin siya. Ginamit niya yung bag niya na unan at nagtanggal na rin siya ng sapatos. Kahit mas matagal ang free hour niya kesa kay Peach ay umalis siya ng maaga. Hinala niya na makikipagkita ito kay Jinx para ibigay ang paboritong chocolates nito na kanina niya pa tinitignan.
BINABASA MO ANG
Giant Shit (girlxgirl)
RomanceMeet Adelaid Perez. A fairly normal Filipina girl na nakatira sa New Zealand kasama ang mom niya and two siblings. Ever since kinakantsawan na siya dahil sa kanyang height at pagkachubby dahilan naman ng kanyang low self esteem. Kaya naman pagdatin...