Adelaid

59 0 0
                                    

       Parang ang bait niya. 

Yun lang ang naisip ng dalaga habang kausap niya ang isang random na user sa Twitter. Sanay na siya na may kumakausap sa kanya ng random at nagpapakilala. Gawain niya rin yun dahil mahilig siya makipagkaibigan. Ang nakakapanibago lang ay ang babaeng nagtweet sa kanya ay kakilala ng kaibigan niyang si Ana. Nagkakilala rin sila sa Tumbr at matagal na nilang finafollow ang isa't isa.

Kahit ilang minuto na ang nakalipas na hindi nagrereply sa kanya ang kaibigan ni Ana ay pilit niya pa ring chinecheck ang cellphone niya. Finefeel kung magvivibrate ba ito. Pero wala. Nada. Null.

Bumaba ang kanyang self esteem ng pagkabongga bongga. Baka naman ayaw talaga makipag-usap sa kanya? Nabored? Nakita ba nito ang rants niya kaya naturn off? O di naman kaya ang mga picture niya? 

        Kala mo naman isastalk ka nun. Wala ngang panahon mag-reply.

Napabuntong hininga na lamang siya at binuksan ang Kakao Talk para tignan kung gising na si Akira. Masyado pang maaga sa kanila pero minsan nagigising ito ng dis oras ng gabi. Malamang ay nainom nito ang sleepin pills niya kaya mahimbing ang tulog nito.

Malas ata si Adelaid ng araw na ito dahil wala itong nareceive ni isang message galing sa kanyang best friend. Kaya naman binuksan niya ang laptop niya at pumunta na lang sa tumblr at nilibang ang sarili. Balik lang siya sa nakasanayang gawiin. Alam niyang may sari-sariling lakad ang mga kaibigan niya ngayong araw na ito kaya naman di na niya sila ginambala.

Nagvibrate ang phone niya habang papunta siya sa kitchen upang magluluto ng hapunan. Wala ang mama niya at ang stepdad niya. Nasa kasal ng isang pilipina na nakapangasawa rin dito. Matalik na kaibigan ng stepdad niya ang napangasawa nito kaya naman agad silang lumuwas.

Dahil dito, siya lang ang naiwan sa bahay. Ang kuya niyang si Jake ay nasa kaibigan niya at si Tricia di pa umuuwi galing sa bahay ng boyfriend niya simula kahapon. Mas gusto niya na lang mapag-isa at magbasa o manuod ng Doctor Who. Bata pa lang siya ay sanay na siya mapag-isa kaya naman wala lang sa kanya ito.

Pagkatapos niyang kumain ay bumalik siya sa kwarto nila ng nakababata niyang kapatid. Sakto lang ang laki nito para sa dalawang dalaga. Tig-isa silang kama at cabinet para sa mga damit. Meron rin siyang desk para sa laptop niya, art stuff at libro. Ang malaking space sa pader side ng kwarto niya ay puno ng mga polaroid na kinunan niya. Picture ng mga napuntahan niya o mga kaibigan ang iilan sa mga nakadikit dito.

Sa side ni Tricia ay puro band posters at isang gitara ang dekorasyon niya. May full-length mirror din dun na ginagamit nilang pareho.

Nagvibrate ang phone niya at tumakbo siya sa desk niya kung saan niya ito napatong. Binasa niya ang DM o direct message sa kanya ni Ana. Nadismaya siya ng hindi nagreply sa kanya ang kakilala nito. 

        Cute nya no? c:

Nagblush siya ng konti. Ang profile picture lang ni 'L' ang nakita niya. Ayaw niya itong istalk dahil baka may mafavorite siya na tweet o picture neto at mabuko siya. Kaya naman nagpacool na lang siya at pinigilan ang sarili. Pero ng tanungin siya ng kaibigan niya ay di niya napigilan na mapunta sa profile ni @leeness. 

Ang cute niya nga. Dirty blonde ang buhok nito. Matagal ng may kahinaan si Adelaid sa mga Asians na kaya dalhin ang ganitong kulay ng buhok. Maporma rin ito at type niya ang style niya.

        Style niya lang, paalala niya sa sarili.

Halatang hindi ito lalaki dahil may pagkafeminine ang features nito. Tempted siyang istalk ang Facebook niya pero pinigilan niya ang sarili at sinagot na lang si Ana.

Giant Shit (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon