Martin Pov.
Nasa bintana ako ng kwarto ko habang nakaupo.
Maraming tumatakbo sa isip ko ngayon.
Galit na galit sakin si Mommy kase nakick out ako sa school na pinapasukan ko. Hindi ko naman kase ginusto na masapak yung isa kong kabatch.
Pinagmamalaki niya na girlfriend niya ang ex ko. Kung alam lang niya na ako ang nakipagbreak.
Nahuli ko siyang may kahalikang iba. Sino bang hindi magagalit sa ganun diba. Nagdecide ako na iwan na lang siya kesa sa ipagpatuloy niya pa ang panloloko sakin.
Hawak ko ang isang bote ng beer sa kabilang kamay ko. Nilaklak ko yun habang nakatingin sa kalangitan.
Maliwanag ang buong paligid dahil sa ilaw na binibigay ng buwan. Makikita morin ang dagat dagat na bituin.
It's already 11: 10pm pero hindi parin ako dinadalaw ng antok.
Nang pumatak ang 11:11 ay naisip kong magwish. Wala naman sigurong masama kung susubukan ko.
Pinikit ko ang mata at tsaka humiling.
"Sana dumating na ang babaeng para talaga sakin." Taimtim kong hiling.
---------------
Hi guys sana po ay suportahan niyo ang story kong to don't forget to vote and share. Thankyou:)