Martin Pov.
"Hi guys I'm Jecx Martin Rivera you can call me Jexz." Bagong enroll lang ako sa school nato.
"It's my pleasure to meet you all." Pinaupo na ako ng teacher namin na nasa unahan din.
Dahil first day ko palang dito sa school kailangan kong maging mabait. Baka hindi nako pag-aralin ni Mommy kapag bumagsak pa ako.
Tahimik lang ang lahat sa klase ng biglang may pumasok na babae.
"Late kana naman Miss Castro. Araw-araw ka nalang na lalate sa klase ko." Reklamo sakanya ni Teacher namin.
"I'm sorry Ma'am traffic lang po kase." Paghingi ng paumanhin ng babae.
"Take your seat and get your English Book." Nagpatuloy sa pagdidiscuss si Ma'am.
Tumabi siya sa katabing upuan ko.
"Transferee ka??." Tanong niya saakin. Tumango naman ako bilang sagot.
"Rainie Jazz Castro but you can call me Rj." Pagpapakilala niya sakin. Inabot niya saakin ang kamay niya.
"Jecx Martin Rivera." Inabot ko ang kamay niya. Nakipagshake hands siya sakin.
Nginitian niya ako. "Jm nalang itatawag ko sayo ah." Nginitian korin siya. Tumango nalang ako sa sinabi niya. Nilapit niya ang upuan niya sakin.
"Alam mo bang boring magturo yang si Ma'am Dimayuga kaya kung ako sayo hindi ako makikinig sa discussion niya." Bulong niya saakin . Medyo nailang naman ako kase kakakilala palang namin sobrang close niya na agad.
"Mukha naman siyang hindi boring magturo ah." Sagot ko sa mga pinagsasabi niya.
"Baguhan kapalang kase kaya hindi mopa naiintindihan ang sinasabi ko pero kapag tumagal kana dito maiintindihan morin ang sinasabi ko." Tumango-tango nalang ako sa sinabi niya. Ni wala nanga akong naintindihan sa dinidisscuss ng teacher namin. Ang daldal kase netong katabi ko.
Mas naintindihan kopa lahat ng sinabi niya kesa kay Ma'am.
"Tsaka alam mo kase Jm minsan hindi masamang chill chill kalang. Tamang relax at kalokohan lang."
Anong connect nun??
Nagkunwari nalang ako na nakikinitg sakanya.
Matapos ang klase namin kay Ma'am Dimayuga, Hinila ako ni Rainie sa Cafeteria. Wala na akong ibang choice kundi sumama sakanya. Gutom narin kase ako.
"Ako na ang manlilibre." Natuwa naman siya ng marinig ang sinabi ko.
Pumanta ako sa counter at umorder ng pagkain. Dalwang box ng pizza ang inorder ko. Umorder din ako ng drinks naming dalwa.
"Ohhh..." abot ko sakanya ng isang box ng pizza and drinks.
"Woyyy!thankyou ahhh. Bukas ako naman ang manlilibre." Kakakilala lang namin kanina pero ang gaan gaan na ng pakiramdam ko sakanya. Nahihiya parin naman ako pero nababawasan na. Biruin mo naman diba lalake ako tas babae ang kasama ko sino bang hindi mahihiya dun.
Napatingin ako sakanya habang kumakain.
'Tsss ang lakas naman kumain neto' pagsasalita ko sa isip ko.
Kumain nalang din ako.
Hindi naman ako naboring sa pagkain kase hanggang ngayon kwento parin siya ng kwento.
Para siyang parrot na ang ingay-ingay.
Hindi ko naman maiwasang hindi matawa sa ibang kwento niya. Tawang tawa rin ako sa itsura niya habang nagkekwento.
Kaya't kaya't na ang ketchup sa paligid ng labi niya. Hindi niya yun pinansin at tuloy parin sa pagkain at pagkekwento.
"May ketchup ka sa paligid ng labi mo Hahahaha punasan monga yan. Ano bayan ang kalat mo namang kumain." Kunyare kong pagrereklamo sakanya. Agad naman siyang kumuha ng tissue at nagpunas ng labi.
"Ang arte mo naman ano kaya yang kalat sa mukha mo Hahahahaha." Malakas niyang tawa na para bang walang pakealam sa paligid.
Kumuha rin ako ng tissue at pinunusan ang labi ko. Nang tingnan ko ang tissue ay wala ni isang dumi ang dumikit doon.
"Bwahahahaha." Tinawanan niya na naman ako. Tiningnan ko naman siya ng masama.
Nang matapos na kaming kumain ay tinour niya ako sa buong school.
"Maganda rin pala dito." Ako habang palinga-linga sa paligid.
"Hinampas niya naman ang braso ko. "Ano kaba naman syempre maganda talaga ang school nato. Tingnan mo naman sa design palang nakakamangha na diba?." Tumango nalang ulit ako kesa naman sa mahampas na naman.
"Sumunod ka sakin may ipapakita ako sayo na isa pang maganda sa school nato." Naglakad siya na kaagad ko namang sinundan.
Dumaan kami sa mapunong part ng school.
"San ba kase tayo???." Tanong ko sakanya pero hindi naman siya umimik. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad.
Hanggang sa.....
"Tadaaaaaaa!!!!!!!where here!." Namangha ako sa ganda ng paligid. Maraming bulaklak na nakapaligid sa tabing ilog. Malinis rin ang buong kapaligiran. Wala kang makikita ni isang kalat.
"Natulala kana naman jan. Eto ang favorite na tambayan ko dito sa school. Nagtataka ka noh kung bakit walang tao na pumupunta dito?." Luhhhh nagtataka bako?
"Nagpakalat kase ako ng fake news na may nagpapakitang multo dito kaya yun wala ng nagpupunta dito miski isa."
Umupo siya sa isang trunk na ginawang upuan don. Sumunod naman ako sakanya at umupo rin.
Walang umimik sa pagitan naming dalawa. Pareho lang kaming nakamasid sa paligid at ninamnam ang simoy ng hangin.
Kumuha siya ng dalawang piso sa bulsa niya.
Binigay niya saakin ang isa.
"Make a wish." Tipid niyang sambit.
"Sana matupad kung ano mang iwiwish niya."
"Ok na ako .ikaw naman." Turo ko sakanyam
Pumikit siya..
Ano kayang winish niya??
"Pagkabilang ko ng tatlo sabay nating ihahagis yung piso sa ilog ah game??."-nakangiti niyang sambit.
"Game."
"1......2.......3......." sabay naming hinigas ang hawak namang piso sa ilog.
Nang marinig naming tumunog ang bell sabay kaming napatayo.
Bigla siyang tumakbo...
"Rj hintayin moko." Tawag ko sakanya.
Tawa na naman siya ng tawa habang tumatakbo.
"Bilisan mong tumakbo kase terror ang sunod nating teacher."-Siya.
*****susunod*****
