I

1.4K 40 5
                                    

ELISSA

Alas tres ng madaling araw nang magising ako dahil sa biglaang pagtatahol ng alaga kong aso at para bang hindi ito mapakali. The surrounding was still dark and everything was just unawakened. Kinusot-kusot ko muna ang aking mata bago bumangon.

"Xyper naman, may pasok pa ako mamaya!" Wika ko sa chihuahua kong alaga na ngayon ay nakaharap sa bintana na wari'y may napapansin kung ano.

Binuksan ko ang lamp sa tabi ko at iwinakas ang kumot na nakatalukbong pa sa harap pagkatapos ay nilapitan siya. I know Xyper, there could only be two things kung bakit siya mag-aakto ng ganito. He want to pee or poop, or may kung anong hindi niya gusto sa paligid.

Binitbit ko siya at dinala sa cr para paihin pero kaagad lang itong bumalik sa harap ng bintana at nagtatahol nanaman.

Weird.

I hate to think the fact na baka may kung ano talaga siyang nakikita. Hindi ko na napigilang kilabutan dahil sa inaakto ng alaga ko.

"Ano ba kasing napapansin mong aso ka. Tinatakot mo na ako," bulong ko habang dahan-dahang pinupuntahan ang bintana.

Palapit ng palapit ako dito kasabay naman nito ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

I hugged myself to compose the shivering in me. Mahina pa naman din ako sa mga ganitong bagay.

Pagdating ko run ay agad kong binuksan ang window pane at idinungaw ang ulo sa labas. Tiningnan ko ang kabuuan ng paligid.

Sa taas

Sa baba,

Sa kaliwa't kanan.

There I see nothing queer.

Tanging dilim at malamig na hangin ang nadatnan ko. Nawala ng tuluyan ang kabang nararamdaman ko. "Oh Xyper, there's nothing out there okay," said I then sighed. Kinarga ko ito at bumalik na sa paghiga.

I tried closing my eyes again, pero magmula nun, hindi na bumalik ang aking antok. Nanatili akong nakadilat hanggang sa pagsikat ng araw kaya wala na akong nagawa kundi ang bumungon. "Xyper, look what you did. Sabog ako nito mamaya," Reklamo ko as if maiintindihan ako nito. Kung 'di ka lang talaga kyut, hmm!

Pagkababa ko, bumungad saakin si tito Ernie na nakadekwatro at natatabunan ang mukha dahil sa hawak na diyaryo habang pinapaikot ang kutsarita sa kanyang kape.

"Oh, Good Moring Elle!" Bati niya sakin habang patuloy parin siyang nakapukol sa diyaryo.

Tiningnan ko ang bawat sulok ng bahay. Hinanap ng paningin ko sina mom and dad pero gaya ng inaasahan, wala sila. "Tito, hindi pa ba dumarating sina mom and dad?"

Sa pagkakataong ito, ibinaba na niya yung hawak niyang diyaryo. Naalala ko bigla sa kanya si mom dahil magkahawig talaga sila.

"Mamaya pa sila darating, wag niyo na raw silang hintayin baka malate kayo sa school." Tumayo ito at lumapit saakin pagkatapos ay ginulo ang buhok ko. "Wag ka nang magtampo."

Hay nako, he's always messing my hair dahil alam niyang ayokong ginagawa niya yun. Ngumiti lang ito at nang-inis. "Tito naman eh," reklamo ko sabay ayos sa buhok ko.

Mabuti pa 'tong kapatid ni mom eh nagagawa kaming alagaan. Pero ang mga magulang namin, andun busy sa mga negosyo. Mas close pa nga kami dito sa kanya since nung seven years old ako, dito na si tito tumira sa bahay at laging kasama namin.

Nagsimulang maging workaholic si mom nung mamatay yung tunay kong daddy at napangasawa niya yung step father ko ngayon. Parang yun yung naging way niya to cope with dad's death. Hindi niya manlang inisip na nagsuffer din kami.

Akin Ka, ElissaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon