Revenge 10

1.3K 53 0
                                    

Author note:

Hi guysss I'm back hehe sorry di ako nakaka pag update nasira kasi phone ko :'<

Vote and comment para ganahan ako mag update hehe

Enjoy reading

*****

Hydrei POV

Sabado na!!! Hmmm ano kaya magandang gawin? Tinignan ko yung phone ko kung nag text si shawn pero wala, hayaan na nga baka tulog pa

Simula nung nag confess sakin si Shawn, nag s start narin kaming mag date kaso palihim lang sa malayo din kami pumunta para walang makakita samin, okay lang naman sakin ang secret relationship eh, kasi bakla ako, sino ba namang magiging proud na bakla yung jowa nila diba? Kahit sabi ni shawn na mahal at proud sya na jowa ako, diko parin maiwasang malungkot

Napatingin ako sa phone ko nung nag vibrate

From: Tita Chona

Heeey Hydrei! Free ka ba ngayon? Pwede moko samahan sa bookstore?

Si Tita Chona pala ang mommy ni Giselle

To: Tita Chona

Sure po Tita, Anong oras po ba?

From: Tita Chona

Before lunch, sunduin kita sa inyo

To: Tita Chona

Sige po Tita

Tinext ko si Mommy para mag paalam na aalis kami Tita Chona, kumain nako at nag handa na para mamaya, simpleng black pants at polo shirt lang sinuot ko

"Hydrei, nandyan napo si Ma'am Chona" sabi ni ng isa naming kasambahay

"Sige po Ate, susunod napo ako, salamat po"

Bumaba nako at sinalubong ako ni Tita ng may ngiti "Hi Hydrei, fresh as always" sabi ni Tita at beso beso kami

"Thank Tita, kayo rin po ang ganda nyo"

"Nangbola ka pa" sabi nya kinurot ang ilong ko

Lumabas na kami at sumakay na sa kotse nya "Thank Hydrei sa pag sama sakin"

"Wala po yun Tita, sobrang sarap nyo nga pong kasama"

"Sana kasama rin natin Giselle, di kasi mahilig si Giselle sa mga libro" sobrang lungkot ng Mata ni Tita

"Yayain ko po si Giselle next time Tita"

"Sana sumama na sya Hydrei, sobrang miss ko na sya, simula nung nag teenager sya napalayo na sya sakin, iba na ang nakahiligan, ilang beses ko syang niyaya pero tumatanggi sya"



"Swerte po ni Giselle sa inyo Tita"

"Thank you Hydrei"

******

Hapon na matapos kami ni Tita sa bookstore, napag pasyahan naming mag merienda muna sa Starbucks

"Thank you Hydrei sa araw nato ah"sabi ni Tita

" Wala po yun Tita, kung kailangan nyo po ng kasama tawagan nyo lang po ako" napangiti si Tita sa sinabi ko

"Thank Hydrei sana ikaw nalang naging anak ko"

"Nako po Tita wag nyo pong sabihan yan" sabi ko "Mahal na mahal po kayo ni Giselle"


"Sobrang miss na miss ko na kasi si Giselle" napa iyak si Tita pag sabi nya, lumapit ako Kay Tita at niyakap ko sya, may nakita ako sa di kalayuan

Giselle?




***

The Gay RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon