CHAPTER 1

31 3 0
                                    


•••17 Years Ago•••

"Aaaagggghhhh" rinig na rinig sa buong palasyo ng Castlevania Kingdom ang sobrang lakas na pag hiyaw ni Queen Yukiko.

"Sige pa po mahal na reyna, palabas na po ang isa pa sa kambal."

Pagka-panganak sa kambal ay binigyan nila agad ito ng pangalan. Ang lalaki ay pinangalanan nilang John Clyde Amagi at ang babae naman ay si Safirah Lauren Amagi.

Habang nag kakasayahan at nag diriwang ang buong palasyo ay may hindi sila inaasahang bisita. Ito ay si Sky Demon ang Hari ng Dark Kingdom, ang nais niyang gawin ay pamunuan ang buong Castlevania pati na rin ang buong Alhambra World. Siya ang gumawa ng kasamaan at kaguluhan sa buong Alhambra World.

"Mukhang nagkakasayahan ata kayo dito. At wala man lang nag imbita sa akin." galit na sambit ni Sky Demon.

"Dahil hindi ka naman talaga imbitado at hindi ka nararapat imbitahan." inis na wika ni King Cloud.

Tumawa lamang ng mala-demonyo si Sky Demon at inutusan ang kanyang mga alagad na kunin ang kambal, ngunit agad itong prinotektahan ng Hari at Reyna pati na rin ang iba pang mga kawal na nasa palasyo.

"Yuri, nakikiusap ako sayo dalhin mo ang kambal sa Mortal World. Palakihin mo sila doon at pag dating ng tamang panahon, sila ay mag babalik rito." pakiusap ni Queen Yukiko sa kasambahay nila.

Dali-dali naman na binuhat ni Yuri ang kambal at gumawa ng siya ng Portal patungo sa Mortal World. Hindi binago ni Yuri ang pangalan ng kambal ngunit ang kanilang Surname ay pinalitan upang kahit papaano ay mahihirapan ang mga kalaban na sila ay hanapin.

••Kaganapan sa Palasyo ng Castlevania••

Habang nakikipaglaban ang Hari at Reyna ay natamaan ang Reyna ng isang itim na mageia na dahilan ng pagkawalan niya ng malay. Inakala ni Sky Demon na napatay na nila ang Reyna, kaya nilisan na nila ang Castlevania Kingdom at bumalik sa Dark Kingdom.

Pagkaraan ng ilang araw ay nagising na ang Reyna, ngunit sa kasamaang palad ay hindi niya maalala kung kanino at saan niya iniwan ang kambal maaaring ito ang naging epekto ng itim na mageia na tumama sa kanya, pati na rin ang mahal na Hari ay walang alam.

The Long Lost Powerful Twin of Castlevania Kingdom:Alchemist Academy **EDITING**Where stories live. Discover now