Author's note: Hello po, ito na po ung update. Thanks po sa mga nagbabasa❤️
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•
•••Kinabukasan•••
•Safirah Lauren POV•
Handa na kami ni Kambal na umalis. Naka black palda na 2 inches above the knee,black croptop na may hood at black rubber shoes ang suot ko. Tumingin muna ako sa salamin at nakita ko na Grey ang mata at buhok ko. Pababa na ko ng hagdan dala ang maleta ko ng biglang kuhanin sakin ni kambal ang aking maleta at sya ang nag dala.
Nakita ko naman si Kambal na nakasuot ng black polo shirt, naka pantalon at black rubber shoes napansin ko din na parehas kami ng mata ni Kambal
"Handa ka na ba kambal?" tanong niya sakin.
Kung nag tataka kayo kung bakit hindi 'Baby Girl' at 'Baby boy' ang tawagan namin yun ay dahil napag usapan namin ni kambal na mag tatawagan lang kami ng ganon kapag maraming tao sa paligid namin. Pero kapag kaming dalawa lang ay kambal ang tawagan namin.
"Syempre naman kambal handang-handa na ko noh."
Nag pahatid kami kay manong Arthur sa gubat. At hinanap namin ni kambal ang gitna ng gubat dahil doon matatagpuan ang pinaka malaking puno kung saan makakapag bukas ka ng portal. Agad naman namin itong hinanap at pag kita namin ay nag bigkas kami ng spell para mag bukas ito
"Abrir el portal a la Alhambra Mundo:el Alquimista de la Academia" sabay naming banggit ni kambal. At biglang may lumabas na portal sa malaking punong ito..
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Medyo nahilo pa ko pag pasok namin sa portal pero agad akong inalalayan ni kambal. Nasa tapat kami ng isang sobrang laking Gate na may nag tataasang pader. Binasa ko ang naka sulat sa Gate
•~~ALCHEMIST ACADEMY~~•
Pag kapasok namin sa Gate ay puro bulungan ang naririnig namin. Pati ba naman dito ay marami pa ring ganyan, mga taong walang ibang ginawa kundi pag usapan ang ibang tao.
"Waaaaaah!! Girl, ang pogi at ang nila" Girl-1
"Oo nga ehh, nakakatibo naman si ate" Girl-2
"Hoy! Mag hunosdili ka nga, tara na lang at baka matuluyan kang matibo jan" Girl-1
"Ang gwapo ni kuya, Hindi sila bagay ni ate Girl" H-1( H=haliparot)