eighteen

6.8K 142 0
                                    

FLOWER IN THE RAIN

Hans and Vicky

By: Kimmy

Chapter 18

"Besty bukas balik ka dito ha, dalhan mo ako ng maramin apples! Yung green ha!" Nakalabi niyang sabi kay Mike. Kung magpabili ba naman ng prutas ay sobrang demanding pa ng peg.

"Tsk Victoria buntis ka ba?" Sita ni Mike sa kanya.

Saglit siyang natigilan sa pangungurot sa mukha nito.

"Dapat kay Hans ka magpabili tsk!" Lukot ang mukha ni habang habang hinihimas ang namumula nitong pisngi.

Umayos siya ng upo, at saglit napaisip, naalala niya hindi pa pala siya dinaratnan. Dalawang buwan na!

Tutop ang kanyang bibig. Oh em gee!

"H-hindi k-kaya nagbunga yung gabi ng aming first wedding anniversary." Sigaw ng kanyang isip.

Flash back...

2 months ago.

Nakabalik na ng trabaho si Vicky at muling namuhay ng normal. Pinayagan naman siya ni Hans dahil mahal niya ang kaniyang propesiyon at na-bo-bored na rin siya sa bahay, pero kahit ganun pa man ginagampanan parin niya ang tungkulin bilang isang mapagmahal at maalaga na asawa.

Isang umaga, nagising siya bandang alas singko upang maghanda sa trabaho, kumunot ang kaniyang noo at nagtaka, wala si Hans sa kaniyang tabi.

Lumabas siya ng kwarto at tanging si Duday lamang ang kaniyang nadatnan, naghahanda ito ng kanilang almusal.

"Duday ang Kuya Hans mo?" Tanong niya sa kanilang kasambahay.

"Eh ate kanina pang madaling araw umalis. Hindi mo ba alam?"

"Hindi eh...wala ba siyang sinabi sa iyo?"

"Wala ate sabi niya may importanteng lakad siya."

"Lakad? Sige di bale tatawagan ko na lang siya."

Saan kaya iyon nagpunta? Wala naman kasi silang napag-usapan kagabi. Gayun pa man may tiwala siya rito.

----

Alas nuebe na ng umaga habang naka-duty siya sa ospital, hinihintay niya ang tawag o text man lang ng asawa, ngunit wala ni isa.

Sinubukan niya itong tawagan ngunit cannot be reached ito.

Nyemas! Saan lupalop ba ng mundo nagsusuot si Hans. Medyo na iinis na rin siya ah!

"Saan ka ba nagpunta Hans," naiinis niyang usal. Bigla niyang naisip si Andrea. "Lord huwag naman sana...baka nagsawa na sa akin Hans, at naisipan niyang balikan si Andrea," sigaw ng kanyang negatibong isipan.

Matagal na din silang walang contact bilang mag-asawa mula noong makalabas siya ng ospital. (Kinaya talaga ni Hans iyon?toinks! Contact ah yung sexual intercouse hihihihi)

Alas tres na ng hapon,ngunit wala parin siyang balita sa asawa.

Gggggrrrr!!! Galit na talaga siya!!!

Gusto niyang magwala!

"Siguro andito na naman yung bruhang iyon," maluha-luha niyang anas sa sarili habang nakatayo at naghihintay ng taxi pauwi. Dahil sa sobrang kakaisip niya sa asawa ay di niya napansin ang isang red van na pumara sa tapat niya, dahil sa nakayuko ay di niya nakita ang isang bulto ng lalake na nilapitan siya at tinakpan ang kanyang ilong at bibig gamit ng isang panyo na may kung anong gamot na nakakahilong amuyin at siya'y nawalan ng malay.

Flower in the Rain [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon