nineteen (pre-finale)

7.2K 149 2
                                    

Pre-finale

"Hansssssiiiieee!!!" Tumitiling Sigaw ni Vicky mula sa loob ng kanilang silid.

Natatarantang in-off ni Hans ang gas stove at iniwan ang niluluto sa kusina dahil ayaw kainin ni Vicky ang mga luto ni Duday, ewan kung bakit basta siya ang napag-tripan nitong gawin siyang kusinero.

Pag hindi kasi niya sinunod ang mga utos ng asawa ay inaaway siya nito at hindi pinapasukan sa loob ng kwarto. Kaya eto no choice si soon-to-be daddy. Kontodo apron at sumbrero pang siya ang outfit niya. Bakit? Yun kasi gusto ni Vicky, para raw magmukha siyang chef ng chowking. Oh ang weird noh?! Pero wala tayong magagawa naglilihi ang bida.

"Why? What's wrong babe?!!" Hindi magkandaugagang tanong ni Hans sa asawa habang dala-dala ang sandok sa isang kamay.

Kawawang Hans!

"Tignan mo oh..." Hinarap siya ni Vicky, may hawak itong kung ano sa kamay. "Ang cute..." Kinikilig pa nitong sabi sa kaniya habang pinakita ang hawak hawak nitong butiki.

Nyemas! Laglag ang panga niya! Goodness! She got him scared! Tapos ito lang ang ipapakita nito sa kaniya isang BUTIKI???

Napangiwi siya at napakamot ng ulo, nagkandapaso-paso ang kaniyang mga kamay dahil sa pagkakataranta at eto pa...

Hays huwag na nga lang... Nakakadismaya! Hahaha

"Itapon mo nga yan babe...madumi yan!" Aniya at akmang kukunin ito mula sa asawa.

"Ayoko nga!" Sagot ni Vicky at nginusuan pa siya nito sabay irap. Hays minsan hirap intindihin ang babaeng buntis! Paiba-iba ng mood.

"Babe, pwede bang itapon mo yan baka magmumukhang buitiki ang baby natin tsk!"

"Eh kung ayaw mong butiki ang paglaruin ko! tawagan mo si Mike!" Nagmamaldita na naman si Vicky! D*mn! Bakit sa lahat-lahat ng ni-rerequest nito ay si Mike lagi ang gustong makita! Nakaka-badtrip! "Gusto kong makita si Mike!" Inulit pa talaga nito.

"Babe naman bakit si Mike... Nandito naman ako." Tsk nakakasentimiyento na kasi. Ako ang asawa pero si Mike ang gusto niyang makita.

"Eh sa si Mike ang gusto ko! Diba sabi ko sayo papuntahan mo siya rito!" Nagiging demanding na rin ito paminsan-minsan, pero sige lang habaan ang pasensiya Hans!

"May ginagawa si Mike!" Sorry hindi ko na mapigilan ang inis ko! Nagseselos na kasi ako!

"Gusto kong makita si Mike!!!" Sinigawan na naman niya ako ulit! Tsk! Kumukililing na tainga ko sa Mike Mike Mike! Puros na lang Mike! Pero ayun oh iiyak na siya...iiyak na!

Umiyak na nga! Tsk! Lagi na lang ganito, pag di ko siya pinagbigyan dinadaanan sa drama.

Sige na nga! Because I love her...

"FINE!!!" Naiinis niyang sagot sa asawa. As they say never argue with women because they are always right and they always win wether we men like it or not!

Hayssss buhay ng lalakeng nagmamahal!

Ngunit tila walang epekto kay Vicky ang kunwaring galit-galitan drama effect niya, imbis na matakot ay napapalakpak ito pa sa tuwa na parang bata.

"Oh tawagin mo na siya Hansiiee ko please!" Sabay abot nito sa cellphone. Walang nagawa si Hans kundi tawagin si Mike.

Kaawaawang asawa. Hahaha!

"Ang hirap naman ng sitwasyon ko, ganito ba talaga kagrabe maglihi ang isang babae??!" Sigaw ng isip ni Hans, tinitigan niya si Vicky. Nag-puppy eye pa ito at ang smile nito ay ear to ear ang lapad.

-----

Isang oras na hinintay ni Vicky si Mike mula sa labas, napabuntong hininga na lamang si Hans mula sa loob ng bahay nang makita ang asawang parito at paroon ang paglakad.

Flower in the Rain [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon