🖤CHAPTER ONE🖤

22 1 0
                                    

Scarlet Ivy's POV

Sumalubong sa akin ang malamig na simoy ng hangin pagkababa ko palang ng eroplanong aking sinasakyan.Napapikit ako ng dumampi ang malmig na hangin sa balat ko.

Finally back..at sisiguraduhin kong magbabayad ang gumawa nito.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa marating ko yung exit ng airport.Sumalubong naman kaagad ng yakap yung bestfriend kong tanging mapagkatiwalaan ko.

I smile at her to let her know that I am now finally okay.Nasa likod niya naman yung boyfriend niya at bestfriend nito na isa rin sa naging kakampi ko.Sila ang naging katulog ko simula nung maging impyerno yung buhay ko.

Isa isa nila akong binati at pagkatapos ay sumakay na kami sa sasakyan ni West na siyang boyfriend ni Zoey.Habang nasa byahe ay hindi ko mapigilang balikan ang mga nangyari noon bago paman ako napunta sa impernong pinanggalingan ko.

"Vy sure kana bang kaya mo na silang harapin?"tanong ni Zoey na nasa tabi ko.Nilingon ko siya at ningitian.

"Kayang kaya ko na at sinisiguro kong hindi mawawalan ng saysay ang pagbabalik ko."sagot ko naman sa kanya.Tumango nalang siya bilang pagsang ayon.Habang yung dalawang lalaki ay hindi na nagsalita.

Kagaya ng plano ay napagsunduan na naming ihatid ako sa dati naming bahay.Habang papalapit kami ng papalapit ay nakaramdam ako ng kaba na pilit ko namang tinatago.Hangang sa narating na namin yung bahay.Bumaba na ako ng sasakyan at agad naman umalis yung tatlo kagaya ng napagsunduan namin.

Agad na nagulat ang mga maid sa bahay pagkarating ko.Binigyan ko sila ng malamig na tingin at agad naman silang nagyukuan.Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa narating ko rin ang dulo ng pasilyo at bumungad sa akin bagong pamilya ni papa na masayang kumakain.Napangiti ako ng mapait.

Kaya naman pala ganon nalang kakati kayong ipakulong ako dahil may bago na kayong pamilya...papa...

Inialis ko ang isiping iyon at humakbang at magpakita sa kanila.Tumikhim ako upang makuha ang atensyon nilang lahat.Gulat ang bumalatay sa mga mukha nila ng lingunin nila ako.Nabitawan pa nga ni Margarrette yung spoon at fork na eh.tskkk.

"SURPRISE?"sarkastikong sabi ko sa kanila.Galit namang tumingin sa akin yung ama ko.Tinaasan ko siya ng kilay.Nang walang tumugon ay naupo nalang ako.Walang nagtangkang bumasag sa katahimikan.

"Bakit ka bumalik dito?"galit na tanong ng ama ko.

"Bakit?Wala ba akong karapatan?"walang emosyung tanong ko.

"Ha!matapos ng ginawa mo ang kapal ng mukha mo"galit na sigaw naman niya.

"Bakit ano nga ba yung ginawa ko?"sarkastikong tanong ko naman.Hindi niya nasagot yung tanong ko.

"Sa lahat ng tao dito ay ako ang mas may karapatan na tumira dito."walang emosyung saad ko habang diritsong nakatingin kay Margarrette."right?Stepmom"sarkastikong tanong ko sa kaniya.Kita ko naman ang pagpipigil niya ng inis kaya bahagya akong natawa.

"Bumalik ka na sa loob ng selda!"sigaw ng ama ko sa akin.

"Paano kong sabihin ko sayong nandito ako para itama yung mg nangyayari?"nakangising tanong ko sa kanila na animoy iniinis sila.

"Paano mo maitatama eh ikaw na ang gumagawa ng mali.Kasalanan mo na iyon at ang dapat mo nalang gawin ay tanggapin iyon"sigaw naman niya sa akin.kumuyom yung kamay ko dahil sa sinabi niya.

"Talaga? Eh ang tanong ako nga ba?"seryosong tanong ko pagkatapos ay isa isa ko silang tinignan at ningisihan.

"Wala ng iba.Ikaw talaga!"sabat naman ni Margarrette.

"Bakit?Guilty ka ba?"tanong ko na may nakakalokong ngisi.Nagpipigil naman siya ng galit.Biglang naibagsak ng ama ko yung kamay niya sa mesa.Nagitla naman yung ibang membro ng pamilya niya.

"Stop this nonsense! Umalis kana dito."galit na galit niyang sigaw at dinuduro pa ako.Ibinasak ko rin yung kamay ko sa mesa.

"Hindi ako bumalik dito para sa wala.Alam mo kung ano ang ibig kong sabihin."galit narin sigaw ko at umalis kaagad sa lugar na iyon.

Crime of the Past (ONGOING)Where stories live. Discover now