🖤Chapter Three🖤

7 0 0
                                    

"tignan niyo ang laman ng envelope."panimulang sabi ko sa kanila at binuksan naman ni Zoey yung envelope.

"Bakit?"tanong naman ni Zoey

"Picture yan ng mama ko at ni Margarrette noon.Kahinahinala dahil hindi ko alam na magkasundo pala sila noon.Ang mas bumabagabag sa isipan ko ay magkaano ano sila at kung ano ang relasyon nila sa isa't isa."mahabang paliwanag ko pa.Tumango naman siya bilang pagsang ayon."Sige magtatanong tanong ako sa mga taong naging malapit nila noon"tumango rin ako at binalingan si West.

"At staka West kailangan ko ang tulong mo sa connect ng maliliit na camera sa mansion dahil kanila lang may natagpuan akong maliit na camera sa kwarto ko at ihack mo na rin lahat ng camera sa mansion staka mo ikabit yung sa iyo."Mahabang pahayag ko at sumang ayon naman siya.Nanatili muna ako sa hideout ng ilang minuto at nung makaramdam ako ng pagkabagot ay napagdesisyunan kong bumalik sa mansion.Nadatnan ko ang buong pamilya ni Papa sa sala.Hindi ko sila pinansin at alam kong masama ang tingin nila sa akin.

"Bakit kapa nandito?"bungad na tanong ni Papa.Tumaas naman ang kilay ko ng masulyapan ko si Margarrette na nakasmirk.

"Kung sabihin ko rin sa iyong umalis kayo dito?"walang galang na tanong ko bago ko binalingan ng tingin yung ama ko.

"Ang kapal din talaga ng mukha mo eh no?"biglang sarkastikong tanong ni Margarrette.

"Wala ng singkakapal ng mukha niyo dahil ginaganiyan niyo ako sa teretoryo ko at sa lupang pag aari ko."sagot ko naman habang hindi parin inaalis yung tingin ko kay Margarrette.

"Ahahhaahha nagbibiro ka ba?Matagal ng sa amin itong mga ari arian niyo!"biglang natatawang tanong niya sa akin.

"Ah talaga kung isampal ko kaya ang titulo ng lupang to sayo?"nakangiti rin saad ko.Gusto ko silang inisin ng inisin hanggang sa mamula na siya at sumabog sa galit.

"Wala kang galang!"galit na sigaw niya sa akin sabay tayo.

"Hahahah ako?Paano kita gagalangin?kaano ano ba kita?Sa pagkakaalam ko wala naman akong utang sa inyo!"sarkastikong tanong ko at tinaasan siya ng kilay.Hindi ko na siya pinagsalita dinagdagan ko na yung sinabi ko.
"At staka simulan mo ng gumawa ng hakbang para mapalayas ako dito dahil hindi ko kayo titigilan hanggang sa hindi niyo nararanasan yung mga dinanas ko ng sa loob ng sampung taon!"sabay kuyom ng palad ko dahil nagpipigil ako ng inis.Bumalik na naman yung mga nangyayari sa akin nung sa nakaraan ko.

"At sino ka sa akala kong mapapabagsak mo ako?"nakangiti ng tanong niya.Tumalikod na ako sa kaniya dahil masyado na akong nagtatagal doon.Pero bago ako nagpatuloy sa paglalakad ay binaling ko ng kaunti yung mukha ko sa kanan at staka ko sinambit na wari koy nakapagpatigil sa kaniya."Isipin mo nalang hindi ako susuko hanggang kamatayan ko susundan kita..Margarrette De Biltran"Umalis na ako pagkatapos kong mabagitin yun.Ngumiti ako dahil parang nagtagumpay ako sa pang iinis sa kaniya.

Hindi ko na narinig yung mga sinabi niya at agad kong binagsak ang pinto ng kwarto ko saka ko nilock ito.Pagkapasok ko ay mabigat na buntong hininga yung pinakawalan ko.Agad akong nagtungo sa banyo dahil napagiaipan kong maligo muna.
Hanggang may naramdaman akong pumasok sa kwarto ko kaya dali dali kong pinatay yung ilaw ng cr at staka yung shower.Sumilip ako sa may maliit na bintana sa may cr na nakakonekta sa kwarto ko.Nakahinga ako ng maluwag ng malamang si West at si Zoey lang pala yung pumasok.Nagbihis agad ako at lumabas na ng Banyo.Binati nila akong dalawa at halos matawa ako ng sa Bintana pala sila dumaan.Napailing nalamg ako.

"So nandito kami dahil habang matutulog yung mga tao dito ay magkakabit ako ng mga camera sa buong Mansion.Wag ka ng mag alala dahil na hack ko na yung mga camera dito.At alam mo kung sino ang nasa likod ng mga camerang iyon?"mahabang paliwanag ni West.Pero ang huling sinabi niya ang nakapagkunot ng noo ko.

"Sino?"tanong ko.

"Walang iba kung kundi si Xavier Adisson!"sagot naman niya.

"Kung gayon ay siya pala ang may pakana nito.Zoey imbistigahan mo si Xavier,Zane at si Kai."utos ko kay Zoey.Tumango naman niya.

"Okay!"pagsang ayon niya.

"Magpatulong ka kay Aiden wala namang ginagawa iyon at ikaw West ikaw ang magchecheck ng mga camera sa bahay namin.baling ko kay West.Ngumiti lang siya bilang tugon.Nagplano kami kong paano namin maikakabit ng hindi mahahalata.Nang dumating na ang oras ng hapunan ay dumiritso na ako sa hapagkainan.Napangiti ako dahil magandang pagkakataon iyon para makapaglagay ng mga camera sila West.

Tahimik lang sila kumakain kaya hindi ako kumibo ng basagin ni Margarrette ang katahimikan.
"Sa linggo pala natin gaganapin ang birthday party mo Zane anak magdebut kana!"biglang paparinig ni Margarrette.

"Yes mom excited narin ako.Gusto ko sa may swimming pool yung party mom"maarte namang saad ng anak niya.

"Dont worry anak bongga ang party mo promise!"masaya pang ani niya.Ningiwian ko lang sila.

"Hahahah hindi ka man lang magpapaalam sa may ari kong pwede bang gamitin ninyo yung lupa ko para sa party niyo?"sarkastikong tamong ko.

"Wala na ba kaming karapatang gawin yung gusto namin?"tugon rin ni Margarrette.

"Kailan kayo nagkaroon ng karapatan sa bahay na to?ahh nong wala na ako dito?"natatawang tanong ko.Kita ko ang galit ng ama ko.Agad siya tumayo at ibinagsak ang kamay sa mesa."Itigil mo na yang kahibangan mo."sigaw niya sa akin.Tinawanan ko lang siya at saka ako tumayo.

"Sanayin niyo na yung sarili niyong makita ako araw araw at ipasok niyo sa maliit na kukuti niyo na sampid lang kayo dito."sabi ko pa na may nakakalokong ngisi."At by the way Xavier galingan mo naman man magkabit ng camera yung hindi naman makita."baling ko kay Xavier na gulat na gulat dahil sa sinabi ko bago ko ibinagsak yung table napkin sa mesa.Umalis kaagad ako sa hapag at dumiritso sa kwarto.Nadatnan ko sila West at Zoey na nag uusap sa kwarto ko.

"Oh tapos na kayo?"tanong ko sa kanila ng may bilib dahil sa ilang minuto lang ay nagawa na nila ng mabilis.

"Yes naman
Eh kay dali lang nang iniutos mo at saka pala may ikinabit akong voice recorder bawat kwarto dito."mayabang pang sagot ni West.

"Good!"nakangiting saad ko sa kanila.

"Mauna na kami Scarlett dahil wala pa kaming kain."pagpaalam naman ni Zoey.

"Sige .salamat."tugon ko nalang at bigla nalang silang tumalon na bintana at iing iling akong nahiga sa kama.Hanggang sa dinalaw na ako ng antok.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 25, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Crime of the Past (ONGOING)Where stories live. Discover now