🖤Chapter Two🖤

6 0 0
                                    

"Oh kamusta na?"tanong ni Zoey pagkarating ko sa hide out.

"Okay lang!"maikling sagot ko pagkatapos ay dumiritso na ako papasok.Tumambad sa akin ang mga naglalakihang screen.Habang nasa isang sofa si Aiden humihigop ng kape.

Nang makita niya ako ay ningitian niya lang ako at ibinalik na ang tingin sa newspaper na binabasa.
Habang si West naman ay busy sa pagkulikot sa computer.tskk computer freak.

"Ano na ang updates?"sabi ko na nakaagaw ng atensyon nila at isa isa naman silang humarap sa akin.

"Base sa mga napagtanungan ko ay mga wala silang matandaan na nangyari ng gabing iyon!"sabi naman ni Aiden.Tinanguhan ko siya at bumaling ako kay Zoey.

"Sinubukan kong ihack lahat ng mga malalapit na camera sa lugar na naganap ang pagpatay pero wala akong kahit isang makuha na makapagbibigay ng ebidensya".mahabang paliwanag ni Zoey.Bumaling naman ako kay West.Tumikhim muna siya bago nagsimulang magsalita.

"May na hack akong website kong saan ito yung kaunaunahang naglabas ng kwento tungkol sa nangayari sa mama mo"sabi naman niya at sininyasan na magpatuloy.
"Nung mahack ko yung website ay lumabas ang mga gumagamit ng website na iyon.May mga accounts akong nakita doon at isa lang ang nakaagaw ng pansin ko dahil hindi kailan man naging tugma ang pagaccess niya sa website"mahabang paliwanag niya.Kumunot ang noo ko at binigyan siya ng nagtatanong na tingin.

"Paanong hindi tugma?"walang ideyang tanong ko.

"Basi kasi sa araw na nagawa yung website ay hindi pa siya naging parte non saka lang siya nag appear sa araw mismo kung saan pinatay ang mama mo."sabi niya.Naiwan kaming pawang nakatulala at isa isa naming iniintindi ang mga sinasabi ni West.

"Zoey,gusto kong maghanap ka ng impormasyon tungkol sa kahinahinalang website user na yan".sabi ko kay Zoey na agad namang tumango.

"At ako anong gagawin ko?"biglang tanong ni Aiden.

"Pag aralan mo ng mabuti kong paano mo ipapaliwanag sa court yung tungkol sa kaso."walang emosyung saad ko bago umalis.

Umuwi kaagad ako sa mansion pagkatapos ng lakad ko.Napagdesisyunan kong dito mamalagi dahil may kailangan akong gawin.Kailangan kong makakuha o makahanap ng ebidensya para magamit namin sa paglutas sa kaso.Pagkapasok ko ng mansion ay walang tao akong naramdaman kaya dali dali akong pumasok sa kwarto ko.

Nilibot ko agad yung paningin ko sa kwarto ko dahil umaasa akong may makita naman ako doon na kahit kaunting ebidensya.Ayaw kong mapunta sa wala yung pinaghirapan ko.

Nilock ko yung pinto at sinimulan isa isahing tignan yung mga libro sa bookshelf.Na medyo may alikabok na.Pagkatapos ay tinignan ko naman yung mga cabinet pero wala parin akong mahanap.Chineck ko rin yung mga gamit sa table pero wala talaga akong mahanap napakamot nalang ako ng at sumalampak naman ako sa kama.
Napabangon naman agad ako ng halos masinghot ko na lahat ang alikabok sa kama.
Ano ba naman niyan purket wala na ako dito di rin nila lilinisin.hayysss..

Naghanap ako ng pwede ipangpalit na beddings sa kama ko at sakto namang may malinis kaya ako narin ang magpapalit.Ayaw kong may pumapasok sa kwarto ko kahit sinong taong nakatira dito.Wala akong tiwala sa lahat.
Habang inaayos ko yung higaan ko ay may napansin ako nahulog sa ilalim pagkakuha ko sa foam.

Ano to? Kumunot ang noo ko dahil sa hindi ko maintindihan yung nakasulat.Pero binuksan ko parin yung envelope.Nagulat ako ng tumambad sa akin ang picture ng mama ko.Biglang tumulo yung mga luha ko.Nung binaling ko yung tingin ko sa katabi niya ay nagulat ako ng makilalang si Margarrette iyon.Napaupo ako dahil sa nanginginig ang tuhod ko.

Anong relasyon niyo ni Mama dati?Magka ano ano kayo?

Agad kong dinial yung number ni Zoey."Hello?"agad namang sagot niya."Kailangan ko ang tulong mo ngayon pupunta ako diyan sa hideout hintayin mo ko diyan."sabi ko sa kaniya at hindi ko na siya pinagsalita,agad kong binaba yung tawag.Napahawak ako sa dibdib ko at sinubukang pakalmahin yung sarili ko.Nilibot ko yung tingin ko sa kwarto at mula sa computer desk ko ay may nakikita akong maliit na camera.
Binagalan ko ang pagpunta sa may desk at naconfirm kong camera nga iyon ,talagang sinadya ang paglagay ng camera dahil itinapat talaga sa kung saan ako palagang nandoon.Agad kong sinira yung camera at naghanap pa ako baka sakaling meron pang iba pero ng wala na akong makita ay kinuha ko na yung bag ko at sinilid yung envelope.

Crime of the Past (ONGOING)Where stories live. Discover now