TUMATAKBO ako isang hapon ng Lunes. Sa ilalim ng mga puno ng narra.
Kasabay ng simoy ng hangin ang pagsamyo nito sa mga buhok ko. Naghuhulugang mga dahon na magkahalong berde at dilaw. Kasabay ng paghulog ng mga ito ay paghulog din ng mga dilaw nitong bulaklak. Tila maliliit na bituin na nagkalat sa daang hindi nalalatagan ng semento.
Napangiti ako sa kalwalhatian nitong hatid sa akin. Mula sa malayo kita ko ang paglubog ng araw sa likod ng mga bulubundukin mula sa dulo ng daan.
Inayos ko ang bagpack ko at ang uniporme kong gusot kakalaro kanina sa eskwela. Inayos ko ang bangs ko dahil hinahangin ito.
"Akino!" Rinig kong tawag sa akin.
Ngumiti ako ng malaki nang masulyapan ko mula sa likod ang kababata kong si Hiroshi. Tumakbo ito at humabol sa'kin. May dalang laruang trumpo sa kanang kamay.
"Ang dungis dungis mo!" Sabi ko sakanya pagkalapit.
Napakadumi ng uniporme niya, marahil kakalaro kanina kasama ang ibang bata. Bumungisngis ako nang nakitang napasimangot siya sa akin pero kalaunan ay dumila lang naman ito sabay pitik sa noo ko saka tumakbo, inuungusan ako.
"Hmp! Oshi, hintayin mo ako!" Sigaw ko sakanya saka humabol. Tumawa lang naman ito sa'kin at tumigil sa pagtakbo. Nilalahad ang kamay sa akin.
Nakangiti ng malaki, sa likod niya'y ang paglubog ng araw. Hinahangin ang buhok niyang isang pulgada ang haba at makintab ang pagkakulay itim.
Masaya kong hinawakan ang kamay niya. Hawak kamay kaming umuwi sa aming tahanan.
Walang araw na hindi niya ako inaasar. Lagi kaming magkasama. Sa pitong taon kong ito, siya lang ang nagiisang lalaking ganito kalapit sa akin na kaibigan ko.
GABI ng Sabado, nasa labas ang lahat para sa pagpapailaw ng mga gawa sa papel na ipapalipad. Ito ang araw ng pasasalamat dito sa nayon. Lahat ay masaya katulad ko.
Naroon na ang mga kaibigan kong ibang bata at pinaglalaruan ang hawak na mga iba't-ibang makukulay na papel. Masaya akong tumakbo paroon para makihalubilo.
"Oh! Ayan na pala si Akino. Tara na sa taas ng burol!" Maligayang pahayag ni Nana. Nagtungo na nga kami paakyat sa burol.
Maraming karatig-nayon namin ang nais masaksihan ang mangyayaring pista. Mga pamilya na masayang naglalakad at mga ibang bata na kaedaran rin namin ang nakita ko.
Lumingon lingon ako sa likod. Hinahanap ang kaibigan kong si Hiroshi. Subalit hindi ko siya makita sa bunton ng mga naglalakad paakyat sa pagdadausan ng pailaw.
"Magsisimula na!" Tili ng isa sa mga kaibigan kong si Yueno. Sa bandang taas naroon ang mga matataas na opisyal na mangunguna sa pagsisindi ng mga pailaw.
Unti unting nailawan ang dilim ng gabi.
Tumingala ako at namangha sa nakita. Iba ibang kulay na papel nasisindihan ng ilaw na isa isang nangliliparan sa kalangitan. Napakaganda!
Mula sa likuran may tumawag sa aking pangalan.
"Aki" 'yun ang narinig ko.
Ibinaba ko ang paningin at hinanap ang tumawag sa akin.
Nang nagtama ang paningin namin ni Hiroshi, agad akong tumayo mula sa pagkakasalampak sa damuhan. Natawa siya ng makitang muntik pa akong madapa kakamadali.
"Dahan dahan Aki." Tawa nito sa akin saka ginulo ang buhok ko.
"Bakit saan ka galing? Nagsimula na kanina pa ang pista!" Hingal na sabi ko pagkarating sa harap niya.
BINABASA MO ANG
Light Up By One Particular Firefly ||ONE SHOT||
Teen FictionDalawang magkababata. Lumaki ng sabay , natuto ng maraming bagay habang magkasama nasanay sa presensya ng isa't-isa. Hanggang sa isang araw kailangan umalis ng isa.