Naniniwala ka ba sa FOREVER?

60 0 0
                                    

Wala nga kasing FOREVER.

Iniwan niya ako. Bakit? Kasi nakahanap na siya ng iba.

Iniwan ko lang siya ng sandali. Aba! May iba na siya.

Naaalala ko pa, nasa isang tournament kami noon sa Boracay. Inspired nga ako noon eh. Sabi ko sa sarili ko, iuuwi ko yung championship para sa kaniya.

Ang shunga ko nga eh. Kasi naman. Di ko inisip na may pwedeng manguha sa kaniya.

At yun nga, nakikita ko na lang sa Instagram at Twitter na lagi na silang nagkikita. Alam mo ba na umiiyak ako gabi-gabi nun. Halos di na ako maka-concentrate sa games namin. Ang sakit kasi eh.

She started rejecting my calls. Di na siya nagrereply. Even on twitter, sa DMs ko, sa chat ko, at sa mga comments ko.

She even tweeted "sepanx" and tagged me and my co-team mate. Napaismid na lang ako. Sepanx your face.

Yung championship na, lutang ako nun. Nasigawan na ako nun. Halo-halo bad trip ko kasi nagtweet ulit sila with sweetness. Bad trip ako.

Then yung kalaban namin nun, nginitian ako. Nung una nainis ako kasi akala ko natutuwa siya na napagalitan ako. Pero nagsalita siya. Sabi niya "Kaya mo yan. Wag mo muna silang isipin. :)" IDK why pero napangiti din ako. Alam mo yung nangyari? We WON. YES! WE WON.

After that, photo ops, interviews, awardings, and so on.

Then may photographer, sabi niya "Miss Galang, can we take a picture of you beside miss Pineda?" Ako naman, OO na lang.

So nung nagkatabi kami, dun ko lang siya natitigan ng mabuti. Ang ganda niya pala. Super.

Nakauwi na kami. Yep, may communication kami ni Bang. Even Amanda.

Nakikita ko na rin si daks. Di kami masyadong nagpapansinan. Nasasaktan ako tuwing nakikita ko siyang hatid sundo. Sabay sila kumain, etc.

Isa lang ang nakakausap ko noon. Walang iba kundi si Bang. Dumaan na kasi siya sa ganitong pagsubok and I guess alam niya ang gagawin.

Pinaglaban ko si daks. Umiyak ako sa harap niya, lumuhod, niligawan araw-araw. Pero no effect. Sabi nga ng tean mates ko, suko na daw kasi nakakaawa na daw ako.

Everytime I failed. There is Bang. My hero.

Sabi ko sa kaniya. Walang Forever. Tinawanan niya ako. Sabi niya meron. Sabi ko wala, dahil kung meron edi sana di kami sawi ngayon. Alam mo sabi niya? Sabi niya: "Meron. You and I have forever. May forever satin. :)"

Alam mo nafeel ko noon? Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. She's right. May forever samin. Lagi siyang nasa tabi ko, tagasalo, sandalan, bff, and kung ano pa. Dun ko lang narealize na mahal ko siya.

Since then, niligawan ko siya. Prinove kong mahal ko siya. Araw-araw ako naman ang nandiyan sa tabi niya. Everyone noticed my change. Ngumingiti na ako.

Di rin nagtagal sinagot niya ako! Yung feeling na parang bumalik ako ng high school. That's the power of love.

Fifth Monthsary namin kahapon. Mehehe. Tagal na pala. Pero until now, di ko pa din makalimutan yung sinabi niya sakin datin.

"Wala man tayong forever as you've said. May infinity naman tayo sa jersey number mo. I love you number 8!! I LOVE YOU VICTONARA SALAS GALANG! FOR INFINITY AND BEYOND!"

~

Fail ba? Labyou guyths

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 08, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Collection of One Shots (FanFics)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon