"Girls bukas wag kayong mawawala inaasahan kayo ni mommy."
"Bakit anong meron bukas Ethan?"
"Birthday ni Tita!" Sagot naman ni Camielle sakin. "Isang linggo na kaya niyang pinapaalala satin."
"Hala oo nga! Kaso hindi pa 'ko nakakapagpaalam kay Tito."
"Sus papayagan ka niyan panigurado. Ay! wala pa pala tayong regalo bili muna tayo mamaya Io."
Tumango na lang ako bilang sagot.
Dumiretso agad kami ni Camielle sa mall pagkatapos ng klase. Una muna kaming pumunta sa bookstore, mahilig kasi magbasa ang Mommy ni Ethan kaya baka sakaling may mahanap kami dito. Ilang minuto rin kaming nag-ikot hanggang sa may nakita siyang isang Classic Novel, mga ganon kasi ang tipo ni Tita. Pagtapos ay dumiretso naman kami sa department store para dito naman ako maghahanap ng pangregalo. Pagpasok namin ay agad akong nakakita ng mga kitchen wares, mukhang alam ko na ang bibilhin ko.
"Bakit 'yan?" agad na tanong niya habang pumipili ako ng kulay ng apron. Yes, apron ang ireregalo ko. Sana nga lang hindi weird.
"Kasi diba nung nakaraan sabi ni Ethan nasunog niya daw accidentally yung apron ni Tita. Tapos super mahilig siya magluto, kaya naisip ko na ito na lang ibigay sa kanya." Agad ko rin nakuha ang gusto kong kulay, nude ang napili ko dahil favorite color niya rin ito. Syempre hindi lang naman ganito kasimple regalo ko noh mamaya pag uwi sa bahay pagagandahin ko 'to.
"Nandito na po ako." Bakit nakapatay pa rin ang mga ilaw? Pasado alas syete na ng gabi madilim na rin sa labas. Teka nasan si Tito?
Kumatok ako sa kwarto niya pero walang sumasagot. Impossible namang umalis siya dahil nandito ang sasakyan at wallet niya.
Ilang katok din ang nagawa ko bago ko mapansin na bukas pala. At ayun siya, natutulog pareho pa rin ang puwesto niya kung paano ko siya iniwan kaninang umaga at pareho pa rin ang suot na damit ah, luh si Luisito tinamad na naman siguro maligo. Dugyot talaga!
Sinara ko na lang ulit ang pinto at hinayaan siyang magpahinga baka may ginawa dito sa bahay kanina kaya napagod.
Kinuha ko ang apron na ireregalo ko bukas at simulan na itong ayusin. Plano ko kasing tahian 'to ng pangalan ni Tita para mas espesyal, pasasalamat ko na rin sa kanya dahil lagi niya kaming nilulutuan ng masarap kada pumupunta kami sa kanila. Sabi niya pa nga anak na daw ang turing niya samin wala kasi siyang anak na babae kaya tuwang tuwa siya samin ni Camielle.
"Ayos na!" makalipas ang halos dalawang oras natapos na rin ako sa lahat ng ginagawa ko. Pero si Tito, hindi pa rin gising.
"Tito, Gising na! Kumain ka na ba? Tito!" Hala ano ba 'to tulog mantika.
"Hoy Luisito! Gumising ka na nga!" Halos mahulog na siya sa kama kakaalog ko pero wala pa ring talab.
Isisigaw ko na sana ulit ang pangalan niya ng may mapansin ako. Bakit parang, parang may mali. Parang hindi siya gumagalaw. Parang hindi siya humihinga? Pinulsuhan ko siya at.
Bakit wala akong mahanap, walang pulso si Tito Luis.
Malakas na tapik ang ginawa ko sa kanya bago ulit siya tinawag. "Luisito!" at nagsisimula ng pumatak ang mga luha ko.
Alog, hampas, tapik lahat na ginawa ko pero hindi pa rin siya gumagalaw.
"Joke time ba 'to Tito? Bumangon ka na nga dyan! Batugan ka nanaman eh." garalgal na rin ang boses ko habang matuloy pa rinsa pag-iyak.
"Tito Luis, Luisito gising na tama na laro please. Tayo na dyan halika na." Bakit bakit ang sakit? Totoo ba talaga 'to?
"Tito Luis please gising ka na dyan wag naman ganito para naman kasing ewan. Panget ng mga biro mo Tito!" Hindi puwede please, please wag.
"Bawal ka matulog forever masakit sa katawan yan sige ka! Oh sige, gusto mo ba hindi na ko magpapasaway? Diba gusto mo yun? Sige hindi na promise! Hindi ko na rin sasadyaing susunugin breakfast mo. Lagi na rin akong maliligo. Di na rin kita kukulitin sa assignments ko, hindi na rin kita guguluhin pag nililinisan mo yung kotse. Lagi na rin kitang tutulugan dito sa bahay, papakabait na ko promise basta gising ka na please. Please Tito please?" Nakangiting pangako ko sa kanya habang patuloy pa ring umiiyak. Hindi ko kaya hindi ngayon, hindi bukas, hindi kahit kailan. Wag ang Tito ko.
Pero kahit anong pagmamakaawa ang gawin ko hindi pa rin siya gumising. Hindi niya pa rin ako binalikan wala na, wala na talaga siya.
Kasabay ng mga luhang kumakawala sa aking mga mata ay ang pagkawala ng taong pinakaminahal ako at pinakamamahal ko.
YOU ARE READING
Salvation
Novela JuvenilMiracle Series #1 After her uncle died, Iola Bernice Quintana left alone with her two bestfriends. Peaceful, happy and content that's what she thought her life is. Until she met Kianu Tobias Salazar. - itsurmoon -