Khione
Masakit pala.
akala ko nun okay lang, nung tinanong nya kung dapat na niyang itago yung mga alaala na yon. na kaya ko naman. Di ko alam na masasaktan ako ng ganito.
Wait.
i-eexplain ko.More than one month na ang relationship namin ni Aether, so far okay naman. Naging ugali na namin ang gumala, since after namin maging close dun sa Mcdo ay gumala kami sa mall. Na ako ang nagsabi. di naman daw siya masyadong gala non. ako lang talaga yun.
This afternoon (since half-day lang talaga ang pasok namin lagi), gala nanaman kami. di naman kami gumagastos masyado bukod sa pagkain. lakad lang habang titingin-tingin at kwentuhan tas tatawa.
Umupo muna kami sa may upuan na tapat ng isang clothing store para pagpahingahin ang mga paa naming kung makakapagsalita lang ay minumura na kami sa sobrang pagod.
"nakakatawa talaga si Mason eh, na-freeze nung nakita si Jelsei." kwento niya sakin.
Si Mason ay seatmate niya, close sila kasi kabarkada niya ito. Si Jelsei ay ang crush nito na nasa kabilang section.
"Lakas talaga ng tama ni Mase no? hahaha."
"iba talaga eh. naalala ko tuloy yung time na crush ko si Sharmayne, o si ex, di ko sya nakakausap pero may time na kumaway siya sakin as hello tas na-freeze lang ako. pag-uwi ko sa bahay sumigaw ako sa unan sa saya." kwento niya
ouch.
"ha-ha-ha. para kang tanga nun." pilit na tawa ko
ansakit ha. ouch talaga. manhid ba 'to?
kwento sya ng kwento ng iba pa na nakakatawa pero ako ngingiti ng pilit o tawa nalang.
"may problema ba?"
ang manhid mo naman! gg ka! kainis! girlfriend mo ang kausap mo tas kwento ka ng kwento tungkol sa ex-crush mo kahit di naman naging kayo tas tawag mo sakanya ex? ouch ha? ano ka? di naka move-on? tas may girlfriend ka ngayon? sira ka ba?
"wala, tara uwi na tayo."
"oh sige."
umuwi na kami nun. Di yon ang first time na nagkwento sya tungkol kay Sharmayne. naiintindihan ko pa nung hindi pa kami at gala-buddies palang kami. kaso ngayon hindi na, kami na eh. nagtanong nga siya nung araw na naging kami kung dapat na ba niya itago ung pictures ni Sharmayne kasi meron siya non since parang gustong gusto niya siya non. sinagot ko ng bahala ka. eh diba dapat given na na pag may girlfriend ka dapat siya at siya lang? mga 12 time na niya minention si Sharmayne sakin at nasasaktan na talaga ako.
Chinat ko si Keiton kinagabihan. alam na niya kasi.
Keiton: oh musta?
me: ayun parin. siya parin.
Keiton: eh G*go pala siya eh! ginagawa kang tanga! dapat di ka niya ginawang girlfriend kung di pa siya nakaka move on dun sa babaeng yun! p*cha.
me: ansakit na nga eh. di naman niya alam. ayaw ko naman sabihin.
Keiton: breakan mo kaya?
me: mahal ko po yun
Keiton: sinasaktan ka
me: di niya alam
Keiton: sabihin mo
me: ewan. di ko masabi.
Keiton: break na kasi!
me. mahal ko talaga e
Keiton: nice. tatagal kayo. matatag kayo sa pagmamahal mo
me: ewan. ge bye na. wala kang natulong na matino
nag-offline na ako.
Sakit no?
iniyak ko nalang kinagabihan. :'(
BINABASA MO ANG
A Girlfriend's Heartbreaks
Dla nastolatkówMay mga kwento na ang mga mag-bestfriend ang dapat magkatuluyan. Kasi nga, from the very start, mas kilala nila ang isa't isa, ang girlfriend ay ngayon lang pumasok sa buhay niya. pano kung hindi naman ganun? pano kung mas kilala ng girlfriend a...