Sa baranggay hall.....
ATTENTION: Para sa mga magaganda lang!!!!!!!!!!
What: Bb. Baranggay Humunukunukuapuwaa 2014
When: Next week ( ikaw mamili ng date)
Where: Brgy. Humunukunukuapuwaa (ikaw mamili kung saan banda)
How: Just text "maganda ako pasali naman" send to 2366
Jamie: Bes sumali ka na jan!!!! (with matching paghampas pa sa likod ko akala nya masarap)
Ako: Ikaw bes try mo sumali sa palakasan ng paghampas sa likod pagnagagalak, sure win ka dun bes!
Natawa naman si gaga kala nya nagpapatawa ako. Lol. Sarap nito sigawan with matching pagtalsik ng laway para malunod! Hahaha pero joke lang syempre love ko tong bes ko!
Pero teka di pa pala ako nagpapakilala, ako nga pala si Lukring. Hahaha ang baho lang ng lukring ah! Pero ang pangalan ko talaga ay Angel. Angel Condensada haha lol Angel de Castro. 18years old, 2nd yr student from Polytechnic University of the Philippines. Business ad ang course ko major in human resource. So balik na tayo kasi matagal ng nakanganga yung bes ko, pinause kasi natin di ba? Syempre kailangan ng intro ng bida di ba? Hahaha
Jamie: Hahaha bes naman! Sumali ka na!!!!! (Mapilit sya with matching paghila sa damit ko)
Ako: Ikaw na lang kaya!!!! -__- (ginaya ko sya hinila ko rin damit nya)
Jamie: Ano ba yan! Wag mo naman hilahin damit ko bes!
Haruhjosko! Sya pa nainis eh ginaya ko lang sya, minsan talaga may sapak to eh!
Ako: Ayoko kasi!!!! Ikaw na lang!!!!!!!!!! -________-
Jamie: Nanlalait ka ba bes? Anlaki laki ng nakalagay oh "Para sa magaganda lang" tapos ako ituturo mo! Di ko na nga pinansin yun eh nung nabasa ko kunwari di ko nakita kasi ang sakit eh T.T
Ako: Awwww bes :( (change mood) nakakatawa kadramahan mo hahahahahaha!
Jamie: Sumali ka na kasi susuportahan ka namin!!!!!!
Ako: Pag iisipan ko na lang bes, kulit mo!!!
Pinasa ko na yung requirements ko for scholarship tapos umalis na rin kami after. Kumain kami saglit ng fishball ni jamie tapos naghiwalay na rin kami kasi may lakad pa daw sya at ako naman ay uuwi na.
Pag uwi ko sa bahay nadatnan ko si mama may kausap sa phone. Tiningnan ko lang sya at tinanguan alam na nya ibig sabihin nun. Kayo ba? Alam nyo rin? Hahaha syempre hindi! Ibig sabihin nun "oy ma andito na ko, gets? K." Haha.
Pumasok ako sa kwarto ko. Biglang may nag ring. Kinuha ko phone ko sa bag pero hindi naman yun, hinanap ko yung phone ni mama baka sakanya yung nagriring, pero hindi rin. Ohhhh my goshhhh! Natatakot na ko, ayaw tumigil nung ring. Pagtingin ko sa bandang kanan, nakita ko laptop ko! Shit!!!!!!!!!! Yung laptop nagriring!!!! Laptop nagriring? How come? Lol. I mean may tumatawag thru skype at yari ako iniwan kong bukas laptop ko shet! Pero syempre di pa naman siguro nakikita ni mama to hehe (hoping). Tiningnan ko kung sino tumatawag. Ay si mark<3 hehe. Sorry guys di ko namention na may boyfie eke! Enebeh! Hahaha. His name is Mark<3 may <3 talaga ewan ko kung bakit hahalol.
Mark<3: bakit ang tagal mo sumagot??? (Medyo galit sya ah)
Ako: eh akala ko kasi phone ko yung nagriring hehe sorry beyb!
Hep hep hep! Beyb tawagan namin wag kayong ano jan! Hahaha
Mark<3: Ahhh. Uhmm may sasabihin ako sayo beyb. (Naging malungkot aura nya bakit kaya?)
Ako: ano yun beyb?
Mark<3: I am not coming back.
I am not coming back. 5 words. Only 5 words and it hurts me like I've been hit by a car a million times. Ganon kasakit. Nasa states sya, sabi ng family nya vacation lang pero bakit ganon? He's not coming back. And what the fck! He likes it? I thought kami na talaga. Akala ko after ng paghihintay ko sakanya ng 2 months eh magkakasama na ulit kami pero hindi. He's not coming back. Why? Hindi ba sapat na dahilan na bumalik sya dahil nandito ako? Sabi nya, he's not coming back dahil dun na sya mag aaral at wala na sya babalikan dito dahil magkakasama naman na daw sila dun. But, what about me? Ganun na lang ba yun? What about me? T.T I've been patiently waiting for him pero ganun na lang yun? Napaka unfair! The last words that come out from his mouth is "mag break na lang tayo beyb kasi I can't afford to have a long distance relationship. Kung tayo, tayo talaga. Sorry. Bye." Then he ended the call. Ganun lang kadali di ba? Ganun lang kadali mang iwan sakanya. Alam nyo yung feeling na wala ka namang ginawang masama and actually nagpakabait ka pa para maging proud sya sayo dahil while he was away di mo sya tinatarantado. But all of those effort of mine didn't cross to his mind. Unfortunately, iniwan nya pa ko.
Wala na kong magagawa. He's not coming back and it only states that he doesn't love me. Ganyan ako gumawa ng logic. May natitira pa naman akong pride kaya gagamitin ko na muna ngayon.
Hindi sya babalik. Eh di wag. Life goes on. I will now be moving on. Ang dali sabihing magmomove on na ko. Ang dali mag arte artehan na may pride pa rin ako pero at the end of the day pag mag isa na lang ako, lagi ko naiisip na "pano nga ba mag move on? San ko sisimulan?" After that, I cry a lot. I cry so that I can sleep. Ayun na naging pampatulog ko punyemas!!! Tapos pag gising ko naman sa umaga magang maga mata ko tapos tatanungin ako ng mga friends ko kung umiyak daw ako sasabihin ko naman na hindi at kagat lang ng ipis yon. Hay buhay! Paulit ulit na lang! Mag iisip-iiyak-maga mata-magdadahilan sa mga kaibigan. Haaaaay.
BINABASA MO ANG
Unsure
RomancePano mo nga ba malalamang mahal mo ang isang tao? Pano mo masasabing 100% mahal mo sya? Paano kung minsan mahal mo sya minsan naman hindi? Ano ba yun, ang gulo! Hahaha well, expect nyo na na magiging magulo ang feelings ng bida pero hindi ng kwento...