Chapter 2

7 0 0
                                    

Tiktilaok tiktilaok.

Araw ng lunes.

May pasok.

Katamad.

Higa higa muna.

Tulog ulit.

Ay may exam pala.

Bwiset.

Bangon na.

Hanap cellphone.

Wala nagtext wala nagcall tapon na.

Akmang ihahagis.

Lol joke lang wala ako pambili ng bago.

May kumakatok.

Si mama.

Bakit ko alam? Syempre dalawa lang kami dito sa bahay namin alangan namang yung kapitbahay namin katukin ako dito sa kwarto ko. Hahaha.

Mama: Angel anak bangon na! May exam ka pa di ba? Bawal malate pag nalate ka di ka papasa pag di ka pumasa natural bagsak ka pag bagsak ka di ka makakapagtapos pag di ka nakapagtapos..

Bago nya pa ipagpatuloy ang kanyang seremonyas pinigil ko na sya dahil alam ko na ang kasunod.

Angel: Ma, maliligo na ko byeeee!

Ayun tumigil na sya haha. Hay nako ganyan yan si mama, tatalumpatian ka pag ayaw mo pa gumising. Kung ano ano sasabihin.

Pagtapos ko maligo umalis na ko. Lol joke! Ano, walang kain kain? Hahaha kumain muna ko tapos syempre nagpaganda para naman pag nakita ko na yung mapapangasawa ko eh mabighani sya agad sakin. Hahaha asawa agad? Haha lantod.

Kumiss muna ko kay mama bago ako umalis. Well i know masyado na kong matanda para mag goodbye kiss pa pero that's her rule, walang kiss walang baon. Dami alam ni mama! Haha.

Isang sakay lang ako papuntang PUP mula sa bahay namin. 30 minutes lang nasa school na ko, 1 hour pag matrapik, 2 hours pag nalate ako ng gising, 3 hours hehe pag di ako pumasok sa first subject bwahahah.

First class: Midterm Exam

Binigay na ni mam yung test questions. Pag tingin ko.... WTF?????????? Buti nag aral ako bwahahahaha kala nyo di ko alam noh? Well, fyi kahit ganto ako nag aaral naman ako pag sinisipag hahaha.

20 minutes ko sinagutan yung exam. Ako pinaka unang natapos. Alam nyo yung feeling na kapag ikaw unang natapos tinginan sayo lahat ng classmates mo tapos ikaw naman mejo proud datingan mo kasi ibig sabihin pag nauna kang natapos eh nasagutan mo lahat dahil alam mo lahat. Sa case naman ng iba nauuna silang matapos dahil, may date, natatae na o di nya alam sagot talaga o baka di nya close katabi nya at wala ng chance para makakopya pa hahaha.

Sumunod na natapos si jamie. As usual, sa akin ang destinasyon nya.

Jamie: bes, ano sagot mo sa number 69?

Realtalk: Ang mga estudyante pagkatapos ng isang exam nagcocompare ng sagot.

Ako: ISO 9001.

Jamie: Yes tama ako HAHAHA!!!!!! Teka maiba tayo, ano sasali ka na sa pageant?

Ay oo nga pala may pageant pala. Sasali nga ba ako? O hindi? Tss. Di naman ako mananalo dun eh. Pero malay natin manalo ako. Walang imposible kay God. Wala naman akong masusuot dun kung sakaling sumali ako eh. Pero pwede naman ako manghiram sa mga kakilala ko di ba. Pano pag ayaw nila magpahiram? Pwede ba yun? Konyatan ko sila eh. Ayyy! Ano ba yan parang may nagtatalo dito sa utak ko!!!!!!!! Keenes!!!!

Jamie: Sumali ka na bes pinalista na kita eh hehehe ^__________________^ text ko mamaya sayo mga kailangan gawin etc etc bye bes!!!!! Una na ko!!!!!

At ayun naiwan nya akong nakanganga at sya kumaripas sa takbo! Pwede naman mag back out eh. Kaso parang gusto ko rin sumali para di ko naiisip si Mark<3. Tska sabi nga nila kailangan mong ipakita sa ex mo kung ano ang sinayang nya. Ay bet ko yun! Watch and melt Mark<3 HOHOHO!!!!!


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 09, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

UnsureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon