Prologue

61 0 0
                                    

I like the idea of love, I am a major fun of movies and books that talks about love. How people find their destiny, how someone's life was changed because of love. How someone struggle to find his forever after, his happily ever after. It doesn't matter if they have differences with each other because to them they are perfect to each other's eye. Does it really matter to find that forever? Falling deeply in love wasn't new to me at all, and this is how it changed my life...

I was on my Senior year at middle school that time, everybody is so excited about the idea of college, even me. Though I'll definitely miss my friends in school. As they say that middle school or "High School" is a major high light to someone's life. Especially teens, right? Of course, lahat makaka-relate. Sino ba namang hindi di 'ba? "High School" banggitin mo pa lang matatawa ka na. Sa dami ng kalokohang ginawa during High School, to be sent to Principal's office kasi nahuli kang nangongopya. Bumagsak sa exams na hindi mo alam kung magagamit mo sa pagtanda mo! Personally, I love Math. BUT Math hates me, so ayon LQ kami lagi. Gets mo? Hahaha! Mangopya sa assignment ng iba kasi nakalimutan mong gawin sayo. Weh? Nakalimutan o KINALIMUTAN? Nakooo. And of course, sino ba namang hindi na-broken hearted during High School days? Nako! Sa lahat ng nabanggit ko, dyan yata pinaka patok ang High School.

"Jigx! Ano tunganga ka na naman dyan?" My friend Yna told me. My best girl friend ever! I don't really get a long with girls actually, because I hate dramas. Less insecurities and all that stuffs. That is why I only have one girl friend. I like hanging out with guys more because I am able to get along with them that easy. Only girl kasi ako sa family. Also the reason why I'm the only girl of our band, as the vocalist. Tarayy vocalist!!! Hahahaha che!

"Wala. Naisip ko lang, ready ka na ba for College? Ready ka na bang iwan lahat 'to?"

"Bakla! Kung maka-ano ka naman dyan, parang pupunta ka ng ibang bansa! Baklang to oh! Hahaha!" Minsan talaga, hindi siya marunong makisakay pag on a serious mode ako eh.

"Seryoso. Ano ba? Sipain na kita! Hahaha" Pag di pa talaga to nagtino kausap, alam na!

"Syempre hindi pa, nakaka-miss kaya! Yung mga kabaliwan natin nila Seven. Grabe! Pag naghiwa-hiwalay na tayo, pano si Mico? Walang gagawa ng projects niya. Si Chaz? Walang taga-advice sa epic fail niyang love life. Di ba? Kawawa sila! Kaya isa lang ang masasabi ko..."

"Ano?" Na-curious ako bigla

"Magpabagsak tayo! AJA!!!! Hahahahaha" Ay shunga!

"Oo talaga! babagsak ka dyan sa kinatatayuan mo pag tinulak kita sa hagdan! Hahaha, abnormal ka!" Minsan nagtataka din ako kung pano ko 'to naging kaibigan eh. Haysss

"Braaaaaaaad!!!" Eto pang isa, si Mico na wala ng ibang ginawa sa buhay niya kundi matulog at kumain. At matulog ulit at kumain ulit, cycle as in ganon!

"Oh bakit?"

"Nak... naku..." Oh ayan, edi hiningal sukat ba naman kasing manakbo eh. "Nakuha tayoooo!!!"

"Ha? Saan?" Anong nakuha? Teka... Hindi kaya sa... "SA AUDITION???"

"OO SA AUDITION!!!! YEEEEEEEEES!!!" Sabay yakap niya sakin habang tumatalon. Totoo ba to? Wahhhhhhhhh!!!

"Di ngaaaa? Asan sila Chaz? Si Cav? Alam na ba ni Bricks yan??" Sobrang saya ko! Nakapasa kami sa audition ng school para sa B.O.B (Battle Of the Bands)

"Oo alam na nilang lahat! Di lang sila maka-akyat dito kasi kausap pa sila ng coordinators eh, basta ang sabi lang nila Chaz may rehearsal tayo mamaya. 4:30 daw sa studio." Meron kasing maliit na studio sila Chaz, pwedeng band rehearsal at dance rehearsal. Pero mas madalas mag-rent yung mga nagbabanda.

"Oo sige! Text na lang tayo ah! Uwi muna ako. Ingat!" Nagmadali na ako umuwi, di na kami nagkasabay ni Yna. May tatapusin pa daw kasi siyang projects kaya ayon, nauna na siya umuwi.

Habang naglalakad ako papunta ng sakayan, hindi ko maiwasang hindi siya maalala. Bigla kong naalala ang muka niya, ang taong nanakit sa akin. Ang dahilan kung bakit malungkot ako ngayon. Dito kasi kami madalas dumaan tuwing ihahatid niya ako sa sakayan.

ISIP: Ugh! Jigx, akala ko ba no more bringing of past na? Akala ko ba forget everything and move on na tayo?

PUSO: Eh bakit ba? Masama bang maalala yung tao? Sobra ka naman! Tao kaya si Jigx, hindi robot! Napaka mo talagaa!!!

ISIP: Alam ko! Pero 5 months ng nakalipas yon, ibig sabihin nakalimutan na siya non. At hindi na siya iniisip pa! Tigilan mo na nga 'yang pagpapa-alala kay Jigx ng past. Tapos na yan!

PUSO: Hindi porket tapos na, nakalimutan na! Tandaan mo 'yan! Ang isip pwedeng makalimot, pero ako hinding-hindi. Niloloko mo lang sarili mo!

ISIP: Utut mo!

The Unfinished StoryWhere stories live. Discover now