Nasira na.

46 0 0
                                    

Denzell ano ba nasaan ka na ba? kanina pa ang out mo dba? Di mo ba matandaan kung anong mayroon ngayong araw? Siguro kasama mo nanaman yang mga kaibigan mong puro DOTA ang nasa isip o baka naman kasama mo yung haliparot mong kaibigan -_- bahala ka nga sa buhay mo!!

Ayan kaagad ang bumungad na txt pag bukas ko ng phone ko. Lagi ko kasing ino-off ang phone ko tuwing may klase. Sumakit ang mata ko sa txt ng Girlfriend kong si Kari. lagi nlng gnyan ang bungad nyang txt sakin tuwing hindi ako nakakapag txt kada oras. Pero kahit ganun sobrang mahal na mahal ko siya. 


Sorry Babe, kakatpos lang kasi ng klase namin may exam kmi ngyon kaya ngayon ko lang nabasa mga txt mo. Papunta na ko. I love you :*


Dumiretso na agad ako sa bahay nila kari pagkatapos kong mag reply sa txt nya dala ang mga regalo ko sa kanya. Boquet of white roses at chocolates.

Happy Anniversary Babe :) Ready ka na ba? Lets go.

Ewan ko sayo kanina pa ko nakaayos dito. Hindi ka man lang nag txt na malalate ka sa usapan natin.

Sorry tlga babe finals na nmin knina. ino-off ko yung phone ko kasi strict yung prof nmin sa subj. na yun e.

Whatever :3 Tara na ngaa. Kanina pa ako nagugutom e.

Kanina pa ko daldal ng daldal dito pero tango at iling lang ang nkukuha kong sagot sa kanya. Ayy nakuu!! Mga babae tlaga ang hirap amuhin. 

Okay naman tlga kmi ni Kari sa isang taon na mag karelasyon kami. Normal na relasyon. Masaya, madalas na tampuhan, maraming away, at selosan. Aso't pusa. Pero kahit madalas na hindi kami ok pinipilit ko pa ring ayusin. Una plang ksi inamin na nya saking hirap siyang mag tiwala dahil ilang beses na siyang naloko.

Dadalhin ko si Kari sa isang Amusement Park pagkatapos nming kumain ng Dinner. Sana naman maayos na siya. kasi ewan ko nlng. Nakakasawa na ksi yung laging ako na lang yung aamo sa kanya. 

Kahit sobrang mahal ko siya nakakasawa rin plang lagi nlng kming ganto. NAKAKAPAGOD.

Nasa Park na kami pero di pa rin umiimik si Kari.

Kari, ano bang problema? anniversary natin ngayon sana namin maging masaya tayo pareho.

Denzell mahal kita pero di na ako sigurado kung ako lang ba laman ng puso mo. :/

Saan naman galing yan. Kari alam mo namang ikaw lang ang mahal ko dba? Tapos na yun. Ikaw at ako nalang ngayon.

Ewan ko. Napaparanoid nanaman siguro ako. 

Lumipas na ang gabi. Naihatid ko na si Kari sa bahay nila at kasalukuyan akong nakahiga sa kama ko.

NAG-IISIP.

Ang hirap. pinipilit ko nlng bang ayusin ang relasyon namin kahit alam kung butas na. SIRA NA. Hindi ko masisi si Kari sa mga nangyayari  samin ngayon. Mahal ko talaga siya. Pero

biglang tumunog ang cellphone ko. Tumatawag si kari

Denzell, ayoko na itigil na natin to. ang hirap ibalik e. Sorry. Akala ko ok na sakin lahat pero di ko pa rin matanggap na niloko mo ko. :'<

At dun tumulo na nga ng tuluyan ang luha ko. Ou nga pala. Huli na. SIRA NA. NILOKO KO KASI SYA. 

-End

TiwalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon