Teaser

70 1 0
  • Dedicated kay Ederose Verroya Arquiza
                                    

note: ito yung pangalawang akda na aking susulatin after ng huli ko nasulat. Medyo nainspired akong isulat ito after ng paguusap namin sa text kanina. Kahit may kirot e ito ang nag-udyok sa akin para isulat ang aming istorya x-(

________________________

Sa bawat hamon ng buhay madami tayong nararanasan ngunit patuloy pa din tayong lumalaban sa laban na kahit alam nating talo na tayo pero ating kinakaya dahil meron tayong pag-ibig na pinanghahawakan at pangakong pinaninindigan.

"Pwede bang humingi ako ng mas mahabang time pa?" ito ang nabasa ko paggising isang umaga. Pagod ako noon at medyo masama ang pakiramdam pero sa nabasa kong iyon ay nabuhayan ako ng loob.

Agad ko naman itong nireplyan, "sige basta para sayo" napangiti naman ako at nasabi sa sarili na siguro umpisa na ito para mabigyan ng linaw ang lahat.

Pero san nga ba nagsimula ang lahat ng ito?

Panahon noom ng pyestahan taong 2010, nakatangap ako ng mensahe mula sa pinsan ko at sinabing sumunod daw ako sa kanya at dalhin ang papremyo sa isang dance contest at naiwan daw nya ito sa bahay. Tinatamad pa nga ako noon magpunta dahil nakatambay noon ang barkada. Pero ng malaman nila ito agad naman nila akong pinilit magpunta para daw makagala na din daw kami, tutal wala naman talaga ginagawa sa tambayan.

Agad naman kaming nagpunta sa lugar na sinabi nya at hindi na akong nagtangka pang magbihis. Nakapambahay lang ako noon at para bang napadaan lang at pinapabili ng bote ng suka.

Pagdating sa lugar agad kong nilapitan ang aking pinsan sabay abot ng mga sobre na hawak ko. Napansin ko din sa paligid na andun ang ilang mga taga bayan na pawang mga myembro ng mananayaw.

"konsi kulang po ang judge, tutal kayo po ang guest namin baka po pwedeng kayo na ang magjudge kasi po hindi makakarating ang isang hurado" si sk jeff, ang sk ng lugar na yun.

"wag na ako, kahit si kapitan na lang o kaya ito, sya nga pala ang pres ng *** at graduate din yan ng masscom kaya pwedeng magjudge yan, sabay turo sa akin.

Pero mistula akong napanganga sa mga salitang iyon dahil di man lang ako prepared at hello nakapambahay lang po kaya ako, nasambit ko sa sarili ko.

"kuya payag ka na para makapagsimula na tayo" sinuklian ko lamang ito ng ngiti sabay iling.

"kuya sige na" sabi ng isa sa mga babaeng kasama ni jeff.

hmn, sino yun, pilyong ngiti ko. "sino sya?" at nagpakilala naman ng magiliw ang isa sa kanyang kasama at napagalaman kong kagawad pala sya ng sk.

"magaganda pala kagawad mo sk wah" sabay ngiti sa kinaroroonan ng dilag.

Chapter X: UnpredictableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon