ILH-1

6 0 0
                                    

IRENE

Ang sakit nila sa mata. Ang sakit nila sa puso. Ang sakit lang na makita na naglalampungan sila sa harap ko. Like hello! May nasasaktan po dito! Pero ano bang magagawa ko? Mahal niya e. Nyeta.

Kumpleto ang barkada kasama mga jowa nila. Imbyerna. Ako nang single.

Buti nalang talaga may karamay ako sa mga oras na 'to ang aking supportive and loveable bestfriend na si Emme. Parehas kaming single. Saya diba? Note the sarcasm.

"Ang sasarap nila sakalin no? Lakas mang inggit e." bulong nito sakin sabay inom sa alak na hawak niya.

"Mag bre-break din yang mga 'yan."
Bulong ko pabalik saka tumingin ulit sa lalaking pinapantasya ko pero iba ang pinapantasya.

Naks ang saya nila ang sarap inisin hanggang sa mag hiwalay sila. Pisti.

Pano nga ba nag umpisa na magkagusto ako kay Zico? Nag simula 'yon noong pinakilala siya samin ni Joseph isa sa mga kaibigan ko at pinsan ni Zico. Noong una na attract lang ako dahil gwapo siya , matipuno at matalino bonus nalang yong galing niya sa pagkanta. Simula noon kasama na namin siya sa mga gala o party na pinupuntahan namin. Madalas din siya sa condo ko , bakit? Kasi maliban kay Joseph isa ako sa pinaka close sa kanya hindi ko alam kung bakit at kung paano nangyari yon.

Sweet din siya sakin. Kaya sinong hindi ma fa-fall? Babae ako may karupukan din sa katawan at syempre may puso rin ako at damdamin na kayang mag mahal kahit may pagka maldita ako.

Matagal bago ko inamin na may feelings talaga ako sakanya. Mag kaibigan kami kaya ayaw kong sirain 'yon para lang sa feelings na nararamdaman ko. Ang bait ko kasing kaibigan. Pvta.

Pero sobrang sweet at caring niya sakin minsan nga naiisip ko type din niya ako. Bukod sa maganda ako may pagka assuming din ako. Pero never siyang nag confess na he love's me or he like's me. We never kiss and tell each other i love you's.

Well, sinasabihan ko siya but in my mind lang bawal i vocal baka lumayo mahirap na. Hihi

Basta pag magkasama kami parang kami pero hindi. Minsan nga napagkakamalan na kami. Syempre kilig pempem ko pero secret lang. Siya naman kasi ang madalas tumanggi pag may nag tatanong.

Like lugi ka ghorl? Lugi ka pa sa ganda kong to?!

Hanggang sa dumating na nga yong araw na kinatatakutan ko. Nagkaroon siya ng girlfriend. Ako ang unang sinabihan niya sa barkada. Syempre ang lola niyo kunwari supportive pero deep inside ang sakit sakit. Sa sobrang sakit gusto kong saktan yung babae. Kung sino mang Yokai siya.

I cried that day. Sino bang hindi? Ang sakit lang. Akala ko ako na , hindi pa rin pala. Sweet niya e. Bwisit. Paasa.

Ilang araw akong lutang at bigla nalang umiiyak. Daig ko pa hiniwalayan ng jowa. Ni hindi ko maintindihan sarili ko. Lalaki lang yun pero bakit iniiyakan ko? Bakit sinisira ko buhay ko? Bakit? Marami akong bakit pero wala akong makuhang sagot kundi ang mahal ko siya e. Buti nalang to the rescue ang bff ko nilibang niya ako nag shopping kami , kumain ng kumain at nanuod nang nauod ng movie. Kahit papano gumaan ang pakiramdam ko at nag umpisa na akong lumayo , dumistansya sa kanya. I ignore his text , calls pati message sa fb. Masakit e. Hindi man naging kami pero feeling ko pinaasa ako.

Assuming talaga ako. Sarry.

Kinakausap ko lang siya pag kailangan o kaya pag kaharap ang barkada para hindi halatang umiiwas ako. Kahit 'yon naman talaga ang totoo.

Nasaktan ako e.

Masakit pa rin kahit two months na ang nakakalipas noong malaman kong may girlfriend siya.

I Love HimWhere stories live. Discover now