01: rafael sloan

205 3 0
                                    

RAFAEL'sPOV
madaling mabuhay mahirap lang kung paano. hindi ko na alam ang pinagsasabi ko pero yun na yun. sabi ng iba blessed daw ako dahil sa madaming talento , maganda ang pangagatawan at gwapo. nakakatawa lang dahil hindi nila inisip na pinaghirapan ko yun. buong buhay ko lagi na kong nacocontrol. pero bakit ko naman proproblemahin yun sayang lang ang oras ko. swerte naman ako kahit papaano.

" Hoy paps! may naghahanap sayo sa labas" sigaw ni vins.

ah si vins pinakamaingay saming magttropa nakilala ko siya nung junior highschool dahil parehas kaming varsity sa sa basketball. sumilip ako sa labas mga aamin na naman siguro

" kuya raf matagal na kit–"
nasa gilid si prada tinataasan ako ng kilay. bigla ko siyang hingit sabay inakbayan

" baka magalit siya eh " tinitigan ko sa mata si prada habang nakaabay. makisakay ka sana.

ramdam ko ang paghawak ni prada sa bewang ko.
" anong sasabihin mo sa boyfriend ko? ^.^" sabi ni prada

jgh. salamat nakisama ka. bumilis bigla tibok ng puso ko pano na to.

" ah wala p-po" umalis agad yung babae kasama yung kasama niya

" boyfriend pala ah " pangasar ko kay prada

namula siya at piningot niya ako. "utot mo"

bumalik na siya sa upuan niya ng may mabibigat na hakbang . sumunod naman sa kanya ang tumatawa na si stephanie

" sinakyan lang niya trip mo, wag kang pakasaya" sabi ni timo

luh problema nitong kupal na to hahaha
siya si timothy bustamante aso ni prada laging nakasunod e de biro lang mayor siya sa room namin si prada secretary. ako? ah wala absent ako ng nagbotohan.

umupo na ko inayos ang gamit ko at naglabas ng earphones para makinig ng music. ilang oras din naamn uwian na e hinihintay lang namin mag 3 para pwede na lumabas. absent teacher namin kaya kami na lang kusang uuwi.

" paps tara sa ugz parank up tayo nila tad tas daan tayo sa bahay niyo sleepover kayo samin" hinugot ni vins earphones ko tas nag aya

" rara dude tapos libre mo ko" sabi ni tad. yang ugz comshop and cafe yan. maganda maglaro dyan may ac kaso mahal.

"pass " sabi ko sabay balik ng earphones

" corny. dali na bukas na mana simula ng bakasyon" sabi ni vins

last day na pala namin ngayon. recognition namin kaninang umaga next sy grade 12 na kami. ang bilis ng panahon

" bukas na lang kita tayo sa bahay niyo vins tapos dun na lang" sabi ni tad

" luh di nag aaya mga gago oh " sigaw ni kelvin sabay punta samin

" oy ano yan ge ganyanan na " singit ni eros na pumunta din sa pwesto namin

" bukas tambay tayo sa bahay nila vins" pang aaya ni tad

" aba sige paalam niyo ko kay papa " sagot ni yohan.

ah nga pala si vins , tad , eros at kelvin tropa ko hindi lang sila meron pa mga babae yun sila prada , abi , stephanie , at sin. kami ang DOMZ. ah tawag kasi samin dominats tas naisip ko lang. walang leader leader samin ano kami gang.

si vins pinaka maingay pero magaling din makipag interact kahit kanino

si tad playboy daming babae pero magaling sa mga computer engine

si eros source namin hindi mga goodsht ah source ng pagkain may alfamart sila tatlo na magkakahiwala ng branch saka ano source ng alam niyo na ugh

si kelvin pinakabatak samin kaso takot sa papa niya. sino ba naman di matatakot sa batak na captain general.

si abi naman best in history. magaling sa araling panlipunan kaya hindi pa makamove on sa past eh. naghahabol pa din sa ex niya

si stephanie normal na tao lang parang ako pero girlish manamit hindi naman girlish basta ang galing niya manamit sabi niya gusto niya maging fashion designer.

si sin anak mayaman mayor papa niya. mahilig din siya mag gym parehas sila ni prada kaya ang ganda ng katawan. passion ni sinthia ang gymnastic. madami na siyang achievement sa gymnastic minsan na din siyang nakakuha ng gold nung nagparticipate siya sa ano nalimutan ko kung saan

ako average lang kung anong iutos na masalihan edi sali. hindi naman ako sobrang galing pero ilang beses na din nanalo. isa lang pinagtotoonan ko ngayon yun ang paggawa ng music. minsan na akong nagvarsity sa dalawang sports pero tama na siguro muna.

lahat kami stem pero may balak lumipat ata ng strand sa amin sa totoo lang balak ko din hindi ko alam kung matutuloy . bilis ng araw dati di kami magkakakilala tas yung iba samin paano ano lang ngayon seryoso na.

ah si prada. gusto niyang sumunod sa ano ng pamilya niya. puro sila doctor pag walang magawa sumaside line sa mga cafe or ano singer siya dun.

" ay ano yang binabalak niyo? boys hangout lang ba yan? di kami pwede?" panggulo ni abi

ah nagplaplano nga pala kami para sa gagawin bukas tutal bakasyon na

" punta sana tayo ng ek libre ko kung kasama kami" sabi ni sin

" luh syempre naman kasama kayo kahit walang libre" sabi ni vins

" YEY excited na ko " sabi ni prada

" totoo ba yan kahit walang libre??" sabi ni stephanie

" syempre pwede naman manlibre di kami natanggi sa blessings" sabi ni eros

" hoy basta paalam niyo ako" sabi ni kelvin

" bahala kayo dyan" sabi ko

"HAHAHAHAHAH" tawanan namin

sayasaya nalilimutan ata na nasa room pa kami. pero kanya kanya namang mundo dito.

" ihahatid mo kami diba" sabi ni sin sabay hawak sa braso ko. magkakapitbahay lang kaming tatlo nila sin at prada eh

" kiss muna" biro ko

bigla naman akong binigwasan ni prada

" hm kadiri ka boyfie" sabi niya

" sabay na tayo lahat umuwi. tyaka pinapadaan ako sa inyo sin" sabi ni kelvin

"kadiri daw pero hm nako" sabi ni tad

tawanan ulit

PTL: Pagtropa tropa langTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon