“Colt! Practice na!” sigaw sa akin ng kasama ko sa banda.
Nilingon ko ito mula sa gilid at tinanguan bago muling tinanaw ang isang babaeng masayang nakikitawa sa mga kaibigan.
“Colt, tol, sasama ka ba mamayang gabi?” tanong sa akin ni Russ, ang drummer ng banda pagkatapos ng practice.
Umiling ako sa kanya.
“Susunduin ko pa kasi,” simpleng saad ko.
“Naks! Lakas talaga ng tama mo kay Mikaela!” saad ni Flynn, ang gitarista.
Ngumisi na lamang ako sa kanila.
Sinundo ko si Mikaela kahit hindi niya naman ako pinapansin. Ayos lang, mahal ko naman at alam kong mamahalin niya rin ako.
“Mikaela!” masaya kong saad ng makasalubong siya sa hallway pero hindi niya man lang ako pinansin.
Ginagawa ko ang lahat para lamang makuha ang loob niya.
Binibigyan ko ng mga sulat kong kanta kahit pa palagi ko itong nakikita sa basurahan. Ayos lang, mahal ko naman at naniniwala pa rin akong mamahalin niya ako.
I will always chat her even though she'll only seen my chats. Ayos lang, atleast, nababasa niya. Ayos lang, mahal ko naman siya.
Walang mintis ang pagbibigay ko ng mga sulat sa kanya araw araw. Walang mintis ang pagbati ng magandang umaga. Walang mintis ang pagpapapansin pero lahat ng iyon ay binabalewala.
“Bro, hindi porket mahal mo ang tao, gagawin mo ng tanga ang sarili mo.”
Ito ang huling araw ng practice namin at bukas na kami tutugtog. Napabuntong hininga na lamang ako at padarag na umupo sa gilid.
Tapos na ang practice. Gustuhin ko mang sunduin si Mikaela, alam kong tama si Russ.
“Pasensya ka na, sa mga kathang isip kong ito” buong puso kong kanta sa liriko.
Maraming mga estudyante ang nakikinig at nakikisabay sa pagkanta ko.
“Wari'y dala lang ng pagmamahal sa iyo.”
Sa dagat ng mga tao ay tumuon ang tingin ko sa gitna kung saan nakatayo ang babaeng kay tagal kong pinangarap. Mikaela.
“Ako'y gigising na, sa panaginip kong ito.”
Panaginip na nagpapakitang pwedeng maging tayo kahit alam kong hindi ako ang iyong gusto.
“At sa wakas ay kusang lalayo sa iyo (lalayo sa)”
Huminga ako ng malalim at ipinikit ang mga mata. Tama na ang pagpapakatanga. Naubos ako dahil binigay ko ang lahat sa iyo pero hindi ako nagsisisi. Ginusto kong mahalin ka kahit pa ikakadurog ko.
Kasabay ng pag mulat ng aking mga mata ay ang pagtama ng paningin nating dalawa. Kasabay rin noon ang pagsambit ko ng huling mga salita.
“Lalayo sa.. iyo.”
| work of fiction |
Fenella Arantxa
:Add me on facebook for more stories.
YOU ARE READING
KANTA, KWENTO
Short StoryCOMPILATION OF ALL ONE SHOTS STORIES THAT ARE INSPIRED BY SONGS. HOPE YOU'LL ALL LIKE IT. CHILL, READ, AND ENJOY! Book Cover Credit: Photo background from pexels and text from textoon.