IMAHE BY MAGNUS HAVEN

1 0 0
                                    

Kasalukuyan kami ngayong naglalakad ng tropa ko palabas ng gate dahil uwian na.

“Clyde, nahulog.”

Napalingon ako kay Noriel na nasa likod kasama si Rolyn. May inilalahad siya sa akin na nakatuping litrato.

Hindi ko pa pala natatapon ang isang ito.

Nanatili akong nakatayo at pinagmasdan ang isang imahe kung saan, dalawa kaming nakangiti.

Tinapik ni Noriel ang balikat ko bago ako nilampasan at ganon din ang ginawa ni Rolyn bago nag salita.

“'Wag mo ng balikan, patuloy ka lang masasaktan.”

Hindi ko siya pinakinggan at muling inisip ang mga araw na kasama ka.

Pinakaunang beses na dumapo ang mga mata ko sa iyo, alam ko na. Gusto kita.

Hindi na ako nag aksaya pa ng oras sa mga araw na iyon. I approached you and intoduced my self.

“Hi, Clyde Rodriguez nga pala.”

Parang nagslow motion ang paligid ng lumingon ka sa akin at ngumiti.

Tangina, di ko aakalaing kikiligin na ako sa simpleng paglingon mo sa akin. Hindi ako naniniwala sa love at first sight pero fvck, mukhang tatamaan ako sayo.

Palagi kitang sinasamahan sa school at kinakausap sa chat pag gabi simula ng araw na iyon. You always made my day.

“Eat on time, Clyde. Mamamayat ka.”

Chat mo isang araw ng sinabi kong hindi pa ako naghahapunan dahil naglaro pa muna ako ng ml. Napangiti at mas lalo akong nahulog sayo dahil doon.

Naging mas close tayo sa mga araw na nagdaan. Tinutukso na rin ng mga kaschoolmate saka teachers na makakasama natin. So I hoped. I hoped na baka, pareho tayo ng nararamdaman sa isa't isa.

From being strangers to becoming friends. Best friends. You called me one of your best friends.

“Friendzone ka, tol!”

Sinundan pa ng tawa na saad ni Noriel. Hindi ko na lamang siya pinansin at hinintay na lumabas ka ng room niyo. Ihahatid pa kita pauwi.

I was okay with being friends with you. As long as I can be by your side. Pero may kalakip pala ang pagiging kaibigan.

“Ang gwapo niya talaga!! Alam mo? Gustong gusto ko siya :((”

Napabuntong hininga ako sa chat mo. Alam mo yung sakit na masabihan ng taong mahal mo kung gaano niya kamahal ang taong mahal niya?

Tagos. Tagos hanggang laman.

Para tayong pinagtagpo pero hindi itinadhana dahil—

“Clyde,”

Ibinaba ko ang imaheng hawak ng marinig ang tawag ni Rolyn. May iningunguso siya. Nilingon ko naman iyon.

Ikaw iyon at ang taong mahal mo. Napangiti ako.

—puso natin ay hindi... sa isa't isa.

| work of fiction |
Fenella Arantxa
:Add me on facebook for more stories.

KANTA, KWENTOWhere stories live. Discover now