11: Finals bound

75 4 5
                                    

Sports fest (3rd day - Part two)

"Eto na outside hitter niyo Yuri-ya!" sigaw ko pagdating na pagdating namin sa volleyball court. Naka akbay ako kay Sakura habang papunta malapit kina Yuri.

"Tara na ibon! May game din tayo" salubong ni Yena. Tumango nalang ako dito pero bumalik din naman siya kay Yuri.

"Good luck sweetie~" kiniss ko sa noo ito pero hinampas lang ako. Kinikilig siya eh.

Niyapos ko ito at, "Sunod-sunod na game namin eh sulitin ko na tong hug at baka sa awarding na tayo magkita" after ng mga limang minuto ay tinulak ako nito.

"Shoo mag warm up na ako" pagkasabi niya non ay hinalikan nito ang pisngi ko, "Good luck babe~" at tumakbo na ito sa court.

"Tangina weak mo Chaen" umakbay si Yena sakin, andito pa pala tong gagong to. "Baka late na tayo sa game pero wala akong pake basta nakasama ko si Jjoyul ko" at kinilig pa ito tangina ang panget.

"Panget mo bibe!" hinampas ko nguso nito at lumakad na papuntang basketball court kung san kami lalaro.

"Musta pag-uusap niyo?" tanong nito habang naglalakad kami.

"Ayon, okay lang" maikling sagot ko.

"Tangina? Ganun lang sagot mo?"

"Gago ka ano bang gusto mong marinig na sagot?" tumingin naman ako sa mga mata neto. Kaibigan ko nga ang loko.

"Haha oo, kami na" dumiretso naman na ako ng paglalakad pagkatapos umiwas sa mga tingin niya nang biglang may sumakay sa likod ko.

"GAGO KA CHOI YENA! PANO KUNG TUMUMBA TAYO DITO?" ambigat ngina netong bibeng to.

"Tara naaaa" at umastang superman ito sa likod ko walangya talaga. No choice tayo dito at di talaga bababa tong mokong na to.

"Tsk"

Pagdating namin sa court ay bigla akong napasalampak ng upo sa bench. Aaaahh ansakit ng likod ko walangyang bibe kase.

"Oh unnie? Pagod na pagod? HAHA" tawa ni Ahn Yujin sa taas ko. Oh andito to?

"Kalaban niyo sina Hyewon unnie" tinuro niya si Hyewon sa kabilang bench. Ay gago.

OO NGA PALA! TANGINA BAT NAKALIMUTAN KO?!? SI EUNBI UNNIE DEEEN.

"Oh natulala ka diyan Chaeyeon unnie? Musta naman kayo ni Kkura-chan?" sabay ngiti nito sakin.

"Kami na Yuj" sabay ngiti ko dito.

"Bakit nga pala wala si unnie?" tanong ko dito at tinuro ang mga players ng g11.

"Luh unnie haha" tawa nito sakin.

"Baka nakakalimutan mong nag volleyball si Eunbi unnie?" TANGINA OO NGA GAGO OMO. SO THAT MEANS KANG HYEWON NAGHAHATAK NG TEAM AND UMABOT SILA SEMI FINALS? Taena lakas Kwangbae. Lakas.

"Players?" tanong ko kay Yujin habang inaayos ang sintas at jersey ko.

"Malalakas," tumingin ako dito, "I mean Ate Chowon, Ate Sian, at Kwangbae, just imagine that trio, plus yung point guard na galing din atang vb" natapos na ako sa pag-aayos at nagtali na ng buhok.

Okay I'm good to go. "Okay Ahn Yujin, thank you and support us ha" kinindatan ko ito bago tumakbo kina Yena na nagwa-warm up sa court.

Habang nagsho-shooting kami ay biglang napa 'Woah' ang mga tao kaya napatingin ako sa kabilang side ng court.

Andon si Hyewon unnie, nakapwesto sa tres at pinapasahan ni Chowon unnie ng bola.

1...

2...

Sayang | ✅ |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon