Special Chapter 2

57 1 0
                                    

Matagal na dapat to 👉👈 kaso ayon nga walang time and mahirap magsingit ng time para dito huhu. SHORT LANG HEHEHE. SORRY ULIIIIT :(( have fun while reading!

⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩⏩

2kim date

Minju's POV

"Min, where... do you wanna go?" tanong nitong katabi ko. Kakagising ko lang din ansakit ng leeg ko. Ilang oras na ba ako nakatulog?

"I dunno? Niyaya mo ako tapos ako din tatanungin mo?" irap ko dito at kinausap nalang si Chaeyeon sa chat kung gaano nakakairita si Chaewon ngayon.

"Eh bakit ka sumama kung ganon?"

'Pinilit lang ako bestfriend mo, kala mo naman' bulong ko.

"Ano yon?"

"Wala, wala kahit saan okay lang" ngumiti naman ako dito at tumingin nalang sa labas.

"Hoy? Bakit anlayo na ata sa city neto?" pansin ko kasing madami nang puno at oonti ang mga sasakyang dumadaan.

"Kikidnapin na kita, bebenta kita sa mga sindikato" napakurap-kurap naman ako kaya tumawa ito nang pagkalakas-lakas.

"HOY KIM! HAHAHA LT NAMAN MUKHA NETO!" hinampas-hampas ko nalang siya dahil sa kagaguhan niya.

"Dito kami lumaki ni Chaeyeon, I'll tour you here" napatingin na uli ako sa kanya. "I knew you liked her first but I'll not give up just like that..." binagalan niya ang patakbo ng sasakyan at tumingin din sa mga mata ko. "I'll make sure you'd fall for me, Kim. You'll forget about her and you'll just think about me" ngumisi naman ito bago pinatakbo uli ng mabilis ang kotse.

"Dream on, bilisan mo" umirap na naman ako sa hangin.

-----------------------------------------------------------

"Anong gagawin natin dito?"

"Let's make her jealous then," nag-smirk ito bago kinuha ang ibang gamit sa loob ng kotse. "Film me, and we'll post it on sns" bigay nito ng camera sakin.

"At sinong nagsabing pumayag ako?" taas ko ng kilay dito.

"Syempre ako, kase crush mo ko" umirap nalang ako at vinideo-han siya.

"Alam mo bang dito kami naglalakad ni Chaeyeon non..." tatawid na sana kami nang tumigil siya at nagpopost sa camera kaya napatawa ako.

"OMG! YOU LAUGHED!"

"Mukha ka kasing tanga, wag ka nga haha" mahinang tawa ko pa dito.

"Sigi..." nagpout naman ito kaya umirap uli ako sa hangin at nakinig nalang sa mga kwento niya.

"Dito sila... nagde-date dati ni Kaeun HAHA puppy love niya"

"Yea, nakwento nga niyang meron siya nun pero nagkaron naman na daw na closure" nagkibit-balikat naman na ako at nakinig nalang sa kanya.

"Anong gagawin natin dito sa damuhan?" nagulat ako nang may kinuha ito sa bag niyang dala-dala at ngumiti.

"Pinaghandaan ko ata to" pakindat-kindat pa tong asungot na to. Naglatag siya ng isang puting tela at niyayaya akong umupo sa tabi niya.

"Sabihin mo muna bakit ako tatabi sayo"

"Dali na!" HAHA sarap pagtripan ni Kim Chaewon.

"Eto na nga diba" binaba ko naman na ang camera at nai-end ang record.

"Kwentuhan tayo about life, I want to know you more" tingin nito sa langit. "Ganda ng weather ano? Pero mas maganda ka pa din sa paningin ko"

Tinaasan ko ito nang kilay bago tumawa, "HAHAHA ANONG KONEK NG WEATHER SA PANINGIN MO"

Sayang | ✅ |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon