CHAPTER 02
"Ano ba 'yung Section DV?" takang tanong ko kay Cayden.
Nandito pa rin kami ngayon sa classroom. Ayaw ko pang lumabas, tinatamad ako siyaka marami pa akong gustong malaman, mabuti nalang ay nandito si Cayden para may pagtanungan ko.
"Kaaway ng Section natin." walang gana niyang sagot.
Kanina niya pa kasing gustong pumunta sa Cafeteria nagugutom na raw siya kaso tinatakot ko. 'Pag pumunta siya doon sabog ang nguso niya sa akin.
"Niyo," pagkocorect ko sa kaniya.
"Natin. Section natin." mariing sabi niya.
"Whatever!" pagtataray ko, sinimangutan niya lang ako.
"Paano naging kaaway?" tanong ko, nakakapagtaka lang meron palang ganoon dito? Magkakaaway ang Section. Angas.
"Mahabang kuwento,"
"Edi paiikliin mo!" inis na sambit ko, umirap lang siya at nagkamot ng ulo.
"Dati pang mag kaaway ang Section DV at Sea dahil sa pataasan ng grades."
Pataasan ng grades? So matatalino ang nandito? What the fvck?! Ako lang ata ang hindi matalino dito. Agad akong nangunot ng noo. Matalino si Cayden, sa kaniya ako kumukopya dati kaya pala nandito siya. Matatalino ang nandito. Matatalino.
Sabi ko na hindi ako welcome dito. Hindi rin ako belong. Parang pinaramdaman sa akin na ang bobo ko.
"Eh? Bakit ganiyan itshura mo?" natatawa niyang tanong. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Ash? Huwag mong sabihing nangongopya ka pa rin?" ngumuso ako, hindi naman maiiwasang hindi mangopya eh.
Ganoon ang ginagawa ko,nangongopya ako tuwing exam at may quiz. Sabi nila kuya matalino naman talaga ako tamad nga lang, pero totoo naman 'yon.
"Ang babaw naman nila kung ganoon dahil lang sa grado? Magkakaaway!"
Nangunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. Totoo naman, ang babaw babaw nila. Dahil lang doon?
"Magkaibigan din pala kami dati."
Gulat akong tumingin sa kaniya, huwag niyang sabihing nag-away sila dahil lang doon at nagkawatak watak!?
"Tama yung nasa isip mo." halos humagalpak ako ng tawa dahil sa sinabi niya, ang iimmature nila.
"Bakit kaba tumatawa?" inis niyang saad.
"Ang babaw ng dahilan!" halos kinapos na ako ng hangin dahil sa kakatawa ko.
"May malalim pa na dahilan kaya tumigil ka sa kakatawa mo." masungit na sambit niya kaya nanahimik ako.
Ano naman kaya ang malalim na dahilan na sinasabi niya?
"Ano naman 'yon?" kuryosong tanong ko dito. Bumuntong hininga muna siya at tumingin sa akin ng seryoso.
Grabe, mukhang malalim na dahilan nga talaga ang dahilan. Grabe ang seryosong mukha ni Cayden eh.
"Dahil sa babae," napatitig ako sa kaniya.
Humiga muna ako ng malalim
Isa...
Dalawa...
Tatlo...
Loading...
Tuluyan na akong napahagalpak ng tawa habang siya ay seryosong nakatingin sa akin. Pinipigilan ko ang pagtawa ko pero lumalabas pa rin baka mautot pa ako dahil sa pagpipigil kaya tumawa lang ako nang tumawa.
BINABASA MO ANG
THE ONLY GIRL IN SECTION SEA ( COMPLETED )
ActionIsang babae ang napunta sa section na ang mga estudyante ay basag ulo, nambubugbog, magulo at mga siraulo. Higit sa lahat puro lalaki ang mga ito. Ano na lang ang mangyayari sa kaniya kapag nagtagal siya sa section na ito? At ang balita pa ay ayaw n...