CHAPTER I: DARK MISSION

811 34 3
                                    

"Congratulations for passing the Altar Server's exam!" Bungad ng matandang lalaki na nasa harapan ko. Siya ata 'yung tinatawag nilang ministro ng KoA. Ewan ko kung 'yun ang term nila. Pero bahala na. Bilang sagot pagbati niya ay ngumiti naman ako pabalik.  "Ano nga uling pangalan mo, Hijo?" Tanong nito sa akin. Napabuntong hininga ako. Nagsimula akong kabahan sa simpleng katanungan. Wait, sino na nga ba dapat ako? Paano nga ba dapat nila ako makilala? Ah..

"Cole Revirendo po." Wait. Saan ko nakuha 'yang pangalan na 'yan? Hays! Bahala na! Di lang nila malaman kung sino talaga ako.

"Ilang taon ka na, C..cole?" Segunda nito.

"1..15 po." pagsisinungaling ko, dahil ang totoo, 21 na ako, hindi lang halata. Salamat sa genes ni mama, nagmukha akong mas bata.

"Salamat sa pagtugon, Cole, ngayon mas dadami na ang sakristan sa ating parokya. Attend ka sa meeting sa Sabado ha? 1:30 para makilala mo mga kasama mo sa service, at orientation na rin sa katulad mong bago."

"Maraming salamat po. Ikinagagalak ko pong magsilbi sa simbahan." Sagot ko. Tinapik naman ako nito sa likod saka nagpaalam. I gave him a grin. A grin that he wasn't able to see.

Hangal. 'Yan ang tawag ko sa'yo, uto-uto! Mga katoliko talaga, mabilis maloko. Akala ko pa naman ay mahihirapan ako na makapasok sa simbahan nila pero napakadali pala nilang utuhin. Sinong mag-aakala na ang isang taga-ibang sektang tulad ko ay makakapasok pala sa simbahan ng mga liko?
Ambilis nilang maniwala, eh, kaya pati mga baluktot na aral ng simbahan nila, mabilis din nilang tangkilikin. Gaya na lamang ng pagsasamba sa kahoy, sa mga santo at sa ina raw ng Diyos na si Maria. Nakakatawa sila. Hindi ba nila alam na sa ginagawa nila'y nilulublob na nila ang dulo ng mga daliri nila sa paa sa dagat-dagatang apoy?

Kaya hindi ako nagkamali na ituloy ang plano kong pasukin ang simbahang katoliko para sirain ito. Marami pa akong kailangang malaman, at magagawa ko lang iyon sa pagpasok ko sa kanilang simbahan.

Ako si Aldus Parba Ventilacion, nagtatago sa pangalang Cole Riverendo, magpapanggap na sakristan na siyang sisira sa simbahang katoliko.

Sacristan: the curtains unveiled (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon