"Naliligaw"

3 0 0
                                    

Papasok palang ako sa gate nang E.S.U ng hinarangan nako ni manong guard. Nakaligtaan ko kasing basahin ang naka lagay sa gate na NO ID, NO ENTRY. Napakamot nalang ako sa ulo ko, pano ako papasok nito? Eh Wala pa akong ID.

Natigilan nalang ako ng kinausap ako ni manong guard.
"Ahh, siguro first year college ka miss no?" Tanong niya saakin.
"Opo eh, hihihi" sabay kamot ng ulo ko parang nagiging habit ko na ata to ah.
"Ay! Sige sige pasok ka na miss, sumakay ka don sa may school bus na yon papuntang dorm building niyo, anduon na din ang mag bibigay instruction sayo kung saan mo kailangan pumunta mamaya para sa ID at uniform mo miss." Sabay turo ni manong guard sakin nung sinasabi niyang school bus.

Ambait naman ni manong guard, gwapo pa! Ay, anu ba tong iniisip ko? Pupunta na nga lang ako doon sa bus na sinasabi niya. Habang kinakausap ko ang sarili ko, nababaliw na nga siguro ako.

Papasakay na sana ako sa bus ng sinabi nung lalaki na "ay miss puno na, wait niyo nalang kami dito balikan ulit namin kayo" ay badtrip naman kaya tumungo nalang ako as a sign of Okay po.

Ilang minuto na ang nakalipas ngunit d parin nakakabalik ang bus kaya napag desisyonan ko nang maglakad nalang, para naman makapag exercise ako diba? Haha

Nasa malapit ako ng field habang hilahila ang maleta ko nang biglang may tumalbog saakin na bola ata yon kaya na tumba ako.

Booooogggsssssshhh
Bakit sa dinamidami ng pwedi matamaan ay ako pa? kaya ito ako natumba, pinagtatawan paako ng mga lalaki na nasa field. Naglalaro sila ng soccer ata. May lumapit naman sakin na isang lalaki, kinuha niya lang ang bola tapos tumalikod ulit tapos di man lang nag sorry saakin, wow kapal niya ha!

Hoy! Di ka man lang ba mag sosorry? Sabi ko dito.
Tapos humarap na siya sakin sabay ngisi tapos sabing why? Kilangan ko ba talagang mag sorry sayo? Hindi ko kasalanang tatangatanga ka. Tinalikuran niya nako tapos tumawa pa mga kaibigan nito tapos humarap ulit siya sakin sabay smirk.

Eh smirk ko yang mukha mo eh! Kung di kalang gwapo, aawayin talaga kita hmpppff! Makaalis na nga!

Andito na ako malapit sa isang malaking building. Haist, akala ko talaga makakapagpahinga na ako! Yon pala hindi pa to yong building ata. Pinagtitinginan pa ako ng ibang mga istudyante, syempre sino bang hindi makakatitig saakin eh subrang pula lang naman ng mukha ko kasi nga natamaan ng bola kanina. Tangina naman eh Huhuhu nakakahiya.

Lakad lakad lakad lang Rio. Kaya mo pa to. Tapos, wala na! NAWAWALA NA NGA AKO! huhuhu, d ko alam kung nasaan nako! pero andito na ako sa garden ng unibersidad. Dapat talaga hinintay ko nalang yong bus eh. Haist ang tanga tanga ko talaga.

Ayoko ko na kasi sabi eh narinig kong sabi ng babae na kuryos naman ako kaya sinundan ko yong boses, tsismosa ako eh.
But why? Bakit kasi mas mahal mo na siya sakin? Ganun? Nahagip ko nalang yong hininga ko at nag cover ng bibig ko kasi nabigla ako sa lalaking nandito, sya yong nakatama ng bola sakin kanina eh. Kawawa naman nagmamakaawa sa girlfriend niya
Haha KARMA NGA NAMAN, ang bilis!

Umalis nalang ako at d na pinakinggan ang pinaguusapan nila. Kaya ito ako, pakalat kalat nalang sa campus. Napapagud naako kakalakad huhu d ko parin mahanap ang dorm ko. At d ko namalayan naka bangga na pala ako ng isang matigas na pader, ngunit bakit parang may mali? Parang d naman to pader eh, kaya tumingala ako. Nagulat nalang ako ng sinigawan ako ng pader.
Oo para talaga syang pader eh.

Tanga ka ba o bulag kalang talaga! Kanina ka pa eh! If i'm not wrong ikaw yong babae kanina na tatanga tanga kaya na tamaan ng bola namin. Ouch grabi naman to si pogi. Oo na ako na tanga! Pagud ako eh. D kita papatulan.

Sorry po, di ko sinasadya. Napapagud na kasi ako kakalakad kakahanap ng dorm ko. D na ako nakipag bangayan sa kanya, tanga na ko okay na? Pero pagud ako eh! Tsaka kahit kailan d ko naman magawang sabihin kung anu ang pinagsasabi ng utak ko.

I BELONG TO HIM!Where stories live. Discover now