A/N: This particular part of the story has a sensitive topic about life and death, so read at your own risk. Kung may mababanggit mang makakapag-trigger sa kung anumang pinagdadaanan niyo, please stop reading immediately and ask for help. Thanks!
***
PART ONE
I KILLED someone just to prove myself that I really love her; na lahat kaya kong gawin para lang mapasaya ang taong nagpapasaya sa akin.
Kapag kasi ako ang nagmahal, binibigay ko talaga ang lahat. Labis-labis at walang kulang. Oo at hindi na ako nagtitira ng para sa akin kasi . . . aanhin ko naman ang pagmamahal na ‘yon kung magiging malungkot naman ang mahal ko, ‘di ba? Parang mawawalan na rin ng saysay ang buhay ko.
Tanga na nga kung ako’y tawagin ng mga nakapaligid sa akin kasi masyado raw akong nagpapaalipin sa pagmamahal; sa kanya. Pero hindi kasi nila ako maintindihan. Hindi nila maintindihan na kung hindi dahil sa kanya at sa pagmamahal niya, matagal na akong wala rito sa mundo.
I found her in the time I decided to disappear in this cruel world. She found me when I’m really lost. That’s why I owe her big time. Kaya ipinangako ko na gagawin ko ang lahat, mapasaya lang siya. Mahigitan ko lang ‘yong pagmamahal na ibinibigay at pinaparamdam niya; na sa pakiramdam ko, hindi ko naman deserve. Because she’s too good for me. She’s really . . . too much. Kaya nga laking pasasalamat ko na pinatagpo ang aming mga landas.
I suddenly remembered the first time we met.
Sa isang kalsada. Sa gabing sumabay sa aking pagdadalamhati ang kalangitan.
“Gusto ko nang mawala,” paulit-ulit na bulong ko sa sarili. “Gusto ko nang mawala sa putanginang mundo na ‘to. Hindi ko na kaya . . . Ayoko na.”
Sa sobrang manhid ko sa mga oras na ‘to, wala na kong pakialam kung tuluyan na akong nababasa ng ulan. ‘Yong tipong hindi na nahahalata ang aking pag-iyak dahil naghahalo na ang butil ng aking mga luha at patak ng ulan.
Muli akong tumingala sa madilim na kalangitan. “Gusto ko nang mamatay,” muli kong bulong sabay pikit. Ilang minuto rin akong nanatili sa gano’ng puwesto bago ko naisipang idilat ang aking mga mata. Bumungad sa akin ang pulang ilaw sa stoplight at dire-diretsong pagharurot ng mga sasakyan.
“This will be better,” huli kong sabi bago dahan-dahang tumawid sa kalsada. Rinig ko ang sigawan ng mga tao sa aking paligid pero wala akong maintindihan ni isa. Pati na ang pagbusina ng mga sasakyan, hindi ko na rin inintindi. Diretso lang ang aking tingin at hinihintay ang sasakyang tatapos sa paghihirap kong ‘to.
Nang mapansin kong napatigil ang iilang sasakyan at sumasabay na rin sa pagsigaw sa akin ang tao sa loob nito, nagdesisyon akong huminto sa gitna. “Bakit ba hindi pa rin ako nasasagasaan hanggang ngayon? Bakit ba ayaw pa nila akong mamatay? Bakit ba gustong-gusto pa nila akong pahirapan? Ayoko na, e . . . Ayoko na . . .”
BINABASA MO ANG
I Killed Someone For You
Short StoryA three-part short story that will talk about how important to not give your all to someone when it comes to love. That it's still important to love yourself no matter what because too much love might lead you into killing someone.